Sweetie

Pagkatapos ko ng college ay agad akong pumunta ng Maynila, para magboard exam. Si Daisy naman ay naiwan ko sa Naga. Nangako na babalik din lang ako. Kaya lang after tatlong buwan, agad akong nagkaroon ng trabaho.

Ilang taon din kami magkalayo ni Sweetie. Madalang na sulatan lang ang namamagitan sa amin at once a year na uwi ko sa Naga. Subalit, ang palitan ng sulat ay naging mas madalang pa. Ang tamad kong sumulat noon. Ang ginagawa ko, ang magpadalang social telegram na lang, tuwing birthday, Valentine’s at iba pang okasyon. Galit na siya, sabi niya ayaw niya na sa akin. Ngunit, parang wala akong naririnig, patuloy lang ako nagpapadala ng telegrama. Hindi na ako nag-iisip ng sasabihin, mamimili lang ng greetings at card. Ang halaga depende sa bilang ng words ng message. Pagmahaba ang message, mapapamahal ka. Minsan ang message ko, DEAREST GER, OK LANG ME…LOVE, GER. Alam mo naman ang probinsyano, pagnakatungtong ng Maynila, pagnag-eenjoy na, nakakalimutan na ang buhay probinsya. Nalilibang na din ako sa mga ka-officemate ko. Alam naman nila na may gf ako, kaya wala naman seryusong nagpapakita ng interes sa akin. Lalong dumadalang ang kumunikasyon namin at bihirang bihira na akong makauwi ng Naga. Siguro isang pitik na lang, wala na kami.

Katunayan, ang tawagan talaga namin sa isa’t isa ay “ger“. Ngayon na lang naging “Sweetie” ng tumanda na kami. Kasi daw masyado na kaming sweet sa isat-isa, overripe na daw kasi!

Lumipas ang apat na taon, siya ay hindi na makatiis, pumasyang dito na din sa Maynila magtrabaho. Naging panay na ang pagkikita namin, at least once a week. Parehas na kami maytrabaho. Tuwing sabado’t linggo na kami nagkikita. Malapit na nga kami, pero malayo din, kasi siya nakatira sa Tambo, Paranaque, ako naman sa Meycauayan, Bulacan.

https://madongis.blog/wp-content/uploads/2021/02/img_4488.jpg

Walang kaano-ano, katatapos lang ng EDSA revolution noon, niregaluhan niya ako ng magarang relo. Yun pa naman ang hilig ko, kaya ako naman kinilig, panay ang tingin ko sa oras, halos minu-minuto nakatingin. Parang nakikita ko ang mukha niya sa salamin ng relo, na para bang umiikot sa buhay ko.

Niyaya ko na din siyang magdate noong araw ding yun. Sabi ko, “manood tayo ng sine sa Broadway Centrum.” Medyo malayo ito sa Paranaque, pero sikat sa mga nag-iibigan, kasi, yun upuan ng sinehan ay pangdalawahan lang, walang armchair sa gitna. Ang sarap magyakapan, walang disturbo at may kadiliman.

Tamang-tama may dumaan na Golden Taxi, sumakay agad kami. Hindi ko kabisado ang papuntang Centrum. Yakap ko siya habang nagkikwentuhan sa likuran. Mag-iisang oras na kaming paikot-ikot, wala pa rin kami sa Aurora Boulevard. 72476dbb-b28a-41dc-98da-cf9f1f3aa73d-1312-0000022754016c96Hindi na kami tuloy nakapaglambingan, magkadikit ang aming mga pisngi habang pinagmamasdan ang bawat patak ng metro, nakakalula. Bawat patak parang kaming nalulubak. Kulay itim ang taxi, pero bakit golden? Golden pala kung makasingil ang driver. Pagbaba namin, wala daw siyang barya, hayop na yan! Siempre ako naman parang ok lang, eh nakatingin kasi si Sweetie.

