Mala-Adonis

Noong 1955, nagdadalang tao si Vacion, panglimang pagbubuntis niya na. Ilan buwan na lang manganganak na. Dumalaw ang pinsan ni Jose na si Reting, isang titser. Sabi niya, “kapag lalaki yan, Adonis ang ipangalan mo”. Kasi daw ang Adonis ay isang makisig at magandang lalaki sa Greek Methology. Tamang tama naman, wala pang pangalan na napipisil ang dalawa. Adonis…bahala na!

Si Mama Vacion at ang kanyang unang anim na anak, bago akong dumating sa mundong ito, 1958

Subalit, dumating ang araw ng panganganak, nakalimutan ng mag-asawa ang pangalan. Hangang sa mabinyagan hindi nila maalala. Hindi naman kasi ito pangkaraniwang pangalan sa mga Pinoy, lalo’t na sa probinsya. Mahilig sa dayuhang pangalan si Jose, pero ang Adonis bago sa pandinig niya. Dahil walang ibang plinanong pangalan ang mag-asawa, naisipan nilang gawin na lang junior. Kaya’t naging Jose Salvador ang pangalan ng aking panglimang kapatid. Ang Salvador ay hango sa pangalan ng aking ina, na si Salvacion

Hanggang bumalik  si Reting sa bahay, laking hinayang niya, kasi bagay na bagay daw sana ang ang pangalang Adonis sa bata. Noon lang naalala ng mag-asawa. Dahil dyn, tinawag ni Reting ng Adon ang bata., hanggang sa nakasanayan na tawagin ng buong pamilya, na ang layo naman sa pangalang Jose Salvador.  Sabi ni Jiose, “ hayaan mo pinsan sa susunod , Adonis  na . Madaling maalala na kasi dudugtungan na lang ng “is” yun Adon, ADONIS  na!

Limang taon at isang babae ang pinalagpas bago ako dumating sa mundong ito. Ipinanganak ako noong Mayo 10, 1960 ng madaling araw daw ng Martes sa bahay namin sa Barlin St., Naga City. Year of the rat at Taurus naman ang  zodiac sign ko. Daga at toro, siguro maswerting combinasyon.

Ang tunay talagang pangalan ko ay Jose Adones Cuerdo Beringuela. Kung kayo natatawa, hindi mali ang pagkakasulat ng Adonis. Sadyang mali ang spelling. Ayon sa aking birth certificate, letter E, instead na I ang pagkakasulat. Siguro nga hindi para sa akin ang pangalang ito, parang sinadyang maliin ang spelling ng sumulat. Siguro, sa tingin niya, hindi bagay sa bata. Naging Adonis lang ng pumasok na ako sa eskuwela, pero nawala naman yung Jose. Hindi ko alam bakit hindi tinuro sa akin ang tunay kong pangalan. Itinama nga ang spelling, mali pa din sa mata ng pagkakarehistro. Kaya’t sa mga records ng eskuwelahan, sa pamahalaan, lahat Adonis lang. Hangang makatapos ako ng pag-aaral, na-inlab, nagkatrabaho, nagkapamilya at kahit lisensya lahat Adonis. Hindi man lang ako nag-attempt na baguhin. Kasi sabi ng nanay ko naman, magandang lalaki ako at paulit-ulit niyang binubulong sa akin na may-itsura ako kapag pinaghihinaan ng loob. Napalitan lang noong 1995 ng kumuha na ako ng passport. Wala na akong magawa, dapat daw sundin kung ano nakasulat sa birth certificate.

