
Katatapos lang ng halalan 2016. Ayon sa COMELEC, pinakamabilis at matagumpay na halalan sa history ng Pilipinas. Iba’t ibang reaksyon ang iyong mapapansin. Nawala na yung excitement kung sino. Dapat tapos na ang bangayan, pikunan, at sumbatan. Subalit makalipas ang isang buwan, halos lahat ay di pa maka-moved- on, may mga hang-over pa, lalo’t na ang mga nagwagi, ramdam pa ang pagkalasing. Ang mga balimbing abala na din, nagbabalak magsipagtalunan sa kabilang bahay. Ang mga ibang natalo at ang nagkampanya sa kanila, malungkot, ang sinasabi…”mananahimik na lang kami muna at babawi sa sunod.” Meron namang hindi matanggap ang pagkatalo, madiing dinaya daw siya.
Ako, bagamat natalo ang aking mga kandidato, ako’y umaasa na may magandang pag-asang darating. Sana ito na ang matagal ng inaasam asam ng mga Pinoy, ang tunay na pagbabago. Syempre may pagdududa, lalo’t na ang nanalo ay salungat sa aking paniniwala. Sa mga binibitawan niyang bulgar na salita, imbis na magpakalma, ako’y nangangamba na baka ang matagal nang inaasam-asam natin na pagkakaisa, ay manatiling pangarap na naman.
Talagang ganyan ang pulitika, merong nabibigo at merong nagwawagi. Pagkatapos ng limang dekada o higit pa, ang mga kilalang pamilya at ang mga alipores nila, sila-sila pa rin. Kung ikaw bagong salin at hindi kilala ang iyong pamilya, walang koneksiyon, parang wala kang puwang sa pulitika, ang hirap lumusot.
Ito ba ang sinasabing pagbabago? Gusto ng pagbabago pero ang binuboto ay hindi bago. Pag may bago, sasabihin bago lang kasi, di kilala. Hindi lang mga kilala na, kundi pami-pamilya, nawawala yung sinasabing check and balance sa mga posisyong maselan. Nag-step up ang ama, pumalit si ate, si kuya naman ay bise, mabuti na lang yun bunso pagbibisyo ang inaatupag.
Sabagay, wala naman talagang maling boto. Sa akin tingin, kanya-kanya tayong kursunada at iba’t ibang pananaw. Yung kinasusuklaman ko ngang kandidato, ang nakapaikot parang mga respetado’t matatalino. Merong mga rekord na katiwalian, umamin at lantaran ang kasalanan, pero malapit sa tao. Si Pedro, di naman direktang nakikinabang, pero naeengganyo kapag naririnig niya ang manok nyang nagtitilaok. Samantalang sa tingin ko, ito ang makakabuti sa ating gobyerno. Ayaw naman nila, bawat sabihin ng kandidato ko, sa tingin nila nagpapacute lang daw. Pag-pinaliwanag ko kung bakit ayaw ko sa kandidato niya…BOTO MO NOY!!!, ang madiin na sagot nila. Sa tingin nila di ako nag-iisip, walang malasakit sa bayan.
Sa aking pamilya, kami ay iba-iba. Nagdidiskurso sa hapagkainan, di ko makombinse ang panganay ko, kasi gusto nya daw may kamay na bakal. Si Ninay, di ko din madiktahan kasi ang gusto yung guwapong kamukha ko. Ang asawa ko, di makapag-decide, isip niya ay gulong-gulo, sabi niya, “sino ba ang paniniwalaan ko?” Parang alingaw-ngaw ng mga nakaraang halalan.
Lahat naman ng kandidato ay dumaan sa tamang proseso, inusisa na sang-ayon lahat sa batas. Tinanggap ng tagapangasiwa ng botohan. Bakit nga naman sasabihin mong mali ang pinili ko? Ang napili ko naman ay nasa balota. Sa akin tingin, kanya-kanya tayong pakiramdam, pagtingin, pandinig, pang-amoy at panlasa. Sabihin mo man kurakot ‘yan, sa tingin ng iba, kaunti lang at may nagawa naman. Babaero yan! Lalaki lang naman yan kuya. Mamamatay yan! ang sabi nila, mga criminal naman yan, ikaw kaya ang mabiktima nyan, ano ang gagawin mo? Walang alam yan! Matututunan na lang yan. Pagsama-samahin mo man ang mga kapangitan na yan, itapon mo pa ang inuduro sa mukha niya. Ibulgar mo pa ang kasamaan ng kinaaaniban niya. Hindi mo mababago ang nasa isip nya. Parang lahat ng sinabi mong pangit, sa dinig nya kasinungalingan. Pagsinabi mo ang magaganda, pumapalakpak pati ang tainga. Yan ang sinasabing mga patay-hirap!