https://madongis.blog/wp-content/uploads/2021/02/img_4487.jpg

Nakarating kami mag-aalauna na. Ang palabas noon ay “My Champion” kwento ng sikat na American-Japanese marathoner na si Miki Gorman, maypagka love story. Ang ganda ng soundtrack ng pelikula at pino-promote nila yun kantang “My Love” at ang singer na si Connie Marshall. Noong nakabili na ko ng ticket, meron palang pautot ang pelikula, kaya pinagkakaguluhan, ang haba ng pila ng mga magkakasintahan. Hindi ka maiinip kasi magkahawak lagi kayo na magkadikit ang mukha niyong nag-uusap. Bibigyan ka ng tatlong dart, kapag na bullseye mo, kahit isa lang meron kang prize na 45rpm na plaka ng theme song ng pelikula. img_4839Hindi na ako pumorma at hindi ko na pinatagal pa, tumira agad ako, bullseye! hehehe. Nagtatatalon ako sa saya, parang inspired. Sabi niya sa akin, “magaling ka pala sa dart.” Tumaas ang kilay ko, lumaki ang butas ng ilong ko…hambugon. At sabi ko sa kanya, “ikaw naman, try mo” Ayaw ko na ulitin baka mahalata pa na tsamba ko lang. Pagtira niya laglag sa sahig, yun pangalawa muntik na sa labas ng target. Sa totoo lang, noon din lang ako nakahawak ng dart, malaking tsamba lang talaga yun. At naiuwi nga namin yun plaka na ang flip side “Don’t wanna do it alone”

Pag-tingin ko sa relo dahil kumikinang naman sa dilim, mag-aalasais na pala. Tinapos na lang namin yun eksena na nakakakilig at kami lumabas na, Ang palabas noon ay laging dalawang pelikula at kahit anong oras, puede ka pumasok at lumabas. Kaya halos mauulit na namin yung “My Champion“. Maganda naman yung sine pero hindi ko naman naintindihan talaga. Iba naman ang iniintindi ko, puro ako popcorn at si Sweetie naglasang salty.img_4838

Paglabas namin may naghihintay na dyip na pa-Cubao. Sa Cubao, dumaan muna kami sa Farmers para kumain sa Goldilocks. Yun lumpiang sariwa at dinuguan minadali lang namin, kasi mag-aalas otso na. Momog ka naman muna, ang itim ng ngipin mo, sabi ni Sweetie. At sumaglit kami sa Uniwide Sales, para bumili ng kaunting mabibitbit. At pagkatapos, nag-abang ng masasakyang bus na pa-Baclaran, mag-aalas otso na.

JD Transit ang namamayagpag sa EDSA noon, biyaheng Monumento hanggang Baclaran. Lumang modelo na ang bus, kulay pula at gawang kahoy. Lawanit ang dingding, kahoy din ang sahig at barandilla. Paborito kong sakyan, kasi mabilis tumakbo, kahit na bawat pumarang pasahero ay hinihintuan, mas mabilis ka pa rin makakarating sa iyong paruruonan. Alisto ang mga drivers, ang mga kundoktor ay puro babae, pero  maliliksi, naka-uniform na kulay pink, at parang nakaalmerol. Nakamedyas na puti na para bang mga manang na mga estudyante. Kapag umuulan, di mo sigurado kong nasan kana, kasi hindi mo nakikita ang labas, dahil lawanit din ang takip ng bintana. Isinisigaw na lang ng konduktora kung meron bababa. Pag-akyat mo sa pintuan, sa kanang parte, hangang sa likod ng driver, pang tayuan lang, sa magkabilang gilid lang ang may pahabang upuan. Sa kaliwa ng pintuan ang pasunod-sunod na mga hilira ng pahalang na mga upuan.f270be2df0cd078a5486d22b92ca3702 (2)

Sumakay kami, halos puno ang JD, walang bakanteng upuan. Mag-aalas otso na. Nagkakailan kaming nakatayo sa unahan, sa likod lang ng driver. Dapat kumapit ka nang maigi sa barandilla. Si Sweetie nakaabrasiete sa akin at nag-eenjoy sa halimuyak na amoy ko. Habang nakahawak ako sa kahoy na barandilla, tinitingnan ko ang relo kong magara, mag-aalas otso imedya na, ang kintab ng salamin, pinarereflect ko ang mukha ni Sweetie.

