Unang Araw ng Pasukan
Excited noong unang araw, maaga, nakita ko agad ang pangalan ko sa listahan na naka paskil sa bawat pintuan. F ang aking section. Siguro tama ito dahil 82 lang naman ang average ko no’ng Grade VI. Wala naman akong natanggap na honor kundi ang Most Ingon Award. Madami din kasi ang first year umabot ata sa section M (M as in magagada at magagaling). Parang forty estudyante bawat section. Siguro kung kaunti lang kami, section A sana ako, puede pa naman mangarap. Ang room namin ay pangalawang pinto ng Dato Hall, malapit sa Student Pavilion.
Ang Datu hall ay isang elevated na building na gawa sa kahoy at pader. Ito’y may walong pinto, doon pumapasok ang sections A to G at sa unang pinto ay ang University Clinic at Guidance Councilor’s Room.
Sa unang araw ng pasukan, asiwa pa ako lalo na matigas pa ang kuwelyo ng polo. Brand new lahat ang suot, kahit medyas at sapatos na Bata. Ingat na ingat baka malibagan sa unang araw.
Noong elementary kami kasama si Felixberto at Francia, spartan na tsinelas lang at walang uniform, kaya’t malamang, bago lahat ang mga suot din nila. At noon din ako nag-umpisang magpalagiang magpantalon. Parang binatang-binata na nga, kasi sabi ni ma’am Helen, umpisa daw ngayon araw, hindi na kami mga bata, mister na ang dapat itawag. Feeling teenager na nga, lalo’t na natuli ako noong nakaraang bakasyon, at napansin ko, tumutubo na unti-unti ang buhok ko sa masisilang lugar ng katawan. Nangangati!
Kompleto na ang mga notebooks, cover noon na uso, litrato nina Guy at Pip, Vi and Bobot, Romy Mallari at Esperanza Fabon, minsan solo ng mga sikat na artista. Pero ang matagal nang tatak talaga ay Golden Gate, yun na din ang cover, kulay chokolate. Bawat subject isang notebook. Mongol at Bic ang paboritong pangsulat. Wala akong bag, bitbit lang ang makapal na mga notebooks at ilang pirasong tablet o minsan nakaipit lang sa braso. Yun ballpen sa bulsa, kaya makikita mo ang polo ko mamantsa, nagmamapa ng tinta sa kahabaan ng taon dahil laging nawawala ang takip at minsan lumulusot natatastas ang bulsa. Puwera pa nyan yun dumi ng laylayan, kasi palaging nakadikit ako sa sulatan. Ganun ako noon sa puting polo, di sanay, kayat sa katapusan ng taon, ang maputing polo ay halos light gray na ang kulay.
Si Tranquilino, si Bernardita, si Jocelyn at iba pang mga kaklase ko…
Kabado sa unang araw, lalo na mag-introduce ang bawat isa, nag-iisip ng sasabihin sa englis. Nahihiya at kinakamol magsalita. Conscious na din ako noon, lalot na, mas magaganda ang mga kaklase ko at makikinis, puro nakasapatos na. Mga fresh pa talaga! Sa murang edad, marunong na din ako tumingin sa magaganda, ewan ko lang kung cute din ang tingin nila sa akin. Pansin ko, kung saan-saan sila nakatingin habang nagpapakilala ako, siguro mga nag-iisip din ng mga sasabihin. Parang walang nakikinig sa akin. Siguradong wala naman nakakaalam kung anong ibig sabihin ng pangalan kong Adonis, kaya no pansin o sadyang no comment na lang, bumulakog ang mga mata ni ma’am noong marinig ang pangala kong Adonis, siguro sa tingin n’ya bagay naman ang pangalan ko.
Galing ako sa Mababang Paaralan ng Sta. Cruz na nasa kabilang kalye lang ng UNC. Hindi mapagkakamalan na annex ng unibersidad kasi tagpi-tagpi ang dingding at halata pa ang pagkakalukot ng bubong na yero ng Marcos type building. Kahit na magtatatlong taon na ang nakakaraan ang super typhoon Sening, hindi matinong napaayos. Ganun na din kabagal umaksyon ang gobyerno noon. Ang eskuwelahan ay para talaga sa mga nagtitipid. Pansin ko nga parang nakakaangat ako sa mga kaklase ko.
After mag-introduce ang bawat isa, madami din palang mga galing sa iba’t-ibang public eskul, gaya ng Central, Tabuco, Sabang, Tinago at sa karatig pang mga bayan ng Naga. Sa pangalan pa lang ng eskuwelahan, pangmayayaman na. Siempre, ang mga sikat ay yung mga UNCeans, Colegiala, at Parochialista, mga nangungunang private schools sa Naga.