Medyo duda lang ako doon sa nadikdiktahan kung sino ang iboboto. Kasi sa una naman, ang iba diyan, may personal na napipisil na, kaya lang ang sabi ni ministro na nagboses-diyos, “itohhh ang iboto momomomo.” Walang nagawa si kapatid, ang sumunod na lang. Sa kabilang banda, ok naman, kasi sa tingin nila mas mapapaburan ang buong kapatiran. Talaga ang relihiyon may mabigat na inpluwensa sa botante, lalo’t na ang kandidato ay kontra din sa relihiyon na ayaw mo. Minura ang ilang leader, hindi pinalagpas si Santo Papa, pero, tuwang tuwa ka, hindi mo na inisip na ang pagmumura sa harap ng maraming tao ay kasuklam-suklam na hindi dapat tularan, lalo’t na ang minura niya ay isang respitadong leader ng simbahan. 75% lang naman tayo. Parang nabaliwa at nainsulto ang pananampalataya ko. Itong sistemang ito ay nagpapahiwatig na magpapalala sa ating pagkahati-hati. Kasi kung ang ibang grupo ay magdeklara din ng kanilang papaburan, lalo’t na iba, paano na? Tama nga naman yung magbigay lang ng panuntunan kung sino ang ihahalal. Pero ang idiin mo ang tingin ko ay pagsupil ng malayang bomoto. Kaya’t ang hirap espelingin. Mas madaling maintindihan ko pa yun nababayaran. Hindi ko masisi, kasi minsan lang naman direktang natulungan, na baka pantawid gutom sa sikmurang naaalang. Wala naman siyang nakikitang asenso sa sarili nya. Ilang taon nang nagpipila sa botohan at umaasa sa kandidatong pinili nya. Hangga’t sa huling eleksiyon, ang buhay niya napapabayaan. Ang sabi niya na lang, “buti pa si Makoy, nabigyan ako ng malutong na ‘sanlibo, kaya siya ang nangunguna sa balota ko.” Ito kaya ay dala ng pagkabigo sa mga inihalal natin noon?
Noong halalan, habang iniisa-isa ko ang mahabang listahan, biglang nagpasya ako. Yung kandidato ko sa pagka-bise presidente, malabong manalo. Sa mga surveys, sagap-alikabok lagi. Kaya’t naisip ko na sulatan ang bilog ng pangalawang napipisil kong kandidato. Para lang labanan ang kandidatong kinasusuklaman ko. Ngunit, paglabas ko ng presinto, konsensyang-konsensya ako. Paano mananalo ang kandidatong sa tingin ko magdadala ng magandang pagbabago? Kung ako mismo, di ko sinunod ang aking prinsipyo. Yung manok ko, kakaunti na nga ang boto, yun isang tagahanga nya, nilaglag pa siya. Paano natin makakamtan ang pagbabago kung ang isang mahalagang boto ay napunta pa sa iba na sa tingin ko meron maskarapat-dapat na mamuno ng bayan ko. Ilan kaya kaming ganito?
Kung talagang susuriin mo ang tunay na leader ay mahihirapan kang matagpuan ngayon sa balota. Karamihan recycled at magkamag-anak, mula sa pinakaitaas hanggang sa pinakababa. Tayo’y parang nagsusugal na sana ang manalo sa halalan ay di tayo pupulutin ulit sa kangkungan. Sana makadiyos at hindi makademonyong asal!
Ngayon, itanong mo sa sarili mo…tama ba ang ibinoto ko, may nabago ba sa bayan ko?
Mabuhay po kayo!
Ahaa, iits pleasant dualogue rgarding thiis paragrsph aat this placee at this wweb site, I havfe read all that, so
att thbis tkme me aalso commsnting att thios place. It’s appropriate time tto make some pllans foor thhe futufe aand itt iis time tto
bee happy. I hae read thiis post and iff I coould I
desire to suggesst yoou solme interesting thikngs or advice.
Maybe yyou can write nexct articdles refesrring to tuis article.
I ant to red mre thingys aboput it! I’ll iimmediately gra your rsss feeed aas I can’t tto fond yoir eemail subscription link orr e-newsletter service.
Do youu have any? Kindly lett mme rrcognise iin order that I ciuld subscribe.
Thanks. http://cspan.org
LikeLike