Kawalang pagpapahalaga ng buhay

Siyam na buwang iniingatan sa sinapupunan. Nakaka-excite, inaabangan ang pagdating mo sa mundong ito. Nangarap  na ikaw ang sasalba sa naghihirap na buhay. Ayaw kang padapuan ng langaw. Hinahatid ka sa eskul para iparamdam sa mga nagbu-bully na mahal ka. Ginagawa ang lahat para mabigyan ka ng magandang kinabukasan. Nangibang bayan pa nga. Nag-iipon ng pasalubong, halos lahat ng laman ng kahon ay para saiyo. Kung kakasya lang ang bisekletang bilin mo, naisama na sana. Sabik na sabik na makita ka na. Ngunit, sa isang tawag, biglang gumuho ang kanyang mundo. Napagkamalan ka daw…patay!

“Tama na po, may exam pa ako bukas…” huling kataga ng inosenteng biktima

Ayon sa balita, mahigit kumulang 13,000 na ang namamatay at patuloy pa sa pagdami. Sa Bulacan, 32 ang napaslang sa isang gabing operasyon laban sa droga. Nagsabi ang may mala demonyong boses, dapat daw ganun pa karami araw-araw para mawala ang sakit ng bayan.

Padami pa ng padami, parang hindi hihinto. Sanay na tayo sa balita na may pinapaslang, parang wala na lang. Nakakatakot, nagiging pangkaraniwan na lang. Ang ganitong eksena napapanood mo sa telebisyon, parang patalastas na lang, na minsan di mo na pinapansin. Naging normal na sa ating pandinig. Kung ‘di lumaban, nadamay o’ kaya’y sadyang pinatay. Nakakabahala na! Patong-patong na ang aking pagkabahala. Lalong nadadagdagan tuloy ang aking awa, hindi na lang doon sa biktima ng krimen, kundi pati doon sa di umano’y kriminal na pinapaslang na walang kalaban laban. Nababaliktad na ako, parang ayaw ko na silang tawagin na tagapagligtas. Nadadagdagan din ang aking pangamba na baka isa sa amin ay mapagkamalan. Hindi ko na tuloy alam kung ligtas pa ako sa bayan ko. Mga naka camouflange, parang makikipaggira sa kagubatan, ganito ba ang tamang yunipormi? Nakakatakot!

“Oh my God, I hate drugs!” Maganda sana pakinggan kung napapatupad ang tamang paraan ng paglaban. Pagkalipas ng tatlong buwan, anim, isang taon, nagliparan pa din ang tulak. Tone-tonelada nga napapalusot. Masasabi ko na parang palpak ang kampanya. May pag–aalinlangan ka tuloy na may nagsasabwatan. Duda ka na meron rivalry kasi sila-sila nagpapatayan o’ kaya may pinagtatakpan sa pamamagitan ng mga pagpatay. May nag-akusa sa namumuno, pero na dead-ma.

“Go out and hunt them.” I’m happy to slaughter them.” “It’s gonna be bloody”… nakakatakot!

Sabi nila, umunti daw ang adik, pero dahil ang daming napatay at nadamay.

Bakit hindi, I hate killings? Na siya naman ang pinaka karumaldumal na krimen. Ang adik kapag napabayaan na, pumapatay na. Pero kung ipapadama mo ang pag-ibig ay may tsansang magbago. Lahat ng kasamaan ay patungo sa patayan kapag pinabayaan o’ inaabuso. Pero ang hate ay mga tao na. Mga naka-tsenelas at ang dudungis, pero yun mga big time, iilan lang. Pero kahit na, kailangan pa din dumaan sa tamang proseso. Maling-mali ang sabing,  kundi lumaban ay palabanin, para di na magpakain ang gobyerno.

Bakit ganito ang nangyayari sa bayan natin? Safe na ba tayo sa krimen? Mala-Singapore na daw ba tayo? Bumaba nga siguro ang bilang ng holdapan at nakawan, pero ang patayan na di ma-solved dumarami naman. Mas nangangamba pa nga ako ngayon, Kung noon takot ka lang sa kriminal, ngayon mag-iingat ka na rin sa mga lumalaban sa krimen. Imbes na magpatupad ng batas, ang sariling batas nila naipapatupad. At nakakalungkot lalo dahil sa balitang may pabuya kung makapatay ka. May pinapatubos daw, para hindi tuluyang makasuhan. Meron namang palit ulo. Kapag hindi mahuli ang suspek, dudukutin umano ang kamag-anak, hanggang sumuko ang suspek. Sana hindi ito totoo, paninira lang sana. Kung totoo, saan na tayo kakanlong kung sakaling nanganganib ang buhay natin?

Ito ang sanhi ng marahas na kampanya laban sa bawal na droga.

