Mga Kwentong Narinig N’yo Na- 1

ISANG SUPOT NG COOKIES

Sa airport, may isang babae, kaa-announced lang na madi-delay ng isang oras pa ang dating ng eroplano. Habang naghihintay ng kanyang flight, para hindi mainip, pumunta siya sa bookstore sa airport, naghanap ng panlaban sa inip. Bumili siya ng isang pocket book at isang supot na cookies. Bumalik sya sa kinauupuan nya sa loob ng lounge. Ilang minuto pa, may dumating na matandang lalaki. Umupo sa hanay ng babae na maypagitan  sa kanila na isang upuan. Habang nagbabasa ng libro, kumuha ang babae ng cookie na nakalapag sa pagitan nilang upuan. Biglang napalingon siya, yun matandang lalaki kumuha din ng cookie. Una, di nya ito masyadong pinansin, ngunit bawat kuha nya, kumukuha din yun matanda bawat maubos ang kinakain nya. Inis na inis ang babae, sa isip nya, “di man lang magpaalam ito, kapal ng mukha!”. Kumuha sya ulit, kumuha din yun matanda. Kumukulo na ang dibdib nya sa inis. Noong isang cookie na lang ang natitira, bulong ng babae… “kapag kinuha nya pa ito, sisitahin ko na sya”. Naunahan nga siya ng matanda at lumingon sa kanya, sabay ngiti. Hindi sya makakibo. Hinati ito at ibinigay ang kalahati sa kanya. Nagngingitngit sa galit, biglang tumayo ang babae, iniwan nya ang matanda…tamang-tama naman boarding na.

Pagkaupo nya sa loob ng eroplano, binuklat nya ulit ang libro para ipagpatuloy ang pagbabasa. kinapa nya ang salamin sa loob ng bag nya. Nabigla sya sa nakapa nya, ng hugutin nya sa bag, yun isang supot ng cookies….yun palang pinagsasaluhan nilang cookies ay hindi sa kanya, kundi sa matanda….gusto niya sanang balikan pa ang matanda…ngunit nakalipad na ang eroplano.

Pagbubulay: Ang pabigla-biglang reaksyon sa mga situwasyon ay di maganda. Maghintay, magmasid, mag-inbistiga o’ pag-aralan muna ang pagdududa. Sa mga situwasyun na naiiba, siguradong mapapaisip ka muna.

***

GANUN PA DIN!

Meron isang pasyente, kumunsulta sa doctor…tanong nya, “bakit dok, kahit anong kainin ko, kapag nilabas ganun pa din”. “Yun kanin, kapag tinae ko, kanin pa din”. “Yung karne, karne pa din pagnilabas. Yun prutas, gulay…ganun pa din ang itsura”. Ano Dok ang dapat kong kainin, para maging normal ang tae ko? Sagot ng doctor…”kumain ka kaya ng tae, para pagnilabas, tae na talaga!”.

pagbubulay: Ano man na bagay, basta ginagamit o napapakinabangan, malaglag, masira man yan ‘o malaspag ay ok lang, wag maghinayang. Kaysa naman sa nakagarahe lang, nanatili nga ang itsura, pero hindi lubusan napapakinabangan.

***

BARBERO

Sa America, may isang barbero, sabi nya…”Umpisa ngayon magcommunity service na ako, lahat ng pumasok sa barberya, libre na ang gupit”.

Isang araw, meron magpapagupit, isang Panadero. Pagkatapos ng gupit, bumubunot siya ng pambayad. Ngunit ang sabi ng Barbero…”wag ka nang magbayad, umpisa ngayon, lahat ng gugupitan ko libre na, community service na ako”. Nagpupumilit ang panadero, subalit ayaw talagang tanggapin ng Barbero ang bayad. “Ok”, sabi ng Panadero, “maraming salamat na lang”.

Pagkatapos ng isang oras, maynarinig ang Barbero, kumakaluskos sa may pintuan nya. Sinilip nyang dali-dali, nakita nya ang panadero na naglalagay sa pintuan ng sampung enseymada. Wala syang magawa kundi ang  umiling na lang at ngumiti.

Maya-maya pa dumating ang isang florist, magpapagupit din. Matapos ang gupit, bumunot sya ng pambayad. Sabi ng Barbero, “wag na, kasi umpisa ngayon nagko-community service na ako. Ganun din ang florist nagpupumilit na magbayad. Ngunit di tinanggap ng barbero. Nagpasalamat ang florist at lumabas. After an hour, maynarinig na naman sa pintuan ang barbero. Sinilip nya, nakita nya ang florist, naglalagay sa pintuan ng sampung rosas na may card ng pasasalamat.  Napangiti na lang at iiling-iling din.