Maganda naman ang may Jose, at sabi ng isang manghuhula na wala pang sablay, ay swerte daw. Kaya’t ako excited na buo na ang pangalan ko. Lahat kaming magkakapatid, Jose ang unang pangalan. Ngunit ang Jose kapag pumapasok na sa eskuwela ay laging nilalaglag . Si Adon lang, ang Jose dahil Junior, pero nawala naman ang Salvador. Ang gulo, siguro sa dami namin, nakakalito na kung pahahabain ang tawagan. Adonis na Adones na ako, kaya lang mali ang spelling. “dong bisaya man” siguro ganyan ang sinasabi ng nakakabasa. Napagkakamalan tuloy na mali lagi ang pagkakasulat. Sabagay, ayaw ko din tawagin na Adonis. Napapalingon nga ang nakakarinig, pero napapangiwi naman kapag nakikita na ako. Iniisip ko na lang kinikilig lang siguro, di lang makatili. Ang tawag sa akin sa bahay ay Donis, Don naman ang tawag ng mga nakakakilala sa akin. Minsan nagkakalituhan, kasi si Adon, Don din naman minsan ang tawag. Buti na lang sanay akong tumawag ng Ger sa mga kaibigan ko, kaya’t sila, Ger na din ang tawag sa akin. Ger-geran kami lalo’t na pagkampante ako sa tao, ger ang tawag ko. Hindi ko alam kong bakit ger ang nakasanayan ko, parang sikat na tawagan ito sa Naga. Hanga’t si sweetie, ger na din lalo’t na kapag lumalambing at pasigaw naman na “JOSE ADONIS” kapag madaling araw na ako umuuwi.

Siyam na kami, 1965

Ngayon ay birthday ko. Siguro, marami din kaming May 10, iilan lang ang kilala ko. Sana nga maraming kasabay para pagsalu-saluhan namin ang handaan. Hindi na ako pweding magbulag-bulagan o’ kayaý magbingi-bingian sa mga bumabati. Sayang, ilang taon na lang iiwan ko din ang mundong ito. Nagbirthday leave lang  ako ngayon, pero alam ko, hindi ako makakaligtas. Ewan ko ba, bakit nauso ang birthday. Saiyo na ang inumin, pulutan, ikaw pa ang maghahatid sa mga lasing. Naisipan ko na din sumanib sa ibang sekta, para mapagtakpan lang ang kaarawan ko. Pero sadyang maraming bumabati, feeling sikat. Isip ko, isang araw lang sa taon na sumikat ako, ayaw ko pa? Dalawang okasyon lang ang pinagbibigyan tayo ng atensyon, yun birthday at yung pinaglalamayan na. Siempre gusto ko na yung taon-taon binabati, kaysa naman di na dumagdag ang edad ko. Ito na din ang araw na mapasalamatan man lang si Lord sa buhay na ibinigay, ini-snub pa. Ang sarap kaya ng buhay, na puno ng pagsubok at tagumpay. Kaya’t sige, batiin nyo ko, more pa!

Kasal ng aming panagnay, si Manay Josie kay Manny Escaro, noong May 3, 1972

Minsan takot ka din na sumasabay sa pagdami ang kulubot sa birthday mo. Kung iyong uusisain, yun guhit, yun pikas, white at black heads na lumabas, mga bukol na di katanggap-tanggap, sobra pa sa edad ko kadami. Yung noo, pwede nang drawingan ng G-cleff, sa daming guhit. Hay diyos ko! buti na lang yun tagyawat ko sa likod lang pumupwesto. Kung pwede lang na mag-sunglasses kahit makulimlim, gagawin ko, matakpan lang ang mga guhit sa paligid ng mata. Yun ugat sa mata, pulang pula, laging parang may tagumata. Nagbalak din ipabatak ang pisngi ko, kaya lang nong makita ko ang itsura ni Madam Auring, nagdalawang isip ako. Hindi na din ako nagkonsulta kay Belo, pwera sa mahal, yun itsura niya naman parang taon-taon nireretoke, hindi makontento sa itsura niya, wag lang magbago si Hayden Moh.

Kaya’t walang kapantay pa din ang natural. Ok pa naman pala ang itsura ko, matanggap lang natin na tumatanda na tayo at sasabayan mo lang ng matatamis na ngiti lagi. Palagian ko na lang gamitin ang antipara ko, at least ang focus ng tumitingin sa mamahaling salamin, kahit araw-araw palitan, sa bangketa fifty lang naman. Kinakagat kagat ko na lang ang labi ko, para mawala ang putla, baka sakaling makaakit ng mapupulang labi.

