Sinulat noong namatay si Jesse Robredo…nagdadalamhati ang mga Bikolano.
Naobserbahan ko ang mga nababasa ko at nagmuni-muni kung bakit kinuha ni Lord ng maaga si Jesse. Palagay ko, may purpose talaga si Lord dito. Ano sa tingin mo kaya?
Tayong mga Bikolano, nong mawala sya ay para bang nawalan na ng mabuting lider o kaya sabik na sabik na magkaroon, nakaka-depress, diba? Alam mo magkahalong lungkot at inis ang aking nadarama. Ang pagkalungkot ko talaga, una sa maagang pagpanaw ng ating mabuting lider. Ang pangalawa, ang maagang pamumolitika ng mga tao’t politiko. Sakayan dito, sakayan doon. Kung minsan sobra na! sipsip ang dating sa akin. Akoy sawang sawa na dito, parang ganon din noon ang mga nangyayari.
Inis ako sa maagang pagdawit ng asawa ni Jesse sa politika…may nagsasabi..sya ay maging mayor, tapos gobernador, then senador, tapos ngayon secretary, kapalit ni Jesse. Baka sa huli first lady na, kaswerti siguro ni Pnoy. Tapos, ang pagkumpara sa ibang lider sa gobyerno habang nilalamayan sya. Sa panahon na ito na kasalukuyang nagdadalamhati ang pamilya, siguro di napapanahon.
Sabagay, iniintindi ko na lang. Sa sama ng loob na nararamdaman natin ngayon, di mawawala ang mag-isip ka ng kung ano-ano na lang. Di mawawala sa isip na ang pagkawala nya ay plinano ng mga halang na poliitko. Yung inggit nangingibabaw mapaburan lang ang madilim na ambisyon.
Si Jesse na humaharap ngayon kay Lord, na sana ang pagiging mabuti nya, ang ugaling mapagkumbaba ay dala nyang isasauli kay Lord na may ngiti. Palagay ko, yan din ang kanyang mithiin na sana sa mga naiwan nya at nagmamahal na sanbayanan ay maiwan nya ang ugaling kanyang ipinadama sa atin, para pagtingin ng Diyos sa pinanggalingan nya ay may sukling ngiti din! Ganon din doon sa mga nagdidisgusto sa kanya. Sa aking palagay, hayaan natin si Lord at ang tamang panahon ang gumalaw. Napaka-aga. Nalulungkot ang pamilya at iba, sila naman namumolitika!
Naalala ko si Sonia, nung namayapa si Raul…inudyukan ng inudyukan ng mga hamag nayan…nasan na sya ngayon? Di ba pinulot sa kangkongan noong eleksyon. Meron pa ba nakakaalala ki Raul at sa kanyang magagandang ginawa para sa bayan, ngayon? parang wala! At marami pang iba dyan, na nagpadala sa matatamis ng pamumolitika, sa huli…pait ang nararamdaman ng ating bayan. Hindi lahat ng malagong puno, masarap din ang bunga. Sana nga! Sa huli, baka magkawindang-windang lang ang buhay nila kung magpapadala sya sa mga nagsasamantala.
Sabi natin ayaw natin sa pami-pamilya? Kung di na puede si papa, si mama naman…si kuya, si ate hahali-halili. Mayor si ate, bise naman si daddy, gobernador si mommy, bise si junior…Hay diyos ko, wag na natin tularan ang mga trapo na nasa gobyerno!
Palagay ko darating ang panahon, bibigyan din tayo ni Lord ng lider na tulad ulit ni Jesse o mas higit pa. Sabi nga, kung tayo, bawat Pinoy ay magsisimulang magbago, umpisa sa ating sarili. Hindi na kailangan ang manguna ang isang lider kundi tayo, ikaw ay magsimula. Palagay ko, di mag-aatubiling ibigay ni Lord ang sarap-buhay na inaasam-asam. Tingnan natin ang mukha natin sa salamin…may dongis ba ako?
Sa aking pagtratrabaho sa labas, na obserbahan ko ang kabutihang asal ng Pinoy, nandyan ang sipag, talino, pasensyosa, matyaga, mapagkaibigan at marami pa…kayat di tatagal, sabi ko…ang asensong inaasam-asam ay makakamtan! Kaya lang, pagtinanong ni Uncle Sam…imbes ipromote ang bayan, puro baho ni Juan ang masarap ibida nyan…ganyan ba kamahal mo ang bayan mo?
Iwan ko lang baka pagkatapos nito, nasan kaya ang mga yan kapag wala ng eksinang gaya nito? Marami pa tayong mabubuting lider, bakit di natin pansinin ngayon habang sila ay buhay pa. Pampagana man lang sana! Aanhin pa ang mga papuri kung ang mabuting lider… tigok na!
Palagay ko, ang dahilan kung bakit ang mababait kinukuha ni Lord ng maaga! Pano huli na kung ma-appreciate natin ang mga mabubuting ibinibigay ni Lord sa atin! Pagdi napapaburan…dyan ka muna , pero pag may eksina…paextra naman Lord muna!
Sa totoo lang, di ko din lubusang magampanan ang tungkulin ko bilang isang tunay na pinoy . Sa ngayon, nagtatry ako na kahit man lang maliit na kabutihan, magawa ko para sa bayan ko.