Pangatlong dumating ay isang Filipino, isang civil engineer sa America. Sabi ng noypi, yung uso ngayon, na gupit. Pagkatapos mag pagupit ng pinoy, bumubunot dahil babayad sana, hinawakan sya agad at sabi ng barbero, “‘wag na, kasi nagko-comunity service na ako. sabi ng Pilipino, “ay maraming salamat po”.

After an hour, ang ingay sa labas. Sinilip agad ng barbero, curious kung ano ang nangyayari sa labas. Nakita nya ang noypi nag-aayos ng pila, meron dalang sampung katao na magpapagupit din.

Pagbubulay: Kapag may natanggap na tulong, di kailangang gantihan agad, hayaan mong namnamin nya ang ginawang kabutihan saiyo. Kapag gumanti ka, parang ayaw mong makatanggap ng tulong ng iba, pasasalamat ok na.  Gumanti ka, doon sa taong dapat tulungan, lalo na sa di mo kaano-ano. Mabuti pa yung Filipino, nagdala pa ng maraming taong maseserbisyuhan ng barbero, hindi yan pagsasamantala, kundi napapalawak at napapakita ang mabuting asal sa iba pa. Masarap ang gumawang maganda sa maraming tao. Kung si Lord and Barbero, nag-akay ang pinoy ng sampung mananampalataya pa.

***

DALAWANG PALAKA

Meron dalawang palaka, namamasyal, nag-eenjoy, talon ng talon sa kapaligiran, di nila namalayan, malapit na sila sa malalim na balon…yun nga! isang talon pa, nahulog sila.

Talon sila ng talon para makaahon, subalit, talagang malalim ang balon. Nagsipagdatingan na ang mga maraming palaka, at nakapaikot sila sa balon.  Nagsisigawan at panay ang kantyaw…sabi nila…”wala na kayong pag-asang makaalpas dyan, malalim at mahihina na kayo”. “Maghintay na lang kayo ng kamatayan, wala ng mangyayari sainyo!” Yun isang palaka, tumalon at bumagsak, di na nakayanan ang pagod at kantyaw…namatay!

Patuloy pa din sa paghiyawan ang mga palaka at sabi…”namatay na yun kasama mo, wala ka ng pag-asa, kahit anong lakas pa ng talon mo, di mo kayang abutin”…”maghintay ka na lang ng kamatayan mo at samahan mo ang kaibigan mo”. Tuloy ang sigawan at kantyaw ng mga nakaipaikot na palaka….”boooooo!! ang maririmig mo. Sinubukan pa din ng palaka, tumalon ng malakas…sa wakas nakahaon sya! Lapitan ang mga palaka sa kanya. kahit na naghahalhal dahil sa pagod, agad nagpasalamat sa mga palakang maiingay,…”maraming salamat sa inyo, kun hindi sa inyo, hindi siguro ako makakaahon”….Salamat? nagtaka ang mga palaka, “bakit nagpapasalamat sya?” tanong ng isa sa mga kasamahan….nagpatuloy ang palakang nakaalpas sa pagsasalita…”Kung hindi sa mga palakpakan nyo at encouragement, di sana ako nakaalpas…Ay bingi!  ang hiyawan ng mga palaka!

Pagbubulay: Minsan mabuti na yung bingi, hindi mo naririnig ang mga discouragement at pangungutya. Kaya’t minsan magbingi-bingian, ituloy ang gusto mong gawin. Kapag may determinasyon, siguradong makakaalpas. Magkamali ka man, makakalimutan din, lalo’t na kapag meron kang nagawang kabutihan. Ano man daming kapalpakan, matatabunan din. Ang mangingibabaw  lagi ang ginawang kabutihan.

***

MASAKIT LAHAT

Meron isang babae, depres na deppressd. Lumapit sa kanyang doctor at inilahad ang kanyang mga nararamdaman. Sabi nya…”Kahit na anong pisilin ko sa katawan ko sumasakit dok”. “Kapagpinisil ko ang ulo ko, sumasakit. Pagpinisil ko ang tuhod, hita sumasakit. Pagpinisil ko ang tiyan ko, sumasakit, ang diddib at balakang sumasakit. Dede paghinipo ko, masakit din. Lahat kapag pinisil ko, sumasakit. Ano ba dok ang mainam sa akin? “Examinin muna kita, bago ako makapagsabi”, wika ng doctor.

Tiningnan lahat ng doctor ang mga pinisil ng babae at iiling-iling. Sabi ng doctor…. “wala naman diperensya ang tyan mo, tuhod, ulo wala, dibdib at dede ganun din, balakang ganun din, ang may deperensya ay yung daliri mo…durog ang buto!”

Pagbubulay: Sa sobrang reklamo, hindi na alam ang tunay na dahilan at mga pangyayari.

***

(Ang mga Kwentong ito ay galing sa mga narinig ko kay Bo at iba pa, isinulat ko lang para di ko malimutan. Kung maypagbabago man, ay dahil marahil sa mahina ang pagkakarinig ko)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.