Sabog Agad !!!

Noon, sikat ang VCD; halos three times a week nasa Quiapo ako, para bumili ng mga pirated…hangang mauso ang DVD. Halos nakolekta ko ang AFI’s 100 greatest movies of all time at puera pa niyan mga classic na pelikula. 

Maliit lang ang TV namin, 20 inches, kaya’t hindi ko ma-feel ang ganda ng mga pelikula, kahit ang sound parang tunog paos. Kaya’t bawat pasyal ko sa SM, natutulala ako sa malaking TV. Noon napakamahal pa, black TV ang uso, nakakainggit ang meron, sensurround na din ang tunog. Kaya’t nag-ipon ako, bawat tira sa bulsa ko inihuhulog sa alkansya. Pondo para sa magarang TV ko!

Noong na-assign ako sa KAMANAVA, araw-araw kami dumadaan sa pier, sabi ng kasama ko, kung gusto mong bumili ng murang pabango, nasa pier. Inamoy ko tuloy ang sarili ko. Kaya’t minsan namasyal kami, nakita ko ang mga TV, naglalakihan, mga tinapon, galing daw Japan. Sa paikot-ikot sa mga stalls, nabuo sa isip ko ang bumili. Sabi ko…Ito na lang, mura na, siguro kakasya na ang naipon ko. Naingganyo ako sa linaw at sa nagkakalingsingang sound.

Makalipas ang ilang araw nagpasya akong bumili, sinama ko ang bayaw ko para meron kaming makargahan. Pagdating namin sa pier, namili agad kami. Tenesting ang Sony, pinakamalaki sa display, maganda ang sounds.  Sabi ko,  ito na. Sabi ng tindero, “one-ten ito sir, magdagdag kang 500 para sa transformer”. Siempre, obligado ka bumili, kun’di, di mo mapapaandar. Nagkabayaran kami, binuhat ng batang pier ang TV, pinasan, kayang kaya. 36 inches ang telon at halos two feet ang kapal. Kasya naman sa L300 na van.

Excited na akong makarating sa bahay, habang binabaybay namin ang Espana pauwi, iniisip ko na ang aming panunuurin. Number 1 muna, sa listahan ng AFI. Nang dumating kami, apat kaming nagbuhat, hirap kaming ilabas sa pinto ng van. Yun transformer sabay din binitbit ni Ninay. Alam mo naman sa barangay, pag maybago ka, nakasilip ang mga kapitbahay. Hindi naman alam na secondhand lang…nakataas nuo ako.

Nang maipuwesto namin sa gilid ng sala, yun transformer inilapag din ni Ninay sa tabi. Agad dinampot ko yun plug at sinaksak…kumislap lang sandali ang screen…SABOG!!! Napa buray ni ina pati ako. Ang nahawakan ko pala yun saksak ng TV, hindi yun sa transformer. Hindi pa pala magkakabit ang dalawa. Hayyyy, yun linaw na iniimagin ko,  siya naman biglang labo ng paningin ko, nag-ngingitngit sa buwisit! “Hamagan sana yan!!!”

Agad-agad kaming nagpasya na bumalik sa pier. Habang binabagtas namin ang kahabaan ng Espana, nag-iisip na ako ng magandang rason. Nang dumating kami, kunyari nakakunot nuo ako, sabay turo ng nguso sa anak ko…”siya kasi!” Ngumiting-aso ang tindero, parang ang dating niya sa akin…ang tanga mo naman noy! Tinanggap nya naman at sabi niya…sobrang pagkasunog. After a week pa daw makukuha at puera n’yan, ang sabi niya…”isang libo yan”. Hayop, di pa nga kinakalikot…sobrang sunog na.

After a week nga, naayos pa naman, pero nag-iba na yung pagka-sharp ng kulay. Sinigurado ko, na yung wire ng tv ay naka-tape na sa transformer at may pabala na one-ten. Makalipas ang ilang buwan, yun dating TV na makulay…kulay pink at blue na lang.

Pagbubulaybulay:

Maraming mga appliances ang inaangkat at galing din sa mga kamag-anak natin sa abroad. Matitibay daw  lalo’t na made in USA. Pero di tumatagal, kasi nakakalimutan na one-ten. Mabuti na yung gawang Pinoy, mas tumatagal kasi naka-adapt na sa gawi natin. Ayaw bumili ng lokal, ang gusto ang gawang dayuhan. Kaya’t nagiging dayuhan tayo sa sariling bayan.

Ngayon, multi-voltage na ang mga TV, magaan at manipis. Kaya’t kahit saan mo dalhin, madali, kahit saan mo isaksak, nakaka-adjust. Meron na din internet at may kaakibat na din na DVD player o’ kaya USB.

 Kung sa tao, strike anywhere, multi-tasking. Sana ganyan din ako, kahit saan mo dalhin, kayang mabuhay.  Kayang kumain ng dayuhang panlasa, kapag nasa ibang bayan. Hindi nasusuka sa bahay ni Mang Juan. Kayang matulog sa matigas na papag, na sanay naman sa malamig at malambot na kama. Kahit ano pagawa, nagagawa at hindi nagrereklamo. Masaya habang may pinapagawa at lalong sumisipag. Hindi naghihintay ng kapalit, kaunting pagtingin, masaya na. Malagkit na pasasalamat, sa puso nya dumidikit agad. Nakikihalubilo kahit kanino at nakikialam kung kailangan. Handang magbigay ng ligaya sa malungkot na panahon at handang magsakripisyo para sa bayan n’ya!

 

 

4 Comments Add yours

  1. Os ovo além disso se tornam túrgidos, aumentando cerca de alguma
    chance bem como meia no afinidade a seu massa no camada não-congestivo. http://programaturbinandoodesempenhosexual.com/

    Like

  2. I am regular visitor, how are you everybody? This paragraph
    posted at this web page is really good.

    Like

  3. r ay nagsasabing:

    Meron pa kayang pabango ngayon sa pier ng manila?

    Like

    1. GerDon ay nagsasabing:

      Parang wala na

      Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.