Noong first year, section F ako, second year tumaas sa C, third year bumaba sa D at nitong fourth year ay bumalik ako sa F. Talagang ganun, marunong akong lumingon sa pinanggalingan. Siguro nga, deserved ko naman ang section F. Noong first year di pa inpluwensado, so ang tendency pataas at noong matuto ng kalokohan, siempre pababa talaga. Sabi nga ni Pura, noong unang araw ng pasukan, It’s not the section but kung pano mo isasabuhay ang iyong natutunan. Hindi naman yan nakukuha sa section lang, ang importante pa din ang iyong pangarap sa buhay. Hindi naman ang F ang last, pang-anim pa lang naman kayo, meron pa naman G to Z. F as in First, nangunguna pa din, diba?
Hayyy, grabe ang palusot. Sana wala ng ranking ang section. Parang hindi pantay pantay ang pagtrato sa mga estudyante. Prayuridad pa din yun matatalino, na dapat ang tutukan ang may mga kahinaan. Ang favorite yun genius daw, na di na nga naliligo, nakalimot na dahil sa pag-aaral. Yun ang gusto ni maam kasi hindi siya nahihirapan magturo. Ang wish ko noon, ang ihalo ang mga matatalino sa mga maykahinaan, para maakit mag-aral at yun matatalino matuto naman ng kaunting kalokohan, para balanse ang bawat section. Parang ang Section ABC na lang ang anak ng Principal, paano naman yun mas mababa pa sa F? Malayong-malayo na, ilang hakbang na lang daw nasa loglogan na. Tapos ang mga titser pa yun hindi siniswelduhan ng maayos. Kaya yung mga ilang estudyante na nasa huling sections, masigasig naman pumasok pero pagdating sa school gusto palaging wala si maám.
Ganun pa man, panibagong grupo, bagong pakikisama, bagong kaibigan, bagong kasiyahan. Nasa iyo na lang kung paano mo malalagpasan ang mga pagsubok habang nagbibinata ka, sasabayan mo lang ng magandang pangarap, “dream big!” Ang sabi ni Joan. Pero sa panahon ko noon, may sinasabing ambition, pero parang hindi naman seryuso. Umaasa pa din noon kung ano na lang ang dumating. Nakalagay sa yearbook yun ambition, pero pagdating ng araw yung iba, iba naman ang kinalagyan. Pangarap ko noon ang maging artista, pero saan ako bumagsak? Sabi nga ng nasirang Rico J “kapalaran”. Yun talino, wala naman kasiguraduhan na dadalhin ka sa mabuting pamumuhay. Minsan yun talino, nag-asenso nga, ginamit naman sa kalokohan. Ganun din yun sipag. Maraming masisipag hindi rin natagpuan ang yaman. Pero meron something na kapag nanalig ka ay sadyang dumarating din naman. Meron talaga na para saiyo. Hindi naman puedeng maging doktor tayo lahat, talagang dapat meron maiwan para ipagpatuloy ang pagsasaka, ang pagtitinda.
Binatang binata na ako, mas matangkad na ako sa tatay ko. Panay na din pa cute. Lalaking lalaki na ang boses, Conscious na din ako sa suot ko araw araw, dapat maputi. Maging sa sapatos mapili na din. Uso na ang adidas noon, pero karamihan yun mga may mga kamag anak lang sa tate ang meron. Bukang bibig lang, kahit na hindi naman adidas sinasabi adidas daw ang suot nila, apat na guhit imbes na tatlo lang. Converse ang nanaig, Jack Purcell. O kaya naman balat na mataas na takong.
Uso na ang ready made na maong noon, kapagnaka Levi’s ka na orig, parang ayaw mo na hubarin. Kapag sinabit mo, kinabukasan wala na sa sabitan, ayun suot na ng kapatid mo, kaya’t pagsinuot mo ulit, nangangati ang singit mo. Sabagay ganun naman talaga ang desinyo ng maong, bihirang labahan.
