Kagabi mag-aalas-otso, pagkatapos namin kumain ng masarap na chicken. Ipinag-drived kami ni Daisy papunta sa San Nicolas Church para mag attend sa isang CFC gathering. Sabi namin, di kami magtatagal doon kasi meron pa kaming aatenan na birthday party. Ipinark nya sa pinakagilid ng parking area ng church, sa likod lang ito ng Cherry Foodarama. Kaunti pa lang ang nakapark noon, kaya nakapili kaming space na madaling makatakas at medyo maliwanag sa lugar. Gusto ko na sanang indianin ang pagtitipon at ang may birthday, kasi masama ang pakiramdam ko, parang lalagnatin dahil sa namumuong sipon. At kasama namin si Ninay na galing sa laskwatsahan. Iniisip kung magpahatid na lang kami sa bahay. Si Daisy umuo na, ngunit-datapuwat, sadyang ang gulong ng car ay patungo doon sa simbahan.
Nilagay ko yun bag ko sa pinakalikod ng car at halos di mo makita kung di mo hahalughugin. Naiwan ko yun, isang alak na regalo ko sana kay Brod Mar sa upuan na nakasupot na brown. Isang bag din ni sweety ang iniwan sa paa ng gitnang upuan at ang tirang isang box ng chicken na pasalubong sana sa bahay. Di mo makikita kung wala kang dalang flashlight sa dilim ng salamin at lugar.
Inanounced na meron daw sasakyan na binasag ang bintana. Isang Suzuki Vitara ang pagkakadinig ko, sinabi din daw ang plate number, pero dahil sa masamang tunog ng sound system at ingay, di ko masyadong naintindihan. Di ko din masyado pinansin kasi APV Suzuki naman ang akin. Siguro nakakabara ang car, kaya patuloy ako sa pakikisalamuha sa mga ka brod ko. Yun pala ang pagkakasabi, Suzuking binasag ang bintana, hindi Suzuking Vitara. Buti na lang kilala ang car ko ng isang ka-brod ko, kaya nasabi sa akin. Kaya’t dali-dali kaming pumunta…biktima nga kami ng Basag-salamin Gang. Di maririnig ang pukpok sa salamin kasi may banda sa loob ng simbahan. o’ kaya’y sinapinan ng makapal na tela sabay palo. Tiningnan ko agad yun bag ko, wala na. Ganun din yun bag ni Daisy at ang alak na gift ko, wala na din. Pati yun tirang chicken, tinangay din….hay sabi ko, grabe ito, mga gutom! Buti na lang naiwan ang mga CDs ko, siguro di nila hilig ang mga oldies na favorite ko.
Di naman ako nagpahalatang na shocked, si Daisy at Ninay mga relax din. Si Daisy delayed reaction pa nga, kasi, nalaman nya na wala ang bag nya no’ng ilang minutong lumipas na. Doon lang siya nalungkot no’ng nalamang wala na ang ilang bote ng transfer factor. Nagta-try sana na kumita, naunahan na ng mga halang na kaluluwa. Si Ninay ang sudden na reaksyon…”Ma yung chowking!” Inalala namin ang car at mga bag kung ano-ano ang laman. Habang nalalaman namin, unti-unting nadedevelop ang inis…sa isip ko… sayang, yung mga favorites ko sa loob ng bag… mga hayop na yan! Pero kalma pa din kami, di siguro mapansin ang namumuong galit ko.
Kaagad ine-report namin sa Police Station ang mga pangyayari, para makakuha ng Police Report baka sakaling kailanganin sa pag-claim sa insurance. Napansin ko ang mga pulis di man lang naexcite sa mga isinalaysay namin, para bang ordinaryo na sa kanila. Di man lang sinilip ang car para mainbestiga para sa magandang report. Yung ngang isa (naka-civilian), concentrated sya sa nilalaro nyang game sa computer, parang wala man lang. Nagsalita lang noong matapos nya ang Zuma. Ang sabi nya, sa lugar daw talaga ng cherry maraming bukas-kotse, Kahit na nakita na ng sekyu, pinapakawalan pa. Pana-panahon din daw yan, lalot kapag maulan. Yung pulis de mesa, halos di man nagsasalita, walang tanong kundi, ano ang mga nawala? Wala man lang advise na pano ito incase marecover nila mga nawala o mahuli ang mga magnanakaw.
Sa labas ng station kinausap ko ang isang pulis habang binabantayan ko yun car, sabi nya mga nahuli na yan, nakakawala din daw kasi yung mga complainants ay di sumisipot na, kaya nadidismissed ang kaso. Hindi kaya sa sobrang liit ng kulungan ang mga bagong huli di na nila kayang iaccomodate, kaya pitik sa tainga na lang. Nakita ko, parang silang sardinas sa maliit na kulungan. Halos mahigit din isang oras kami doon sa paghintay ng Police Report, di naman umabot sa takdang 2 oras na palugit sa paghingi ng report. Sabi ni Daisy, mas mabilis pa nga daw yun kaysa sa ibang station. Buti naman wala nagparamdam sa padulas, gaya sa ibang station.
Inireport ko din agad ang pagkawala ng laptop ko sa opis, sabi ni bossing think positive na lang…buti nga yun car di tinangay. Kung susumahin ko ang nawala, medyo malaki din, pero di na mahalaga iyon. Ang akin lang maibalik sana ang files ko sa laptop, pero suntok sa buwan na yun. Yun bang inipon-ipon mong mga alaala at mga experiences sa mga nakaraan…wala na. Yun mga pictures, lalot na yun selfie ko na umpisa pang mauso ang selfie, kinulek ko na…nakakasayang talaga, hehehe.
Pagbubulay-bulay
Hayyyy, talaga ganun ang life…sabi nga mas maganda na daw yan, kaysa sa masunugan. Sa dinami-daming mga magagarang nakapark, ako ang naswertihan ng mga ugok. Nabalitaan ko na din itong krimen na gaya sa amin at ang mudos operandi, pero di pa din kami maingat…may tawag dito! Hindi ko din akalain kahit na pala sa harap ng simbahan o’ kaya ang pakay mo doon sa lugar ay para kay Lord, di ka pa din ligtas. Nagkampanti ako. Di na sila nasisilaw sa madilim na gawain, na kahit na sa lugar na banal naisasakatuparan ang kasamaan.
Sana na nga lang, ang kasamaan na nagawa nila ay mai-convert sa kabutihan sa paggamit sa tama ng mga bagay na na ninakaw.
Sana na nga lang, ang mga gumawa nito, ay yung may matinding pangangailan, na di na makaisip ng mabuting paraan, dahil sa kahinaan at gutom nakakagawang masama.
whew! sayang…..di natin sila nahuli!
LikeLike