Pagdating sa Makati, quarter to nine na, merong mga sumakay na apat na lalaki at ilang pasahero pa. Mga nagmamadaling umakyat. Agad naging siksikan kami, at umandar ang bus. Nakapasok na lahat pero sinisiksik pa rin kami, medyo matutumba na kami, kaya mahigpit ang hawak ko sa barandilla at si Sweetie yumakap na rin sa akin. Yun kanan kamay ko may bitbit. Nagtataka naman ako, maluwag naman sa may pintuan, pero kaming anim sa unahan nagsisiksikan. Pinakikiramdaman ko ang wallet ko baka madukot. Nong tumingin ako sa baba, nakita ko yun kamay ng isang lalaki na nasa loob ng bag na ni sweetie. Wala siyang malay na dinudukutan na siya, kasi ang concentration niya ang pagkakayakap niya sa akin at parang nag-eejoy sa amoy ng kilikili ko. Mapungay ang titig niya sa akin, na parang ang ibig sabihin…iuwi mo na ako. Habang sinisiksik kami, humihigpit ang yakap niya sa akin at ramdam ko ang lapat ng katawan niya sa tagiliran ko. Agad kung binitawan ang bitbit ko sa sahig at malakas na tinapik ko yung kamay ng lalaki. Nagulat din sila, bigla niyang inalis at sabay tingin ng matalas sa akin. Kinabahan din ako at hindi ako makakilos dahil mabilis ang takbo ng bus. Apat silang nakaburarat ang mata sa amin, na kung papalag ako, palagay ko kawawa sila, hehehe. Pero kasama ko si Sweetie, humigpit pa ang yakap niya. Buti na lang huminto na ang bus, Malibay na at isa-isa silang  bumaba na parang wala lang nangyari, sumingit sa ilang pasahiro na bumababa din. Lumuwag na ang bus at nakaupo na kami.

IMG_0065

Pagkaupo namin, humawak agad ako sa sandalan ng harapang upuan, mabilis ang bus at si Sweetie kumapit na din sa braso ko. Pabida kaagad ako, sabi ko “Buti na lang ger natapik ko yung kamay ng lalaki, kung hindi, nakuha na sana ang wallet mo. Tingnan mo ger, baka may nakuhang iba”.

Ang sarap magsermon at patuloy ako sa pagpayo… “Dahil bago ka lang salta sa Maynila, dapat maingat ka sa mga mandurukot at snatchers. Pagsakay mo pa lang, yun na agad ang iisipin mo. Minsan ibulsa mo muna ang mga alahas mo. Ako, pinakikiramdaman ko agad ang wallet ko lagi.

Paghaplos niya sa kamay ko…”Ooh, nasan yung relo mo?” Nakakagulat na tanong ni Sweetie. “Ayyy, hindi ko ba pinatago saiyo?” “Hindi ah!” Sabay kapkap sa mga bulsa ko. “Ha? patay, nanakaw ng mga hayop na yan! Mga buray ni ina ninda!!!” Hindi ko man lang naramdaman na hinuhubad na pala ang relo ko, nakaconcentrate kasi ako sa pahigpit na pahigpit na yakap ni sweetie habang sinisiksik kami. “Ger, hindi pa nga bayad yun” ang malungkot na sabi ni Sweetie.

Hindi man lang nag-isang araw sa kamay ko, damunyado! Hindi ko na tuloy alam kung anong oras ako nakauwi sa Meycauayan, waaaahhhhh!

https://madongis.blog/wp-content/uploads/2021/02/img_4486-1.jpg

Pagbubulay-bulay

Masarap balik-balikan ang nakakakilig na mga eksena, ano pa man ang ending niyan. Ang sarap din magpabida, akala mo “my hero” ka na, ikaw pala ang nabiktima. Minsan sa sobrang excitement mo sa isang bagay, baka dalhin ka din sa kapahamakan. Mabuti na lang hindi ko namalayan na dinudukot na pala ang bigay at magarang relo ko, baka maynasaktan pa sa amin. Minsan ok lang naman ang nawawalan, kaysa buhay mo ang manakaw.

Gawin mong inspirasyon ang mga mahal mo sa buhay, para maabot mo ang tinatarget mo. Malay mo, mabullseye mo. Magpakilig at magpakasaya, dahil minsan lang yan dumarating sa buhay. Sa huli, nawawala na din ang kilig, ang panginginig mo na lang ang nagpaparamdam saiyo.

 

Me and Sweetie with our favorite Mamas and the Papas hits

This is dedicated to the one I love

img_5397
“This is dedicated to the one I love”
img_0215
Uncle Rosendo’s House, Naga City 2017 “Dream a little dream of me”
img_0399
December 2016   “You Baby”

“My Girl”

“California Dreamin”

“Monday Monday”

10 Comments Add yours

  1. GerDon ay nagsasabing:

    Hay dongis, napatawa mo na naman ako…Venus Baduya

    Galing Ger!!! Mabuhay ka … regards…Edna Abragan

    wow…champion k pla magsulat…nice Don 😊…
    more true to life stories!!!πŸ˜€πŸ˜€πŸ˜€… Vee Oleta