F as in…
Sa Totoo lang, itong si Vicente at ang tropa namin noon and dahilan kung bakit ako ganito. Si Nilo (Banzuela), Jobards, Joey, George (Nepales), Monic (Vasquez) puera pa nyan yun mga barkada namin sa iba’t-ibang sections.
Kay Joey at George ako natuto ng ibang laro, puera sa basketball. Kapag wala si ma’am nasa likod kami ng Bichara Theater nagbibilyar. Natutunan ko ang di na mag-aral ng lesson, kundi ang pag-aralan ang mga kalokohan, kaya F, as in Fatal! Delikado, kaya nag-aalala ang tatay ko noon na baka mawala ako sa tamang landas. Binalak niyang ilipat ako sa Pisay, pero ayaw ko! hehehe!
Anyway, balik tayo sa section ko…Siguro sa lahat ng section na napuntahan ko simula first year, itong 4F ang pinaka Facinating. Nandito kasi yun Fair na mga estudyante, hindi kayo nagpapaligsahan ng kagalingan, tamang tama lang. Hindi ka nangangamba na baka next periodikal naungusan ka na ng katabi mo. Walang rivalry, walang favoritism na gaano. Hindi ka nae-insecure o stress. Kung ikaw nahuhuli oks lang, pero mahiya-hiya ka naman. kaunting dunong lang hindi ka na nahuhuli. Kaunting dunong pa, sikat ka na sa klase niyo. Meron talagang may mga talent, hindi lang natutukan ang academcs, hindi lang nae-explore o’ kaya naman dinala ng maagang pagbibinata, gustong gawin yun mga ginagawa ng mga nakatatanda, na putot pa naman sila. Gusto pomorma na lang. Meron mga talent na dapat makalabas. Hindi lang mabigyan ng pagkakataon, kasi nga nasa mababang section, limited lang ang exposure kasi, di gaya ngayon na ang magulang tudo supporta.
Meron mahilig sa karate, si Awe (Banares) at si Caloy, dapat kaibiganin mo na lang para matakot sila. Meron may potential sa musika, si Joey, kahit anong oras kinakalampag ang desk nya at kinakamot ang tiyan feeling gitarista. Nasunod nya naman ambisyon na maging K-pop, senior edition nga lang. Meron lagi sya ang bida at meron naman mga walang kibo, kinakalabit mo na walang imik pa rin. Nagpupulis-pulisan sa kwarto, pero isa ring pasaway. Mga kalog, sa kalokohan di mo mauunahan. Kung nadiscover lang kasing galing si Pugak at Tugak. Walang dull moments sa F, kaya F as in Funny, lalot na pagkasama mo si Jobards. Si Monic naman ang nag-influenza sa akin na mag-basa. Talagang napaka wide reader niya. Tuwing recess, at tanghalian nagsusunog ng kilay, nasa likod ng UNC, habang naglologlog, Pilipino klasiks ang hawak, inaabangan ang susunod na labas ng “Ang anak ni Zuma” at ng “Hari Manok” ni Don Maninok. Ako naman Wakasan lang, hindi naman ako nagkahilig sa komiks, palipas oras ko lang pagkasama ko si Monic. Favorite ko noon si Max and Jess at si Tartan. Kaya natuto akong gumawa ng estoryang pangkomiks, kagaya nito. Pero ang magbasa ng El Feli, ang tamad ko, di ko maintindihan ang binabasa ko.
Sa babae ang daming magaganda, parang dito sa F pinagsama-sama, sabi nga din, F as in Face. Pero di ka makapagligaw, puro kantyaw ang aabutin mo. Ang concentration ng mga lalaki ang pagbabarkada, ang pangliligaw wala sa prioridad. Mabuti pa ang taga ibang sections, nakakapagligaw sa mga kaklase namin, pero kaming nasa bangbangan na, sus no pansin ang mga yan. Nahirapan kaming pumili ng muse, sa prince charming, hindi kasi ako lang yun. May crush ka naman, di mo naman mapormahan, ayaw maniwala na crush mo siya, o parang niloloko mo lagi sila. Kapagpumorma ka, kantyaw ang aabutin mo. Kahit lima senko ang apol of the eye sa amin section, walang nangahas sa amin na mag-ilusyon.

