Mga Kuwentong Narinig N’yo Na -3

Super Dongis

Tunay na Magkaibigan

Noong unang panahon, meron dalawang bata. Ang isa ay anak ng mangangalakal at yung isa ay ng magsasapatos. Lumaki silang sabay, magkaibigan hangang sa magbinata at nagkaroon ng kanyang kanyang hanapbuhay. Dahil anak ng magsasapatos at magmangangalakal ipinagptuloy nila ito. Talagang napaka-close nila, nagdadamayan sa ano mang kagipitan. Halos hindi mo sila mapaghihiwalay kapag magkasama.

Isang araw, nagpasya ang pamilya ng mangangalakal na sumakabilang bansa para palaguin ang kanilang negosyo. Kahit na nga may-alitan ang magkapit-bansa nagpasya silang lisanin ang bayan nila.

At nagsumpaan ang dalawang magkaibigan na hindi sila makakalimot sa isa’t isa. Nangako na magsusulatan at magiging tapat sa kanilang pangako.

Makalipas ang ilang taon, ang hidwaan ng dalawang bansa ay lumalala. Ang relasyon sa pangangalakal ay naputol, kahit na ang pagdaloy ng mga sulat galing sa magkabila. Kaya’t nawalan komunikasyon ang magkaibigan.

Makalipas pa ang ilang taon, napalago ang negosyo ng mangangalakal, gumanda ang buhay. Kaya’t naisip n’ya na bumalik sa kabilang bansa para muling makita ang matalik na kaibigan, na noong bukas pa sa kumonikasyon ang dalawa ay naghihirap.

Bumalik siya sa bayan, subalit wala na siyang nadatnan sa dati nilang lugar. Hindi niya mahanap ang kanyang kaibigan, saang lupalop man hinanap, talagang wala. Sa kakahanap niya, napagkamalan siya na spy. Hinuli at ikinulong. Ang sabi niya sa mga humuli, hinahanap ko lang ang matalik kong kaibigan. Siya po ang makakapagsabi na hindi ako spy. Hinanap ng mga awtoridad ang kaibigan niya at natagpuan. Hindi naniwala sa kanila na hindi siya spy at nahatulan na mamatay sa pamamagitan ng bitay.

Nagpaalam ang mangangalakal na uuwi muna sa kanilang bayan para magpaalam sa kanyang pamilya. Pumayag ang hari na makaalis, subalit may kondisyon. Ang kaibigan niya muna ang ikukulong hangang siya ay makabalik.

Dumating ang araw ng pagbitay wala pa ang mangangalakal. Inihahanda na ang tali at ang pagbibitayan. Nakatingin ang lahat sa malayo, nag aabang baka sakaling dumating ang mangangalakal. Ngunit wala, suminyas ang hari na ilagay na sa leeg ang tali. Biglang tumayo ang hari at may naaninag sa malayo. Sandali may dumarating! Umuusok alikabok sa bilis ang kabayo. Sumisigaw na nandito na ako! Dumating nga ang mangangalakal. Pagbaba sa kabayo agad nagsabi, “ako ang dapat bitayin!” Sabay yakap sa kaibigan. Wag! ang sabi naman ng magsasapatos. Ako na lang, marami ka pang magagawa! Ako naman talaga ang prisonero, sabi naman ng mangangalakal. Nagtatalo ang dalawa, matagal nagpalitan paliwanag. Nagkakagulo na ang mga manunuod, mga nalilito, kung sino ba talaga ang dapat bitayin.

“Sandali!!!” Sigaw ng hari. “Napag masdan ko ang matibay na pagkakaibigan nyo, handang itaya ang buhay alang alang sa pagkakaibigan. Dahil dyan dinidiklara kong ligtas na kayo sa bitay. At gusto ko din maging kaibigan nyo na!”

Pagbubulay: Ang tunay na kaibigan ay pambihira. Nagiging tunay ang iyong pagkakaibigan kapag tunay ka sa kanila. Umpisahan mo sa sarili mo at sa iyong pamilya, at ang iba ay sasama.

***

Hawakan mo ang buntot

Meron isang binata, gusto n’yang ligawan ang anak ng isang Haciendero. Nagpaalam siya sa tatay, Sir gusto ko pong ligawan ang anak niyo. “Ok , sa isang kondisyon”, sabi ng tatay. “Sige po, ano yun?” Meron akong tatlong toro, pakakawalan ko isa isa, kung mahahawakan mo ang buntot, kahit isa lang sa kanila, puede mo na ligawan ang anak ko. “Ok sir”, sabi ng binata.

