Beringuela’s Store

Hindi ko malilimutan ang sikat na sari-sari store. Kompleto sa tinda, mura na at bagong-bago pa. 

Hanggang tainga ang salubong na ngiti ng mga nagguwa-guwapuhang tindero’t tindera.  

Puwedeng utang, pero sa magaling magbayad lang. Buy one, take one sa maganda’t seksing katulad mo.

Kaya hindi ako magtataka kung ito’y babalik-balikan mo. Hindi lang isa, dalawa kundi hanggang mahulog ang loob mo.

Suka, vetsin at asin sa masarap na ulam mo.  Old gold, Rosalina, Marlboro, diba Kool ang dating?

Darigold, Liberty, itlog, ika’y lulusog. Honeymoon, Fanbo, Cashmere para sa nalulosyang na beauty mo.

Coke, beer at bilog, puwedeng paghalu-haluin pero katamtaman lang ang lasing. Siyempre may sungo para mapabilis ang sinaing. 

Cortal, Medicol at Sulfaguanadine mainam na mga gamot noon.  Mum, Veto, alkampor para sa naghahalimuyak na kili-kili mo. 

Saltine, Maligaya, mga galletas at saging, kaya ano pa ba ang hahanapin mo sa favorite na tindahan ko?

Maliit pero siksik at di intsik. Mga AKAB masigasig tumambay dahil sa naggagandahang mga tsimay. Kaya nga ang tawag dito sari-sari, kasi hindi lang negosyo kundi tunay na serbisyo. 

Hayyy…sayang, nasunog lang, nadamay pati mahabang listahan ng pautang. Si t’sang Onor, t’song Eryong at mga taga Barlin nalulungkot habang pinagmamasdan nila ang paborito kung tindahan-tambayan na nilalamon ng apoy. 

Kung hindi sa mabangis na apoy na galing sa karatig-bahay lang, si T’yong Joe at T’yang Cion ngayon, sigurado akong nagkukuya-kuyakoy sa mala-Shoemart na, na store.

Yan ang favorite kong tindahan noon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.