Kasal ko kay Ms. Daisy Aguilar, noong January 2, 1988

Yun buhok naman, natitina kaya’t walang problema. Kaya lang panay paalala sa akin ni sweetie na wag sa bigote. Nagkakanser daw ang kakilala niya sa ilong, pano ba naman kahit puting buhok sa ilong kinukulayan.

Minsan bagong ligo ako, hindi ko sinasadyang humarap sa salamin, ang laking gulat ko, pati pala sa baba dapat kulayan na din. Hindi ko napapansin kasi di ko makita sa laki ng bilbil ko. Dapat laging naka-inhale na, lalo’t na pagnagse-selfie ako.

Ako, 1993

Noong ipinanganak ako, ang sabi, isang submarino daw ang nakapag-ikot ng mundo, sinundan ang ruta ni Magellan. Hindi naman sikat ito. Si Bono naman ang kasabay kung ipinanganak, isang Irish Rock Singer. Hindi ko kabisado ang mga kanta niya. Ang alam ko, ang May 10, isang brand ng underwear sa Vietnam.

Sa kabilang banda, masaya ako. Ang mga guhit na ito sa mukha ay bakas ng pagsasakripisyo. Ehem, pampalubag loob lang naman yan. Kung ikokompara sa iba, wala naman itong na-achieved ko. Pero yun antas ng kaligayan ay pantay lang. Kasi mababaw lang ang kaligayahan ko.

Sa bahay, 2008

Sa taong ito, matatapos na si Ninay. Matagal ko na ito kinikwenta, kapapanganak niya lang noon, ang sabi ko…”ang tagal ko pa!” Pero ngayon, di ko namalayan, patapos na ako ng pagpapa-aaral. Ang apat na cute, tapos na! Pero hindi pa pala nagtatapos dito. Habang may buhay may obligasyon, habang may lakas may kaakibat na responsibilidad. Meron at sangkatutak pa daw! Natapos lang ang isang pang yugto ng buhay ko at magbubukas ang bago. ‘Di man sa aking pamilya, doon daw sa mga nakakasalamuha ko sa araw-araw na sana ang pinagkaloob ni Lord na kasaganahan, kahit man lang sa kaunting pagtingin ay maisukli ko sa iba.

New year celebration, 2014. Portraying foods: Candies, Pastries & Cakes
New year celebration, 2013, Super Dongis and the Talong Rangers (Beringela means talong in Spanish
New Year Celebration, 2011. Portraying movie characters, from right: Inspector Clouseau (Pink Panther), Mary Poppins, Charlie Chaplin, Lara Croft, Dorothy (Wizard of Oz) and Annie
Si GerDon, kasama si Sweetie at ang apat na Cutie

Maligayang kaarawan din Bono, Ernel at Antonieto!

Ang wish ko sa araw na ito ay para sa lahat na nangangarap na makamit ang magandang buhay. Sa lahat na bumati maraming-maraming salamat at mabuhay kayo ger!!!

Christmas 2010
Christmas 2015
Christmas 2016
Mama Mary and the three Kings
New year’s eve, 2020
The Birds
New Year’s Eve, 2019

Mabulaklakin
Christmas 2018
New Year’s Eve, 2018
Pajama Party
New Year’s Eve 2017
New Year’s Eve, 2015
Christmas 2015
Barlihem
New Year’s Eve 2014
Christmas 2013
Ernie’s Birthday
December 2013
Sunglasses Pabunggahan
New Year’s Eve, 2012
Dilawan
Christmas 2012
Missing Isabel
Christmas 2011

6 Comments Add yours

  1. GerDon ay nagsasabing:

    Maraming-maraming salamat sa mga pagbati niyo at sa magagandang kumentaryo, mabuhay kayo ger!