    Ang ganda ng love story ninyo ni misis..thanks for sharing…josielyn Daroy

    Ganda tito! Champion ka tlga! πŸ˜‰ Bing Roldan

    Sayang yung watch, Sir Don. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Na-curious ako anong brand. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Hahaha… Mirai

    Hahaha di bale ng nawala ang relo na bullseye mo naman si sweetie πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚galing… ellen beringuela

    Maurag ka talaga amigo…narumduman ko lamang si bagong salta man ako igdi sa manila…Cora Bocalig

    Pasado sa akin ang mga kwento mo ,Adonis. . . hbang binabasa ko fuerte bga ang pusngak ko. Magaling ka. . may elementong komedya mga sulatin mo n tamang tama nman sa panlasa ko.gusto ko un kinikilig din ako at may halo din pagkauragon. Hahahahaha i like it!!!…Galing galing mo!!🍻😍😍😍😍Hehehe keep on writing ….Miriam Bermudo

    great work Ger!!!….Gisbert Beringuela

    HAHHAH… ang galing tito ❀️ … Pong Kai

    ayos grabe ang memory mo ger maski sadit na detalye tandaon mo pa.harayo pa sa senior moment hehehe…mwuaaah…Joy Prado

    so nice…garo man sana naiimagine ko ngyayari habang binabasa ko.fan mo na ako.😊 …Nanette Efondo.

    kaidto tlga Don mau pa cp mau text.. pag long distance ang relationship masurat ka tlga..ang surat maabot saimo after 1 or 2 weeks….Vergie Bagadion

    Hahaha maganda ang eksena nyong dalawa n sweetie mo pareng Adonis..bawat talambuhay ng isang mag asawa may eksenang nangyayari..msta na ung dalawa pare Adonis…Carol Patino

    Kinilig ako 😁😁😁 …Milagros Santos

    Okay Tito. Will definitely read this!…Weng Serrano

    Kilig to the max!…Jo Penas

    πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚haha mtibay k mg estorya
    n alaka ko tuloy yung isa s favorite ko n comics liwayway ata un
    matibayon!…Nancy Cellona

    Ang galing sir ger ah…Champion … Jojo Julian

    Ganda tito! Champion ka tlga! πŸ˜‰ …Bingbing Roldan

    Binasa kona rin po diko matiis…hehe nakakaaliw po grabe po ang memory nyo very into details po parang na pipicture nyo pa po yun bawat eksena na yun na para bang kahapon lamang hehe… Rose Santos

    Uragon talaga….Naomi Clemente

    Cgurado bng ikaw ang ngsulat ng mga yan. Bka copying k lang…Tess Dungca

    NAMAN! MANOY GER,IKAW ANG TUNAY NA CHAMPION, ALAM NA! …
    MANOY GER,CHAMPION KA TALAGA, KAYA NGA MISS KITA, MISS NAMIN KAYO….Mar Macaya

    Mabuhay Ka Ger Don…Franz Bolvar

    Ayos Ger! πŸ˜ŠπŸ‘
    Marhay na sana Ger su ibang mga “Ger” mo dae na-promote sa “Sweetie”…😁Marlon Artigas

    Wowwwww…Audwin Cortez

    Thumbs up!!! … Maxi dela Cruz

    Perfect!!!… Ella Orgaya

    Like

    1. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

      Kilig to the bones

      Like

  2. Gisbert ay nagsasabing:

    Have read it again and it has not failed to amuse me. Siguro as Sr, na refresh uli ako ng love story nyo Donis. Now that your sweetie has taken her flight ahead of you, the memories are in writings and will never be forgotten. Hopefully, you will continue to write more. Mabuhay ka Donis

    Like

    1. GerDon ay nagsasabing:

      Thanks ger

      Like

  3. Minerva Concina ay nagsasabing:

    Wow, nakakakilig,
    Uragon na makata pa!

    Like

    1. GerDon ay nagsasabing:

      Thank you so much Manay sa pagbasa mo at tiyaga. Maogma ako na dawa pano kinilig ka, hahaha. Ingat lagi Manay.

      Like

  4. MΓ©l Dequit ay nagsasabing:

    Lol!!!! You are hilarious DonπŸ˜‚. Thanks for the great article. Mabuhay ka ger!

    Like

    1. GerDon ay nagsasabing:

      Thank you so much ger… nice to hear from you again.

      Like

  5. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

    Galing naman. Pinagtiyagaan ko kahit mahaba.

    Liked by 1 person

    1. GerDon ay nagsasabing:

      Maraming salamat sa oras mo.

      Like

Mag-iwan ng puna

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.