Judy Grimpluma, Lolita dela Rosa, _____(?) Jean Consorte, Jean Segismundo, Jocelyn Tan, Naomi Clemente, Marites Legaspi, Celestina (?)
At kaya F din daw, ay mabenta ang pangalang “Francia” (Joaquin at Bolvar), meron Maria Francia (Villareal) at meron Penafrancia, nakalimutan ko lang apelyido niya. Pagsinabing mo ang ganda mo Franz apat agad ang lilingon, bahala kanang magturo kung sino ba talaga ang sinabihan mong maganda. Pagdimo napili si Franz mababato ka ng eraser. Sa lalaki may Federico (Chavez), F din. Ang wish namin noon, ang mapasama si Floriam. Pagsinabi mong, ang sexy mo Jean, dalawa ang lilingon (Segismundo at Consorte). At higit sa lahat meron kaming Gloria (Pangilinan) ang pinaka-apol of the eye ng mga lalaki. Gloryang-gloria ang dating, si Caloy at Wilhelm (Lopez), nasa harapan lang nila, inaamoy-amoy ang mahabang buhok niya. Pero hindi makaporma ang dalawa. Meron ba kayong Naomi? ang puti nya, akala ko nga nong una anak ng araw. pan de amerikano, di nga lang kataasan ang ilong, kaya mahalata mong Pinoy. Si Chi (Tena) ang cutie ng 4F, maliit pero ang galing makisama. Si Cecilia met Cecilio, hindi bagay, si Maliit at Maliki. At si Melda (Ligon), nagrorosa-rosa ang kutis porcelana, maamo ang mukha. Pero tingin ko naunahan kami ng tisoy sa kabila. Si Marsha, pamangkin Pete, ang uniform naninilaw, pano ang tubig daw sa Mesirecordia, dilawan. Tumingin ka na lang sa beautiful looks niya. Si Lolita (dela Rosa) at haluan pa ng tsinitang si Jocelyn (Tan).
Ang aming room ay unang pinto ng bagong Laboratory Building. Malapit sa hagdanan. Magandang tambayan ang labas, dahil malapit sa balkonahe, doon dumadaan ang lahat. Dahil sa kapilyuhan sa mga dumadaan, ang sabi nong isang taga section A, “4th year at that!” nabastusan, naduterte ata.
Ang aming adviser ay si Ms. Pura Tablizo, dalaga pa, nasa late twenties lang si ma’am, maahh mabait at maahhh magaling, nakakarelate sa aming mga teenager. Minsan doon kami nagparty sa kanila, wala kang choice kundi ang isayaw siya.
Ako ang pinagawa ni ma’am ng seat plan, sa kulay dilaw na cartolina. Ginamit ko yung pentel pen na baliktarang pula at blue. Sa baba ng seat plan ay may logo ng 4F. Yun vertical lines ng 4 at F pinag-isa na lang at yung horizontal line ng 4 ay medyo hinabaan at naging middle line ng F. Yun pangalan ng gumawa siempre may kaartihan. Katabi ko si Joey (Azur) at sa kaliwa ko si Vicente (Ojeda) at sumunod si Joel (Barde), tapos si Raul (Orbeso) pang-apat na linya kami. At sa kabilang linya ay si Franz, Marsha at si Melda. Kayat pagnacheck ng quiz, sa kabila ang magcheck, napakiusapan ko naman si Marsha na wag na pag isipan ang sagot ko, correct agad, isang pacute ko lang…check agad!