Naalala ko yung palabas ni FPJ, “Isang bala ka lang”. Yun garote o’ electrik chair ay pinalitan ng lethal injection, para mahinahon ang pagbawi ng buhay. Kasi sa matino, ang hirap pumatay. Makikita mo ang mga pinapaslang ngayon, hindi sa isang bala kundi tadtad ng bala. Granada nga naiihagis na, na walang patabi, bahala na kung sino ang tamaan. Minsan pinuputol pa ang bahagi ng katawan, mga daliri, minsan ang ari. Binubusalan, binabalot ng packaging tape ang mukha. Bago patayin pinaparusahan, pinaglalaruan muna. Hindi mo na tuloy makita kung sino ba ang wala sa katinuan, ang adik o’ ang nagpapatupad ng batas o’ sinong vigilanteng yan, Kaya’t kung ikaw may kamag-anak na biktima ng ganitong hustiya, kahit na naka-commit ng karumal-dumal na krimen, siguradong magagalit ka din, gusto mo na din gumanti. Kaya’t ang krimen ay hindi malutas, nagmumultiply pa nga, dahil sa marahas na paraan ng paglutas. Ang biktima ng hazing, balutan mo na lang ang mukha ng packaging tape, at sablayan mo na  tulak siya, palagay ko makakaiwas na.

Minsan hindi ko na alam ang feeling ko, matatawa ba ako o’ maiinis? Mga lider natin naghahamunan ng duelo. Kapag pinupuna, ang sagot malulutong na mura. Palaging mga bukang bibig ang magresign kapag napatunayan, pero deni-deadma naman ang mga paratang. Kaya’t ang mga balita ngayon bawal na sa nanginginig na mga bata. Yun sosyal media, hindi na pang wholesome kundi pang away-kalye na. Malayang nakakapost ng fake news. Nawala na yun paggalang, ang bayulenteng asal ang ngayon nangingibabaw.

Kasamaan laban sa kasamaan. Anong klaseng asal meron? Wala nang pagpapahalaga sa buhay. Nakakalungkot di ba?

Kaya’t sumulat na ako para mailabas ko ang pagkabahala ko, sa pamamagitan nito naipapadama ko ang hindi ko pag sang- ayon sa pamamaraang marahas. Nakakagaan din sa naiis-stress na damdamin na maibahagi mo ang umuusok mong damdamin na sa pamamagitan na ito mapawi ang init ng ulo ko.

13 Comments Add yours

  1. Janine ay nagsasabing:

    Sommige stoffen verkleuren in het zonlicht.

    Like

  2. GerDon ay nagsasabing:

    Sa mga nagtiyagang nagbasa, sa mga nag-like, doon sa nag-react, at sa nakaramdam ng lungkot, pati na doon sa nagkadisgusto, maraming-maraming salamat! Alam ko na meron tayong iba’t ibang pananaw, pero umaasa ako na sa darating na panahon tayo-tayo pa din ang magkita-kita sa final at sasabihin natin… “Mabuhay ang bansang Filipino!”
    – GerDon

    Tama ka ger…same feeling. Nice ger
    – Nadette Salazar

    Well said ger. Mismong si Rolly na isang retired na general di palo sa patayan. Grabe na talaga!
    – Freda Asuncion

    Galing ni Sir Don magsulat pala! At ako’y sumasang-ayon po sa mga punto na pinahayag mo. 😊 Saludo!
    – Ace Neptuno

    Mabuhay ka Sir Don!
    – Monette Magallanes

    Mabuhay ka Ger!
    – Evelyn Panganiban

    Very well said Manoy, mabuhay Ger.
    – France Magallon

    Mabuhay ka Ger!
    – Rosette Narte

    Pano’hon ta daw yan ta ang satuyang lider iyo ang sugo sa mga kapulisan…tsk!…Pulis na dapat tgapagtanggol ng mamamayan ay xa ngaung kinatatakutan….ginawang berdugo ng poon, berdugo na laging uhaw sa dugo…zTsk!, saan na nga ba tau patutungo???
    – Beth Valencia Pahuyo

    Galing Ger! Pa-share ha?
    – Zeny Abad

    Galing sir! 👏
    – Millie Ann Valle Kaharian

    Tama ka Ger…nakakalungkot nga ang mga nangyayari sa ngayn?
    – Irene Estacio

    Ayos ger,..inabot ako 7 ning amay kababasa….haha!
    – Joey Azur

    Ger, pa share ha. Thank you!
    – Analie Roque

    Very well said dearest brother. I agree 100%. CONGRÀTULATIONS for this very apt piece. Love you
    – Jocelyn Escaro

    Mabuhay ka Manoy Donis at nandyan ang Diyos na huhusga sa kanila pagdating ng paghuhukom, sa Diyos ko ipinauubaya ang mga taong hindi nila alam ang kanilang ginagawa. GOD BLESS Manoy Donis.
    – Joseph Sta. Maria

    Nice piece Ger…well said…keep this talent up..dikit lng ang may God given talent in writing…hugs.
    – Lyn Alvarez

    Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.