Kamakailan lang parang naglilihi ako sa maanghang. Hindi naman talaga ako mahilig masyado sa sili. Kung walang anghang, OK din lang. Dati nga kung anong pagkakaluto ni Sweetie, super man ang tabang o’ walang anghang, OK din lang. Hindi ako mahilig sa sawsawan, suka man o’ toyo o’ patis. Minsan pag may handaan, may inuman kadalasan maanghang ang paboritong pulotan. Dahil daw bikolano ako, dapat maurag sa maanghang, bikol express dapat! Pero sa totoo lang hindi naman ako ganun. Kaya minsan nacha-challenge ako, dapat di pahalatang mahina ako sa sikat na panlasang bikolano.
kaya nagtry ako, sinubukan ko muna ang siling pang sigang. Sa sinigang, kukunin ko lang ang sahog na sili at dudurugin ko, bawat higop, ang sarap naman. Ang dynamite ni Mang Larry, lumpiyang sili, kaya ko naman. Minsan makaka-timing ka nga lang ng maanghang talaga, kailangang sundan mo lang ng samalamig.
Ang anghang daw ay hindi naman talaga lasa, kundi ay nagdudulot lang talaga ng hapdi na dala ng isang sangkap ng sili na ang tawag ay Capsaicin. Ito’y taglay ng lahat ng capsicum fruits na gaya ng labuyo. Hindi lamang sa nguso mahapdi kundi kahit na anong parte ng katawan na napahiran nito. Kung natitiis mo ang super hapdi, sigurado akong tatagal ka din sa anghang. Kaya lang talagang nakakapagana. Ang sabi nga, lalong nagkakabuhay ang hapag-kainan, kapag may lada (sili).
Ngayon, basta pagkaing may sarsa, dapat may anghang. Kung wala, dapat may ginayat na labuyong sili. Naging magana nga ang kain ko. Nakalimut na may almo pala ako. Sa Cambodia, bawat hain nila meron labuyong siling ginayat at bawang. Natutunan ko tuloy na bawat subo may kapirasong sili. Hmmmn, kaya ko naman pala. Hangang sa nakahiligan ko na. Sa bahay parati na din akong may giniris na sili o kaya sriracha, bawat subo may kapirasong sili o kaya napahiran ng sriracha. Tunay na uragon na talaga. Sanay na ako! Kimchi, minamani ko na lang ang anghang.
Noong bumalik ako sa Phnom Penh, kumain ako sa isang ramen house sa Aeon Mall. Naakit ako sa mga litratong naka-display, mga pagkaing hapon. Nagasaki ang tema ng restaurant. Kaya’t naalala ko ang Naga, proud na mahilig sa sili.
“Irasshaimase” and sigaw ng mga waitress. Inabutan ako ng waitress ng makulay na menu at nakita ko yung nakaka-attract na spicy ramen. Tamang-tama gutom na ako, alas tres na, di pa ko nananghalian. Seafood ang tinuro ko. Tinanong ako ng waitress kung anong size, ang sabi ko large at spicy. “How spicy sir?” inabot niya sa akin yun litrato ng pagpipilian. Kung ikaw ang waitress mapapansin mo ang yabang sa mukha ko. Meron anim na level ng anghang, una spicy, medium spicy, high spicy, super spicy, extra spicy at ang pang-anim extra super spicy. Hinati sa dalawang grupo ang anim na levels, orange yung unang tatlong levels at pula, yun huling tatlong levels. Ibig sabihin ibang klase ang pagka-anghang ng pula. Nasaisip ko yun medium spicy. Ngunit nong tumingin sa akin yung magandang waitress, pinili ko yung super spicy, dalawang baitang ang tinalon ko. Apat na sili ang naka-drawing. Parang nanlaki ang mga mata ng waitress ng ituro ko at sabay ngiting nagsabi…
“ok sir! How about your drinks?” “Coca-cola” ang sabi ko. “Zero, diet or original sir?” “Original” Bulekiti niya yan, hambugon…
Habang naghihintay, kumuha na ako ng chopstick na kawayan at biniyak ko at pinagkiskis ko yung dalawa, akala mo sanay na sanay, hehehe. Binuksan ko yun celphone ko at nag-browse ng kung anong matitingnan habang naghihintay. Maagang binigay yun bill ko, kasi nandon nakasulat yung password ng wifi nila.
Ilang minuto pa dumating na ang ramen, umuusok pa, malaki at sa isip ko maso-solve ako nito. Kasama din ang coke at baso na puno ng yelo. Sa gitna ng bowl nakalitaw ang mga sahog na gulay at sa pinaka-gitna may isang hipon. At sa paikot makikita mo ang sabaw na mala-gatas ang kulay at meron ga-bundok na chili powder. Binitawan ko agad ang celpon ko, hinalo ko ng bahagya ng chopstick, at inipit ko ang hipon sa gitna. Tumingin ako sa waitress at sabay tango sa kanya. Napaka-fresh ng hipon, ang lambot at tama lang ang anghang. Sinunod ko ang repolyo, malulutong pa, ok ang init sa bibig. Hinalo ko na ng maigi, yun pansit biglang anghang. Yun kulay ng sabaw naging orange na. Bawat subo, inom agad ako ng coke. Yun lamig ng coke parang lalong nagdadagdag ng anghang. At dahan-dahan hinigop ko na yun sabaw, mapapa-susmaria ka, uminit agad ang bunganga ko, parang napaso yun bibig ko, inom ulit ako ng coke, pinagpawisan agad ako, sunod tumulo na ang sipon ko at humigop pa ulit ako, lalong umaanghang. Feeling ko pulang pula na ang mukha ko, tumulo na din ang luha ko. Naisip ko baka pinagmamasdan ako ng mga waitress, nakakahiya. Buti na lang nakalapag ang celpon ko, kunyari may pinapanood akong nakakaiyak, picture pa naman ni sweetie ang screensaver ko. Panay ang punas ko sa ilong at mata, halatang umiiyak ako kasi inaangat ko yun salamin ko. Isang lagok na lang ang natitira sa coke, mauubos na. Pero yun ramen di ko pa man lang nahahati. Parang gusto ko nang umayaw, kaya lang nakakahiya. Sa isip ko dapat ubusin ko ito. Pakiramdam ko umakyat na ang dugo ko sa mukha ko. Umuusok ang tainga, na para bang sa komiks. Medyo nakalihis ako sa mga waitress, kapag lumilingon ako sa kanila, parang wala lang, hindi naman sila nakatingin sa akin.