Si Tranquilino na taga-parochial sinasabayan pa ni Joel na taga-Sabang, parang matagal nang magkakakilala, mga bida agad sa kwentuhan. Si Tranquilino, dapat tahimik, pero napaka-ingay. Si Bernardita (Borja) na taga Mayon, UNCean, may itsura, apol of the eyes kahit taga ibang pintuan. Noong tumayo sa unahan, perpek ang legs sa pagka-wow. Si Evelyn (Duyan) na taga Igualdad at Estrella na taga Tinago, mga UNCeans din, dalawa sa mga mapapalingon ka kapag nakatalikod sila. Si Ruel (Recafrente) na taga-Tabuco, kita na sa porma, kaya’t siguro tinawag na tisoy. Si Geroncio (Vidallo) na taga-Magarao, kala ko nagseseat in sa kabilang section, kaya pala, maykakambal! (Gregorio). Si Martin na taga-Camaligan ay mahiyain, kung makatingin sa mga legs, pasimpli, mapoloton na maray. Si Rolando (Gonzales) na taga-Conception, karatista kung umaksyon. Si Hector (Gutierrez) na taga-Saod, malaki’t matangkad parang hindi na freshman, palaging maynakasampay na panyo, ayaw malibagan ang mala-Elvis na kwelyo. Si William (Guiriba) na taga-San Francisco, gamunggo ang pawis kahit nasa ilalim na siya ng kumukubog-kubog na ceiling fan, lumalabas ang bungang araw sa kabang baka malaglagan. Si Jocelyn (Mania), na naga-Igualdad, isa din sa kaaya-ayang tingnan sa maiksing palda, ganun din si Rebecca na taga-Triangulo. Si Jane (Mesina) na isa din Uncean ay may itsurang ganda, ilang taon pa siguradong aabangan mo na. Si Francia (Bolvar) na taga Paraiso, madedemonyo ka sa ganda din ng legs. Si Arnel (Barrion) na taga sabang, matinik, kinalaunan ganun din sa chicks. Si Arturo (Claveria) at Jesse (Regalado) mga itsurang matatapang sa suot nilang deadly weapon na sapatos, hiram ata sa kanilang mga tatay. Si Jose (Porteria) na taga Bonbon, tahimik laging sulyap si Joy (Iraola) at Ella na taga Camaligan. Hindi ko na isasalaysay yung iba, kasi di ko na matandaan talaga.
Bente singko
Bente singko lang ang baon ko noon, pero marami na din nabibili. Bente singko sa umaga at sa hapon another baon. Sasabayan ko na lang ng kupit sa tindahan. Madalas na miryenda noon kapag recess ay loglog ni Espie o kaya naman kay Add n Mat. Pansit na maysabaw na may sarsa. Paborito ng lahat, unli ang sabaw kung di ka nahihiya. Sasabayan mo na lang ng arkila ng komiks, di halata na naka ilang hingi kana. Puera niyan, bananacue o’ kamotecue, butching kamote, tabog-tabog, kalingking o’ dila-dila at palitaw. Meron din linupak at ang peyborit kong bihon na hinaluan ng dinuguan. Magscramble at sasabayan mo ng pinahiran ng star magarine na hot cake. Ilan lang yan sa nabibili sa labas ng eskuwelahan. Kung gustong mong chichirya sa canteen ka bumili. Medyo di pa gaanong sikat noon. Kapag Chippy kinakain mo sosyal kana o’ Magnolia lalo na. Karamihan sa Bayawas ang punta ng mga estudyante kaysa sa Canteen kasi mas maraming mapagpipilian.
Titser’s pet
Maganda ang aming adviser, si Mrs. Helen Borja. Sexy, maputi at may tangkad. Bagay na bagay ang nunal sa kaliwa ng baba. Siguro mid-twenties, misis na, kadalasan suot nya bistida na may low-cut neckline. Makikita mo ang cleavage ng maliit na dibdib niya. Di mo maiiwasan tumingin habang nagpapaliwanag siya ng Balarilang Pilipino. Mas madalas nakatingin ako sa dibdib kaysa sa mukha, baka kasi magkasalubong ang mga mata namin, biglang akong tawagin. Estrikta sya, minsan sumigaw si tisoy (Ruel Recafrente), ”pulis, pulis, nandyan na ang pulis”…narinig nya ito, kaya buong klase nag-almusal sa mainit na sermon, wala kasing nagsabi kung sinong sumigaw na pulis. Noong salaysayang Pilipino, sabi nya, very good daw ako sa aking sinalaysay. Kaya ako’y naging ganado. Umpisa noon naging peyborit ko si ma’am, papansin sa hipag nyang sosyal.
