Nailibing na sana…

Patuloy sa pagkahati-hati ang mga Pinoy. Ilang taon din nanahimik, ngunit biglang nabuhay ang  patay. Bawat bagong pangulo ay nagiging isyu ito. Natahimik lang minsan ng si Pnoy ang pangulo, na ang kanyang pamilya biktima ng rehimen. Ngayon nabuhay na naman muli ang isyung pagpapalibing. Ito ang sanhi ng mga leaders na may kinikilingan at may pagkakautang.  Disisyun na hindi pinag-isipan.

Hangan kailan kaya tayo mabubuo sa isyung ito? Hangang nandiyan ang mga biktima at ang inaakusa ay patuloy tayo sa pagkawatak-watak. Pa’no hindi natin kaya ang humingi ng tawad at lalo na ang magpatawad. Kaya magpahangang ngayon hindi tayo maka-move on.

Ngayon nagpasya ang siyam na maestrado ng supreme court na puede ilibing si Marcos sa  Libingan ng mga Bayani. Hindi ko lang alam kung sila ay nasa katinuan. Nanaig ang mga nakapula at nagdiwang. At marami din ang mga nagulangtang sa mabigat na desisyon ng siyam., lalo’t ang mga dilawan. May nagsabi, palitan na lang ang pangalan ng libingan sa Libingan Ng Mga Bayani at ng Isang Hindi. Yun kabila naman ang sabi, bakit di kayo maka-move on, ang korte suprema nagsalita na? Iba iba ang paniniwala, iba-iba ang pananaw, iba-iba din ang pinapanigan…walang naging sulusyon na pangkalahatan.

Subalit, dahil sa desisyon na ito, sa tingin ko, may pagkakataon sana na lumambot ang mga damdamin ng magkabilang panig. Kaya lang pinalagpas pa. Kailangan lang ang pagpapakumbaba. Kung ako ang mga Marcos, hindi ko muna ipinalibing si Apo Lakay. Ang sasabihin ko…”Alangalang sa pagkakaisa ng sambayanang Pilipino, hindi na namin ipalilibing ang mahal namin na pangulo sa LNMB. Mananatili na lamang sa dati niyang kinalalagyan. Ito’y sakripisyo para sa pagkakaisa.” Tutal pumabor na, na may karapatan si Apo dahil sa desisyon ng SC. Ito’y isa sanang papogi points pabor sa kanila. Kaya lang nagmamadali, ang mga ayaw lalong naggigitgit lumaban.

Ang desisyon, sa palagay ko, sapat na, kahit hindi maisakatuparan ang sinasabing bilin. Meron ng pinanghahawakan ang mga Marcos na balang araw masusunod din ang kanyang nais. Dapat nagpigil muna ang mga Marcos sa isang hindi popular na desisyon. Kung talagang mahal nila ang sangbayanan Pilipino ay dapat isangtabi muna ang pagpapalibing. Hindi na sana pinalala ang pagkawatak watak.

Kung ako si FM, mas gugustuhin ko na, na manatiling frozen ang bangkay ko sa Batac, kaysa mabulok sa mga dumadalaw sa sementeryo na minumura-dinuduraan ako. Baka balang araw ma-double dead pa sa banta ng mga ayaw.

At kung ako naman ay anti-libing, mapapakalma naman ang naiinis ko na damdamin, dahil sa desisyon na ipagpaliban ang pagpapalibing sa labi ni Apo Lagay. Palagay ko, maiintindihan lalo ng mga loyalista ang desisyon ng pamilya para sa pagkakaisa nating lahat.

Subalit, ang tsansa ng pagkakaisa ay naudlot na naman. Isang hakbang sana ng paghilom ng mga sugat. Marami nang pagkakataon, nailibing na sana ang matagal na ‘di pagkakaintindihan. Subalit, umiral ulit ang mga pansariling interes. Marahil dahil din sa pagmamataas, baka dahil sa motibong gantihan at dahil sa gutom sa kapangyarihan. Tayong mga Filipino ay patuloy na nagdurusa sa lumalagablab  na damdamin ng pagkakahati-hati….Sayang!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.