Pa, lasing lang ako

Noong malapit na akong mag-graduate sa college, halos parati na ang inuman. Walang thesis pa noon na pagkakaabalahan. Minsan pumapasok ng lasing, minsan naman hindi na makapasok dahil sa kalasingan. Ang problema ko noon kung paano uuwi ng bahay na hindi mahahalata ng tatay ko. Hindi siya umiinom, kung tumikim man isang laguk maduduwal na. Parati lang bantay ng tindahan. At may pagka-istrikto, lalo na sa inom. Kamakailan lang, katakot-takot na sermon ang inabot ko, yun duty ko hindi ko nagawa dahil sa kalasingan.๏ฟผ

Ang duty ko noon sa bahay ang mag-bunot tuwing umaga at sa gabi maglagay ng softdrinks at beer sa chest freezer. Kung meron mabigat na bubuhatin, ako na din yan. Minsan na lang ako pinababantay sa tindahan, malakas nga ako mang-akit ng suki, pero ang benta nakukupit. Gabi-gabi iyan ang ginagawa ko, ang magsalansa ng mga inumin, lima hanggang pitong kahon. Kinabukasan malamig na malamig na at kinahapunan nagyeyelo na mga yan, kaya’t dapat patayin mo na ang freezer para di sumabog ang mga bote. Binubuhat ko ang kahon patungo sa freezer, dadaan ako sa sala, kasi ang bodega namin ng mga inumin ay nasa labas ng bahay.

Minsan birthday ng kaklase ko, nagpainom. Sa isip ko, mapapalaban na naman ako sa inuman nito. Eh, kasesermon nga lang ng tatay ko. Pero talagang mapipilitan ka, pakisama ang nasa isip mo.

Nasusukat ang pakikisama noon, sa inuman. Kapag madalas ka makipag-inuman, lalo’t na ikaw ang nagpapainom, magaling ka daw makisama. Parang yun din lang ang sukatan ng tunay na pagkakaibigan. Sa tagal niyong tumutungga, nagiging matalik na magkakaibigan na kayo.

Habang nag-iinuman, nag-iisip na ako kung paano ako uuwi na di ako mahahalata ng tatay ko.

Yun nga, grogging-groggy ako, parang ako nasa bitukang manok, binabaybay ko ang pa-zigzag na daan. Umuwi ako timing na uwian na galing sa eskuwela. Bantay ng tindahan ang tatay ko, pero sabay nanonood ng TV. Kapag walang bumibili, tanaw niya ang TV sa sala. Tamang tama, may bumibili, dali-daling tinanggal ko ang sapatos ko sa pintuan at hinubad ko na din ang t-shirt at sinampay ko sa sampayan. Yung notebook ko inilagay ko sa mga pagitan ng mga botelya na nakatiklop. Kunyari matagal na ako dumating. Para hindi ako mahalata, pinasan ko yun isang kahon ng beer. Natatakpan ang mukha ko, pagdaan ko sa tapat ng tatay ko, sinisilip ko siya sa pagitan ng mga bote, at sinusundan nya ako ng tingin, buti na lang maykumatok na bibili. Mabilis na nilagay ko sa freezer, pagbalik ko timing na meron pang bumibili. Nakatatlong balik na ako, di na ako pinapansin. Akala ng tatay ko, kanina pa ako dumating, kasi ginagawa ko na ang duty ko. Kadalasan, kakain muna tapos yun duty ko na ang gagawin ko. Ang sipag talaga ng paboritong kong anak, hehehe, feeling niya lang siguro. Kaya lang lalo akong nalalasing at nahihilo. Naisipan kung maligo para maibsan ang pagkalasing ko. Babalikan ko na lang ang pagsalansa.

Ang aming banyo ay walang pinto, shower curtain lang, pero wala kaming shower, tabo lang. Dapat tabo curtain ang tawag. Tipid daw kasi yun tabo kaysa shower, sabi sa radyo, bilib na bilib ang tatay ko, kayat ayaw magpakabit ng shower. Pero hindi naman totoo yun, mas tipid pa din ang shower sa tingin ko. Sa kabila ng banyo ang kubeta, siempre may pinto naman yun. Pumasok ako sa banyo at hinatak ko yun curtina pasara. Agad nagtabo ako at mabilis na binuhos ko sa ulo at nasundan pa. Lalong umiikot ang tingin ko, kayat umiskuwat ako sa gilid at paisa -isa na lang ang pagtabo ko. Hanggang, nakalimot na at tuluyang nakatulog ako.

After ilang minuto, tuloy tuloy ang tatay ko sa kubeta para umihi. Narinig nya ang malakas na buhos ng gripo at umaapaw na tubig sa banyera. Hinawi nya yun kurtina, Nagulat siya…Donis!!!