Si Miss Fabay, na titser namin sa math, magaling, singaw nga lang kung magbilang. Kahit na nakatikom ang nguso, bakat pa din ang mala-bugs bunny na mga ngipin sa harapan. Maganda siya, kung nauso lang ang braces noon, mas gaganda pa.
Si Mister Solis, titser namin sa Retail Merchandising, napakahusay. Komedyante, lahat kami tinatawag sa ibang pangalan. Si Adonis Serenguelas daw ako, si Martin Polotan, naging Martin Sumsuman. Si Felixberto Calinog, ang tawag n’ya ay Nanginginig. Si Armando Libutan ay Armando Lubutan, Si Joel Barde, naging Joel Balde, Si Cornelio Cabalquinto naging Conejo Cabalquinto. Si Edgar Encinada naging Edgar Encimada. Ginawa kaming mga bantay ng tindahan sa katabi ng principal, para daw magsanay. Sa totoo lang, para makatipid s’ya sa pambayad sa bantay. Si Cornelio ang partner ko, gusto ko sanang turuan ng art ng pangungupit sa tindahan.
Si Mrs. Cortez titser sa Science, mabait, palaging nakaputi, bilogan ang katawan, sosyal ang dating, parating nakataas ang kilay na iginuhit na lang.
Si Mr. Imperial titser ko sa Vocational…Mabilis magturo, para siya ay makatulog. Kunyari kami pinagmamasdan, pero di tatagal unti-unting babagsak ang mga mata, di nya pansin isa isang nawawala ang ibang estudyante niya, maaga pa nasa loglogan na. Natuto din akong gumawa ng lampara, magputol ng bote na walang bungi.
FRESHMEN TEAM, hooray!
Minsan bago mag-Intramurals, di ko makakalimutang araw. Ito ang pinaka malaking event ng eskuwelahan. Nagform si Ma’am Helen ng presentation. Pinili nya ang walong may mga itsurang babae, at may mga future sa kaseksikan. Apat naman na mga lalaking kyutie. Siempre pinili nya ang peyborit nya, ayaw ko sana, pero wala akong magawa. Di pa man, praktis pa nga lang, kinakabog na ako sa nerbyos. Bawat isa sa amin nagrerepresent ng letter ng FRESHMEN TEAM… Yun mga babae sa FRESHMEN, sina Bernardita(Borja), Jocelyn (Mania) Joy (Iraola), Francia (Bolvar), Jane (Mesina), Mariden (Collera) Ella (Orgaya) at ang di ko na maalala. Kami naman nina Virgilio (Pascual) Ruel (Recafrente) at Arnel (Barrion) para sa TEAM. Ako ang may hawak ng letter E. Nakasulat ito sa one-fourth na cartolinang puti at kulay green ang lettering. Pinili ko ang E, para pagtinawag parang nagtitilian sila…EEEEEEEEEEEH
Noong opening na, nakalinya kami sa gilid ng court, pumarada patungo sa gitna ng gym, at nagform ng arko ang mga babae. Nagkakantyawan ang lahat ng teams, ang ingay ng buong gym sa kalampag-sigawan at tilian. Yumuko ako at tiningnan ang hawak kong cartolina, kinakabahan, ayos naman sa tingin ko. Isa-isa tatawagin ang mga letters ng mga first year at haharap at sabay itataas ang hawak na letter hangan mabuo at isisigaw ang team. Mauuna ang FRESHMEN at tapos luluhod sila. Tapos yun TEAM naman para makita kaming nasalikuran. Pag-sigaw ng E para sa TEAM…E! Bilis akong humarap at sabay itinaas ang hawak ko…biglang nag-pause ang mga freshmen. Pansin ko madaming nagtawanan, kaysa tilian, may mga tinuturo…nagtaka ako, parang ako. Bigla kung tiningnan ang letter ko, baliktad! Bilis kung inikot…Pagkatapos tinuloy na nila ang pagsigaw ng A at M, sumunod ang malakas na sigaw na FRESHMEN TEAM hooray!!! tuloy na din sa paghiyawan ang mga first year.
