Ito ang EDSA…
Tinawag ng mga kano na Highway 54. Junio 19, ang gustong itawag sana ng iba noon. Bente-kuwatro kilometro mula MOA hangang Monumento. Sampung-lane ang kalsada at may dalawang riles ng tren ang lapad niya.
Sikat, laging laman ng dyaryo. Oras-oras nga nararadyo. At laging bukang-bibig ng mga tao. Nagliparan ang iba’t ibang sasakyan. Bus ang hari ng daan. Naglumaang mga jeepney nakikiunahan sa mga magagarang kotse.
Ang pagiwang-giwang na mga motorsiklo at ang mga bawal na tumatawid na kariton at tricycle. Meron din tren na kontrobersya, dahil madalas palyado siya.
Mausok umpisa umaga hangang madaling araw na. Maninikip ang dibdib mo, di ka makahinga, sa namuong kulangot dahil sa haba ng viaje mo.
Nakakamatay nga daw kapag ikaw tumawid, kaya mapanganib. Malawak pero nagsisikip dahil sa matinding trapik. Pinagdarausan ng mga nagrereklamo. Iniiwasan naman ng mga nagbibingiang politiko. Tatlong people power na ang idinaus dito.
Ngunit, hangan ngayon natratrapik pa din si Juan dahil sa mga tiwaling opisyal. Samahan mo pa ng mga tsuper na pasaway at dumaraming sasakyan.
Mas kilala na highway kaysa sa ipinangalang bayani. Kaya’t naman gustong palitan ang pangalan ng iilan. Meron naman nagsasabing ang nakasanayan na lang.
EDSA ang kilalang Avenue, Epifanio delos Santos is my hero.
Tara! silipin naman natin ang ganda nito…












Magallanes, Makati City


For more pictures visit my FB account, photo album: EDSA Gervolution.


2 Comments Add yours