    Mabuhay ka Ger…Happy Birthday!
    – Irene Estacio

    Nice one Brod….galing mo talaga ger…galing ng talambuhay mo..comedy to the max..God bless Brod…hapiness always.
    – Louie Sanchez

    Happy Birthday Ger Don! Many more bdays to come. God bless you!
    – Angie Goyena

    Ishare mo sa akin ang iba Ger. Happy happy Birthday! More blessings to come! Mabuhay ka!
    – Evelyn Panganiban

    happy bday Ger hahaha.
    – John Ignacio

    happy birthday sir! ganda ng talambuhay nyo.
    – Cherrie Vitug

    Happy Birthday po, Uncle Adonis! :)).
    – Rhobie dela Fuente

    Best story telling ger!!!
    – Freda Asuncion

    happy birthday tito ger! ngonyan ko lng po naaraman kung tano adon ang apod k daddy. mahabang istorya palan😂
    – Kai BG

    Happy Birthday, Sir Jose Adonis! 😊🎂🥂🎈🎈🎈 More Birthdays and Blessings to come po 😊
    – Mirai

    Ayos Ger!
    Di ka lang MADONGIS, isa ka ring MABANGIS!
    Lahat tuloy kami, pagdating sa iyo’y PANIS!
    Pero di namin makuhang sa iyo ay MAINIS,
    dahil bilang kaibigan, kung magmahal ka’y MATAMIS!
    Happy birthday Ger!
    Pa-canton ka na!!! 😂😎👍
    – Marlon Artigas del Rosario

    Happy birthday tito🎉
    – Caren Esperanzate

    Happy Birthday Bossing Don.
    – Alex Reuyan

    Tito, Happy Birthday! Galing ng story mo ah. Love it 😂😊 Miss u ger! See u soon! 💕.
    – Danica Legaspi

    Happy kaarawan.
    – Thess Millena

    Happy Mala-Adonis way!!!Wishing you all the best Ger. If you are looking for another career to fall back,you are at your best. Thank for starting my day with laughter. G❤d bless the whole clan. ✌🏽❤😀
    – Naomi Clemente

    Happy birthday pareng Jose Adonis Ger Beringuela… Mabuhay ka!!!
    – Jeth Balita

    Happy Birthday, Ger Don…mala-Adonis palan hah? God bless you more! Cheers!!!
    – Marites Chancoco

    Happy bday Ger.
    – Corazon Duman

    Happy Birthday, Sir Don! 🎉🍾
    – Ace Neptuno

    happy birthday Ger! all d best !!
    – Jo Bergz

    Galing!! Best blog entry!!
    – Joanna Beringuela

    Munyan ko lang naaraman ang tunay na pangaran mo saka ni adon hahaha..good work donis!!!.
    – Gisberto Beringuela

    Sensya na ger, ngonian ko lang nabasa ini…dai na ako ma greet ta aram mo man sana baga…ay lab u na lang ger…
    Bigla ko na mis tagay ta kaidto sa tindahan nindo,sapin ta diaryo sana nkaralakma sana kta sa gilid kang tinampo…haha!….nuarin ta daw idto maootro?
    – Joey Azur

    Magayon k ger magsurat.
    – Levi Pabines

    Happy birthday Ger!
    – Edna Abragan

    Very interesting Ger.
    – Aaron Pabines

    Like

  2. Anicar R. De la Cruz ay nagsasabing:

    Ay,Adones o Jose Adonis man ang pangalan mo pareho lang naman ng ibig sabihin nito. Mabuting tao,asawa,ama,kapatid,anak at kaibigan.
    Nakaka aliw basahin kasi alam mong totoo ang sinusulat. Nakakaubos ng oras hahaha. Congratulations 👏👏👏

    Liked by 1 person

    1. GerDon ay nagsasabing:

      Wow! Nakakagana…

      Like

  3. Anicar R. De la Cruz ay nagsasabing:

    Adones or Jose Adonis … May akma naman sa pangalan ng konti hahaha.
    Nakaka aliw basahin dahil may konting patawa sa mga sinasabi para hindi boring ang dating.
    Nkakaubos ng oras hahaha pero sulit.
    Congratulations 👏👏👏

    Liked by 1 person

    1. GerDon ay nagsasabing:

      Thank you so much sa comments mo. Garo binayadan, hahaha

      Like

  4. GerDon ay nagsasabing:

    Sabi ngani nakaka aliw ang sulat mo detalyado puedeng puede i sa libro Compilation bihira ang may talent arog kayan.- Emma Vargas

    Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.