Pagkatapos ng presentation, pabalik na kami, namumula ako sa hiya, parang lahat nakatingin sa akin…nilapitan ako ni ma’am Helen at sabi nya, “haayyy Adonis, baliktad! Kundi ka lang cute, nyah…”
Puro bola
After ng klase, madalas kaming magbasketbol, kung hindi sa quadrangle, sa gym, minsan naman nakakarating kami sa Civic Center. Kahit na sa bahay nina Virgilio kapag walang bakante, doon kami naglalaro. Kami palagi magkakampi, mas maigi na yun kakampi nya, kasi palagi kang nakakapaglaro. Siya kasi ang may-ari ng bola. Tatluhan ang laro lagi, minsan si Felixberto o’ Arnel ang pangtatlo sa amin…madalas na kalaban namin sina Russel (Abanes), Geroncio, William, Rolando, Martin, nagpapalit-palitan sila. Magaling daw ako, lalo na pag walang dalang bola. Pagnaglalaro na, di na makashot pano di mapasahan, puro kay Virgilio kasi bola nya. Sa hilig lumaro, di naman kami napansin na mapasama man lang sa freshmen team. Ang rubber shoes ko na canvas na Bata, ang daling mabutas. Nilalagyan ko na lang sa loob ng lumang swelas ng tsinilas para di lang magasgas ang medyas. Pag-umuulan, pasok ang tubig, di alintana ang alipunga. Aram-araw basketball, Kaya’t palaging basa ang polo ko sa pawis. Kaya kinabukasan kung hindi bungang araw, may ubo ako, di ko rin kasi mapunas ang pawis kasi kadalasan wala akong panyo, pinatutuyo ko na lang. Mas mahilig akong maglaro ng bola kaysa magbasa ng aral.
Ma’am, may I go out
Kinabukasan pagkatapos matuyuan ng pawis, inuubo na ako n’yan. Nakakahiya nga, kasi habang nakikinig ka ng lesson, bigla ka nalang uubohin. Pinipigilan ko naman, pero bigla na lang lalabas ang malaman at malagatok na ubo. Makati sa lalamunan. Buti na lang, malapit lang kami sa CR. Paglalabas na, sabay hands up para mag “may I go out”. Akala ni Ma’am sasagot ako, wala pa naman tanong. Sa CR, parang bumaliktad na ang lalamunan ko, sakaka ehem, para isahang labas lang. Ngunit, pabalik-balik ang pisting plema at lalabas kana naman. Dahil sa dalas ng labas ko, nakakahalata na si ma’am, doon na lang ako sa bintana. Pasimpling pakayod na ehem, tapos ilalabas ko. Pero hindi ako ligtas sa mga kaklase, tinginan at sabay tawanan. Makikita mo ang maitim na lupa, kumikutitap sa dami nagkalat na plema. Pero di lang naman ako, ang daming mga sipunin pa noon, Si Myrna C. Ponon, sa pangalan pa lang, nakakahawa na.
Uragon
Medyo naiingganyo pa ako noon mag-aral, panay pasado ang mga quizzes kahit na walang kakutsaba sa kabilang row. Pero nahalata ko, meron pang mas matataas ang test. Si Armando na nasa likod ko, nababahala ako, tuwing exam mataas siya kaysa sa akin. Kung gumawa ng book report parang kinokopya lang ang summary sa likod ng libro. Sabi ko, nangungopya siguro ito dahil nasa likod ko nakaupo. Wala naman syang kibo, simpli, di nagrerecite, sasagot lang kung tatawagin. Nag-iingat na nga ako, pero matataas pa din mga test nya…di ko inakalang may-orag din pala. Kaya naman pala, tuwing periodical exam lang ako nag-aaral, magbasketbol araw-araw. Baliktad kami ni Armando (Libutan) kahit recess nag-aaral, akala mo nagrorosaryo sa pagmememorya ng aral sa araw-araw. Kaya noong sunod na taon, section nya ay A, samantalang ako ay C.
Mga kaklase ko: Arnel, Russel, Leonardo, Tranquilino, Joel, Edgar, Jose, Geroncio, William, Jessie, Arturo, Felixberto, Ruel, Antonio, Martin, Alvin, Antonio, Cornelio, Virgilio, Rolando, Armando, Hector, Bernardita, Jane, Jocelyn, Francia, Rebecca, Ella, Joy, Mariden, Evelyn, Maribel, Norita, Rosario.

Maurag ka ger. Taranda mo pa ang nakaagi mo.
Idtong college naman sa sunod.
LikeLiked by 1 person
Thank you so much ger, minsan kaya sa trapik sa edsa, para dai mainip, an gibo ko an girumduman an mga nakaagi. Mabuhay ka ger!
LikeLike
Pagbutihan ang pagaaral
LikeLike