Binuksan ang pinto, pumorma naman ang binata. Lumabas ang malaking toro, na meron matutulis na mga sungay. Tumatalon-talon at umuusok ang ilong sa bangis. Habang papalabas, sasalubungin na sana ng binata, nakita niya ang kalaking laking toro, natakot siya at sabi niya… “sa susunod na lang na toro.”

Lumabas ang pangalawang toro, may kalakihan din, ang tangos ng bukol nya sa likod, may matulis din na sungay. Lumabas naghahanap ng masusuag. Nabigla ang binata, nang papalapit na ang toro biglang tumakbong papalayo at sabi niya, “sa susunod na lang uli.”

Sabi ng binata, “ito na! Kahit anong itsura, gaano man kabangis talagang susunggaban ko na. Lumabas nga ang huling toro. Dahan-dahan, walang sigla. Malalaki nga ang sungay pero retired na sa arena, marami nang pinadukong matador. Nanlalambot, gurang na. Agad lumapit ang binata at sinugaban niya. Kinakapa niya ang buntot, nong makita niya, wala! Napakamot na lang ang binata.

Pagbubulay: Pag meron pagkakataon, samatalahin. wag matakot, lumaban at harapin ang pagsubok. Meron talagang natatalo pero mas maraming nanalo. Kung di ka naman swertihin sa una, meron pang pangalawa o’ pangatlong tsansa. Ang mahirap kapag pinairal mo ang takot o’ hiya, baka sa susunod nga ay wala na!

***

Buto

Meron isang emperor, matanda na, walang anak, walang mapagkakatiwalaang papalit sa kanya. Minsan nagpatawag siya sa kanyang kaharian para maghanap ng papalit sa kanyang trono. Maraming nagsipagdalo, mga mayayaman, mga makikisig, mga sikat sa bayan, mga politiko, mahihirap. Lahat sila umaasa sa mababakanting puwesto. Isa-isang binigyan ng buto ng emperor at sinabi sa kanilang… kung sino man sainyo ang may pinakalagong tubo ang siyang tatanghalin kong bagong emperor ng bayan na ito.

At nagsipag uwian sila na may bitbit na pag asang magiging emperor. Yun isang bata, tinawag nya agad ang kanyang nanay at nagpaturong magtanim. Binigyan siya ng nanay niya ng paso at ibinaon niya yun buto. Sabi ng nanay, araw araw mong didiligin anak at alagaang mabuti. Ganun nga ginawa ng bata, binabantayan ang pag usbong. Subalit mag iisang buwan na wala pa din lumabas na tanim. Kinakausap, kung ano ano na ang ginawa, subalit makalipas ang ilang buwan, walang umuusbong. Hangat dumating ang araw na palugit ng emperor, wala pa din.

Dahil sa gusto niyang makita kung sino ang tatanghaling emperor, pumunta pa din siya sa palasyo. At Para makapasok dinala niya ang kanyang paso. Nang lumabas ang emperor, namangha siya sa nakita niyang naglalakihang at naglalaguang halaman. Isa-isa niyang inusisa, habangbinabaybay niya ang mahabang pila ng nagsipagdalo. Sa dulo ng pila, nakita niya yun batang may akay-akay na paso. Nilapitan niya agad. Nag-alala yung bata, sabi ng katabi niya…bat ka pa pumunta? Wala naman umusbong sa tinanim mong buto. Habang papalapit ang emperor sa kanya, hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang bitawan o tinago sa likod niya ang paso. Ngunit sabi ng emperor, oopss. Inakbayan siya ng Emperor at dinala sa gitna. At pasigaw na sinabi ng emperor…” ito ang bagong emperor niyo!” Nabigla ang mga nagsipagdalo, at nagtanongan sa kanilang katabi, parehas ang kanilang tanong” bakit?” At patuloy nagsalita ang emperor… “ang mga butong binigay ko sainyo noong nakaraang anim na buwan ay pinakuluan ko na, imposibling tutubo pa”.

Pagbubulay: Palaging maging matapat sa ano mang dumarating na pagsubok, tanggapin ng buong puso. Hindi man ito kagandahan, baka yun pala ang magbibigay ng kaginhawahan.

***

Nakuryente

Noong nasa Phnom Penh ako, tumira ako sa isang Guest House. Natuwa ako, kasi marami din mga Filipinong nangungupahan. Puera pa niyan, yun manager ay isang Pinay. Nasa malaking kwarto ako, may sariling sala at kitchen. Sa mag-isang nakatira napaka luwag na nito. Subalit, $750 a month, wala pang kasamang almusal, ikaw din magbabayad ng kunsumo sa kuryente. Meron daw kanya-kanyang kuntador, pero hindi ko alam kung nasan. Sa kabuuhan, ok naman mga facilities nila, safe sa loob , 24 hours ang guwardya.