Nang dumaan ang waitress, napahigop ako ng matunog, pakitang hapon style na higop, gumuhit sa lalamunan ko, hanggang dibdib, ang hapdi. Ubo ng ubo ako. Nakatingin sa akin ang nasa malayong mesa, parang naiirita. Yung coke naging tubig na, lalong naiirita ang lalamunan ko dahil sa lamig. Ang hapdi. medyo kinabahan na ako, naisip ko, baka ma-high blood ako. Tumayo ako, at pumunta doon sa water station, sinahod ko yun baso, ngunit walang laman, buti lumapit sa akin yun waitress, pinagmamasdan siguro niya ako at siya na ang kumuha ng tubig. Kunyari ok lang ako, di pa ako nakakaupo ininom ko na yun tubig, ganun pa din ang hapdi, hangang maubos ko. Ilang minuto pa, medyo napawi ang sakit ng dibdib ko. Parang di alam ng waitress na may nangyayari na sa akin. Nagpahinga muna ako, at unti-unti kong pinipili na lang yun gulay at paisa-isang sahog at pansit. Kapag humigop ako ng sabaw, kahit gakutsarita ka dami lang, bumabalik agad ang sakit ng lalamunan at dibdib ko. Yun tiyan ko humapdi na din. Nakakakalahati pa lang ako. Parang gusto ko na mag-give up, pero naghihinayang din ako, dahil masarap at may kamahalan. Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko. Kinawayan ko yun waitress at nagsinyas ako na tubig pa more. At pagbalik nya, dinalhan niya na ako ng pitsel at inabot ko na yun chit ko. Hindi na ako makapagsalita, pakiramdam ko sugat na lalamunan ko. Balak ko nang sumibat ng di ubos.
Para di mahalatang di ubos ang laman, inilubog ko yun mga laman gulay at pansit at pinatungan ko ng kutsara para di lumitaw. Kunyari sabaw lang ang di ko naubos. At dahan dahan akong umiskapo, narinig ko na lang silang sabay sabay sumigaw ng “arigatou gozaimashita”. At nang makalabas ako, lumingon ako, parang ako ang pinag-uusapan nila.
Kainis, sa palagay ko ginawa nilang extra super spicy ang ramen ko, waaahhh!!!
Pagbubulay-bulay
Dapat yung katamtaman lang lagi, malumanay, ano mang sobra masama. Ang hirap sa akin minsan, hindi naman sanay, kabago-bago lang, mahambog na. Mahirap kapag napapasubo, ang hirap na din umatras. Kaya hinay-hinay lang, wag paiiralin ang yabang. Kapag masyadong ka nang maanghang, inaayawan ka na din, diba?
GO Go go Donis…the 1st writer of the Beringuelas clan…🔅🔅🔅🔅🔅
LikeLiked by 1 person
Thank you ger!
LikeLike
Maraming salamat sa inyong lahat, sa mga sinabi nyong magaganda at sa oras na iginugol niyo sa pagbabasa. Mabuhay kayo ger!!!
– GerDon
Sa ME pag hot 🥵 season mild Lang timpla kang tandoori chicken sa mga iranian restaurant, pag cold🥶 season , ang timpla super hot spicy🌶 🌶 🌶
Nice one Donis, you tried the very spicy 🌶 🌶 🌶 tandoori chicken??? I loved it.
– Maxilinda dela Cruz
Nice one Ger Don…Life is meant to be just simple not complicated..👏👏👏
– Lyn Alvarez
Happy Father’s Day Ger!!! Enjoy your day… cheers.
– Edna Abragan
Bravo!!!
– Nadette Salazar
Happy Father’s day po Tito 🙂
– Caryl Patino
Agree!!!
– Leonore Jaluague
Happy Father’s Day!
– Julie Patagan-Beringuela
Maurag ka talaga Ger!👍
– Marlon Artigas Del Rosario
HFD ger🙏🙏
– Jo Bergz
Happy Father’s Day!
– Joy Prado
Uragon!
– Naomi Clemente
Happy father’s day, pare Adonis.
– Carol Patino
sa totoo lng dai ko binasa ta halawigon🤣…i just want to say “HappyFather’sDay ‘ger🥂.
– Cris Bulatao
Makunsuelo ka 😂
Cris Caringal Bulatao basahon mo ta gabos na pig post ni adonis. Maugma basahon.
– Chu Garchie
Happy Father’s Day!
– Ella Orgaya
Hello Jose Adonis Beringuela,aba magaling k pala magsulat. . . .binasa ko khit kilometric ang haba😁😁 . .ng dahil sa magandang waitress kaya sabay pasikat anoh?!😁😁 super spicy ngite. . napaluha,nmula at pinagpawisan k tuloy!!hahaha typical bikolano traits. . .napahanga mo ako sa galing mo mgsulat,ha!! Galing!!!🍻✅✅
– Miriam Bermudo
Good!
– Maribel Rabago
LikeLike