Tumatanda na din, 2018

Maraming maraming salamat sa inyong lahat. Napasaya niyo ako sa mga pagbati niyo. Kahit yun mga walang kibo, bumangon para maki bati.

Nandito lang ako sa bahay nagpapalipas ng araw. Iwas-handa daw, hehehe. Pero gusto ko naman i-spend ang araw na ito na kami lang ni Sweetie. Hindi ko akalain na maraming makakaalala, maganda pala ang social media kapag gusto mong manalo sa barangay. Kaya lang si Sweetie naiinis, wala din daw ako ginawa kundi ang sumagot sa mga bumati. Sumakit mga daliri ko sa dami. Triple ng edad ko ang nagpaalala na birthday ko.

Hindi ko nga lang kayo maimbita na pagsalusalohan ang special na araw kong ito. Ang lalayo natin, worldwide na ang mga kaibigan ko. Unfair naman sa di ko mapagbibigyan, kaya’t marapat na magstay na lang ako sa bahay muna, total naman may birthday leave ako. Ngunit, hindi man tayo magkakasama, ang puso ko kasama niyo. Bahala na si Lord, kung ano man ang regalong matatanggap ko sa taong ito na galing sa kanya, ang birthday wish ko ang idamay kayo.

T8 na ako mga ger, manoy-manay salamat na madami. Siempre gusto natin taon-taon tuloy pa ang dagdag ng edad natin. Mas ok daw ang taas nang taas, kaysa biglang hinto ang pagbilang. Nanaisin mo siempre na hanggang magsawa ka sa buhay mo.

Talagang tumatanda na tayo. Lahat naman nagiging conscious sa itsura natin, di mapakali, naghahanap ng remedyo. Kung puede mag-antipara na para makita mo ang sarili mo, para ma-monitor mo ang pisngi mo, at ang katawan, iimbentuhin mo. O kaya magsalamin sa mahiwagang salamin ay nanaisin mo makahingi lang ng pabor para mapabata ang itsura mo. Minsan akala mo yung salamin nagcrack, yun pala mga guhit sa mukha mo. Ang sabi mo bawat salamin mo, “hindi naman ako ganito noon!” kapag birthday mo “dios mio perdon!” Parang gusto mong sumigaw ng “Ako si Superman” para paikutin pabalik ang mundo.

Ang magagawa na lang natin ang i-delay ang paggurang. Kaya’t ang ginagawa ko, para ma-delay ang pagkupas ng beauty ko, kahit ano hinahaplas ko na. Pinapatulog ko muna sila, at dahan dahan ginagapang ko ang mga panghaplas ng asawa’t anak ko. Nasubukan ko na din ang Lyna noon, hehehe napasigaw si Sweetie, napagkamalang bangkay na ako. Ngayon Oil of Olay, ulay ko mabinino, wa epek din pala. Minola oil, sus maria! para naman ako pinirito, mali ang nagapang ko. Lahat, hindi man lang naunat ang kutis ko. Minsan parang ayaw ko na tanggalin ang nakadikit na face mask, hanggang matuyo may makita man lang na pagbabago. Nakadikit masyado parang mapunit ang kutis ko sa aray, pagnatanggal, nagrorosa rosa sa itsura, ilang minuto lang balik na naman sa dating itsura, kainis na! Kahit maliit na guhit pansamantalang ma-magic, ang saya na pagmasdan na bumata ka ng ilang buwan. Buhay na nunal dumarami, nagkakawing kawing sa leeg ko.

Parang gusto ko pigilan,  araw-araw nakikipagbuno ako sa araw na sana bagalan. Pero wala, wala na akong magawa.  Talagang malapit na akong tawaging senor Adonis. Two years na lang may diskuwento na. Hindi naman nakaka-excite, 20% discount, kung kailan naman marami ng bawal saiyo.

Pagdumating ka pala sa edad na ito, tama ang sabi nila noon na life is so short, kaya’t samantalahin ang bawat oras na magpakasaya. Gumastos total lahat na naman daw tapos. Magliwaliw hanggang naaaliw ka sa mga bagay na magaganda. Kumain ng masasarap hanggang may pang lasa pa. Gumalaw-galaw, kumimbot-kimbot at makihalubilo hanggang nakakakilos pa. Kailan pa, kapag huli na?

Diyos ko, maraming salamat po. Nawa’y bigyan mo pa kami ng maraming taon na punong puno ng pagmamahalan at kasaganahan. Maraming maraming salamat din sainyo at mabuhay kayo ger!

Binabati ko din ang mga ka-birthday kong si Ernel (Dungca), Bono, Antonieto (Sarol), Gie (Barbosa) at Josielyn (Daroy)…Happy birthday po!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.