Nagtataka lang ako after two weeks na stay ko, hindi ako sinisingil ng paunang bayad, usually magdeposit ka muna. Ang sabi ko na lang, pinay ang manager kaya may tiwala. Nangangamba lang ako sa bitbit kong pera, baka mawala o’ kaya magastos ko, kaya’t minsan nagpasabi na ako sa roomboy na ibigay ang bill sa akin para mabayaran ko na. Ilang araw pa ang dumaan wala pa din.

Isang gabi, pagkagaling ko sa opisina, naghihintay yun pinay na manager. Buntis pala siya, sabi ko halika sa room ko at ibigay ko na ang bayad at dalhin mo na din ang contrata. Pumunta nga siya, agad naman binigay ko ang $750, binigay naman ang contrata. Kaya lang, ang sabi nya, wala siyang resibong dala, ang meron ay resibo ng dating nangungupahan sa room ko na hapon. Kasamahan ko naman daw sa project namin, pansamantalang patunay daw na nagbayad ako. Sabi niya kinabukasan ibibigay niya din agad.

Lumipas ang isang araw, linggo wala pa din ang resibo ko. Tinatawagan ko sa cel niya, hindi sumasagot. Kaya’t naisipan ko itanong sa guard kung nasan si manager. Sabi, umuwi na ng Pilipinas dahil manganganak. Bigla akong kinabahan at tumawag ako sa opis nila at sinabi ko, nagbayad ako pero, hindi pa ako binigyan ng resibo.

Kinausap ako ng accountant kinagabihan. Kuya, sabi niya, tumakas siya, at dala ang mga binayad ninyo. Tatlo daw kaming pinoy na nagbigay sa kanya. Buti naman, sinabi din ng manager sa accountant na nagbayad kami. Bigla ako nakahinga.

Bilang isang Pinoy, hiyang-hiya ako sa ginawa niya. Kinundina ko nga at sabi ko dapat ipapulis nyo at i-ban na na pumasok ng Cambodia. Sabi noong accountant, “kuya pangalawang beses niya na ginawa, pero pinagbibigyan pa din siya ng may-ari.” Siguro kasi magaling at maraming nahihikayat na tumira doon. At mainpluwemsiya, kasi, kuya’t ate na din ang tawag ng mga Cambodian sa Pinoy.

Sunod na araw, nakatanggap na ako ng resibo ko at bill ng kuryente. Kaya lang nagulat ako, sa isang buwan na stay ko $120 ang binayaran ko. Sabi ko masyado naman mahal. Tuwing gabi lang ako nasa bahay, kapag weekend wala din ako, nasa laskwatsahan.

Noong pauwi na ako ng Pinas, a week before, may natagap akong bill ng kuryente, 20 dollars. Remaining na lang ng pagtira ko at ikinuwenta pauna. Sabi ko babayaran ko na lang sabay ng bahay, bago ako umuwi ng Pinas.

Dumating ang araw ng uwi ko, natanggap ko na ang last billing ko sa bahay, pero wala yun sa kuryente. Natuwa ako, baka sabi ko nakalimutan na. Makabawi man lang sa sobrang mahal ng kuryete nila at di mo alam kung pano kinikwenta.

Pumunta ako sa office nila para magbayad. Dala ko pambayad lang talaga ng room. Napagkwentuhan pa namin yun manager kung sakaling babalik pa siya, tatanggapin pa kaya? Sabi ko wag na nakakahiya siya sa lahi namin.

Nagbayad ako ng upa ng room ko pero nakukonsensiya na ako, parang ipaalala ko na, na meron pa akong natitirang bayarin sa kuryente. Pero nagmatigas ako. Ilang minuto pa, tatayo na sana ako…dumating yun cashier, sabi nya, ” mayroon ka pang natitirang bayarin sa kuryente. Oh, talaga? Pero sa loob ko nakakahiya, di rin ako naging tapat. Gaya ng manager, ako din pala nauudyukan ng pagsasamantala.

Pagbubulay: Ang pagiging tapat ay nag-uumpisa sa maliit. Dumating man ang malaking pagsubok ay madali mo na lang malalampasan, kasi sanay ka na mag-iwas sa maliit na pagsubok. Kahit na maliit na bagay o’ maliit na halaga ay dapat maging tapat tayo. Yun kahihiyan sa maliit na pagkakamali ganun din sa malaki. Kapag may pangamba na, ibig sabihin baguhin mo na ang binabalak mong masama, kasi kapag nabuking, ang hirap bawiin. Mahilig tayo magkundena, pero tayo nagiging dishonest din pala. Tama, honesty pa din is the best policy,

***

Ang mga kuwentong ito ay hango lamang sa mga narinig kong kuwento. Kung meron man pagkakaiba ay dahil maramil sa mahina ang pagkakadinig ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.