Tinapik niya ako,

Hoy, hoy Donis, donis” sabay niyugyug niya ako sa balikat. Donis! Magsabi ka kung ano an namamati (nararamdaman) mo. Medyo nag-alala na ang tatay ko, Donis, donis, magsabi ka, para madara (madala) ka pa sa ospital. Nagtawag na ang tatay ko, “Vacion si Adonis!!!malakas na sigaw ng tatay ko. At doon lang ako nagising…Uh, anong nangyayari saimo!?

“Pahh, yasshengg lang ako”

Hamagang kang aki ka!!! (Hayop kang bata ka!!!)

burat (lasing) ka lang palan!

At sabay binitbit niya ako sa braso at pinatayo at inalalayan akong umupo sa kainan. “Buratserong aki ka, sabay kurot sa dibdib ko, nagkaregos ka may pantalon pa!?” (Lasenggong bata ka, naligo ka may pantalon pa) Hala, sakat duman!!! (akyat doon) At hinubaran ako ng nanay ko ng pantalon, sabi na lang ng nanay ko na nakangiti..aatakihon ako saindong mag-ama”

Kinabukasan, naalimpungatan ako, sa sigaw ng tatay ko… “Donis, donis, baba ka nga dyan!”

alisto akong bumaba, mahirap ng masermunan ulit.

“Hilinga an laman kan freezer, (Tingnan mo laman ng freezer) yun binugtak mong cerbeza kabanga baseyo! (yun nilagay mong mga beer kalahati baseyo!)

Dai kaya pa pumutok lang (Hindi kaya pa sumabog lang) baka napabayaan mo, nagyelo na“. Naggigigil na sa galit ang tatay ko. Hilingon mo kaya!!! (Tingnan mo nga)

Ngeek” napatakip na lang ako ng nguso ng silipin ko at pasimpleng kinuha ko ang notebook ko. Pati pala notebook ko nakasalansa.

Uh, ano yan? Hamag ka, pati notebook mo pinalipot (pinalamig) mo. Atsan makua (Mamaya kukuha) ka na naman ng bago sa tindahan!”

Pagsulit kang aki ka, sakat duman!!! (Buwesit kang bata ka, akyat doon) Napakamot na lang ng ulo ang tatay ko.

Ang sabi na lang ng nanay ko, “pagpasensyahan mo na lang Jose ang aki (anak)mo, graduweting na man yan”

Pagbubulay bulay:

Sa tingin ko, okay lang naman magbisyo, lalo na ang pag-iinom. Basta yun tama lang. Ano man daw na sobra ay masama.

Kung magbisyo ka, wag mo naman kalimutan na meron ka naman dapat gawin pa. Maraming may bisyo, pero hindi nalulon, kasi meron pa silang ibang mas prayuridad sa buhay, yun pag -iinom pampaalis lang ng pagod.

Maraming din nalulon sa bisyo, dahil ang naging prayuridad ang bisyo, kaysa sa trabaho. Marami akong napagmasdan, na maaga nagbisyo, pero umasenso, kasi hindi nila pinabayaan ang buhay na dapat meron pang mas dapat gawin.

4 Comments Add yours

  1. GerDon ay nagsasabing:

    Dios mabalos saindo gabos sa mga komentaryo asin sa oras na inubos nindo sa pagbabasa. Mabuhay kamo ger!

    Pasawayyyy na aki ka….hahaha… Nadette Salazar

    Tama ka dyan Ne, pasaway na maray! Hahaha. In fairness nman kay gerdon, nagawa nman duty nya khit lasheng, yun nga lng ksama yung notebook sa freezer. Hehe. Ger, naiimagine ko pa tindahan nindo sa barlin. ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜๐Ÿ˜‚ …Angie Goyena

    Ger mabuhay ka! Look at your life now, you are successful even if you were a bit misbehaved in the past…Edna Abragan

    Iyan ang nakua mo Donis๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜…Virgie Bagadion

    Pasaway pero masipag nman pala ang Donis noon๐Ÿ˜„๐Ÿคฃ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜… kahit lasingero, maswerte ka graduating ka๐Ÿ˜œ๐Ÿคช๐Ÿค”…Connie Baniaga Balba

    Hahaha typical n hiro-hiro kan mga jovenes kan panahon ni Adonis. . . ayos baga !keep on writing Adonis! U are good at it!…Miriam Bermudo

    Hahahaha…Minenie Bleza

    Like

  2. Minerva C. Concina ay nagsasabing:

    Hahahaha, pasaway…. na aki.
    Iyan talaga pag joven pa, napapabarkada.
    Ang importante nakagraduate ka , dahilan ,na naging marhay ang buhay mo ngonyan.

    Like

  3. Minerva C. Concina ay nagsasabing:

    Hahahaha, pasaway….
    Iyan talaga pag joven pa, napapabarkada.
    Ang importante nakagraduate ka , dahilan ,na naging marhay ang buhay mo ngonyan.

    Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.