NCEE
Bago ka makapasok sa college dapat muna mapasahan mo ang National College Entrance Examination. Lahat ng mga estudyante at eskuwelahan ay naghahanda sa pagdating ng NCEE. Mababa lang ang passing grade, pero nakakakaba din siempre, pag dika nakapasa paano ang ambisyon mong maging engineer? Ito ay pang-apat na taon pa lang ng NCEE. Kung di ka papalarin, vocational courses ang pagpipilian mo. Ginawa ito para madagdagan daw ang mga vocational graduates na noon kailangan na kailangan para sa programa ng gobyerno na maging industrial nation ang Pinas. Pero sa totoo lang kulang ang trabaho para sa mga college graduates at hindi naman matapatan ng trabaho na nauukol sa kanila.
Noong examination na, nahirapan ako at kumulang ang oras sa kakaisip, Kalilingon sa katabi, halos lumuwa na ang mata ko. Sa tingin ko, hindi ako papasa, sayang ang iniisip ko na kurso. Architecture ang napipisil ko noon, pangalawa lang ang engineering.
Noong matapos ang exam, nagkita kami ni Vicente sa hallway ng Hayskul.
“O ano, kumusta exam mo Teng? Malabo Don, ang dami kong tsinambahan, kapag magkatunog, yun na yun, kapag madalang ang letra, yun naman”
Nakahinga akong maluwag, meron akong kasamang magmimikaniko na lang.
“Inom tayo mamayang hapon, at magpalipas ng kaba”
Niyaya ako ni Enteng. Hindi talaga ako makahindi sa Vicenteng ito, dahil ako din problemado.
Kinahapunan, nagkita nga kami ni Enteng. Pumunta kami sa inuman ni Biyo-biyo sa Igualdad. Si Biyo-biyo ay sikat na komentarista sa radyo ng DZDR, ang mga anak niya mga kalaro ko noong maliliit pa kami sa P. Diaz. Sinisilip ko sya noon habang naglalaro ako sa Bicol Motors. Kung magbatikos grabe, parang mga Tulfo, mahilig sumindak. Ang pagkakaiba lang niya, walang 60 milyon na naibulsa si Biyo. Hindi ko lang alam kung may punto ang mga pinagsasabi. Hindi pa naman uso ang fake news noon. Anchorman siya minsan ng Apat na Tagulipdan, ang mga taga balita noon. Di gaya ni Tulfo, malayang naka paglalakad si Biyo kahit ang dami niyang nababatikos. Wala pa akong pakialam sa gobyerno noon. Ang sa akin lang ang pumasok sa eskuwela. Si Biyo, mahilig magbatikos, pero kapag minor de edad ang pumapasok sa inuman nya, ay ok lang. Imagin dalawang minor de edad nag-iinuman, bilog pa naman din, parang di ko matanggap sa ngayon.
Anyway, nakaubos kami ng isang bilog, pulotan lang naman isang platitong mani, sandia at kropek. Pagkatapos ng isa, kumuha pa kaming kalahating bote. Nakakatingi pa noon ng inumin. Lasing na lasing ako at susoray suray sa kalye. Si Enteng parang wala lang, mas sanay sa akin, akay-akay nya ako. Nag-umpisa ang kwentuhan sa NCEE at natapos kay Melda. Palagay ko panay pasa ni enteng ng baso, habang kinikwentuhan niya ako ng tungkol kay Melda. Ang nasa isip ko pa din ang NCEE. Hindi ako magauntok, ang sa isip, ok kaya ang manahi na lang ako?
Dahil takot akong umuwi ng nakainom, niyaya ako ni Enteng na pumunta kina Carlos (Limjoco). Sabi niya doon tayo magpalipas ng lasing sa kubo nila. Ganun nga, pinagbuksan kami ng gate ni Caloy, at agad humiga ako sa kubo. Sabi ni Enteng,
“Loy baka may kape kayo dyan?”
Kumuha nga si Caloy ng Kape, isang makapal na baso, nahirapan ako hawakan dahil sa init. Tapos nagkwentuhan ulit kami ng NCEE, sabi ni Caloy, ang dali-dali ng exam, gulat kami ni Enteng. Yun Abstract reasoning, minani ko lang. Yun reading comprehension, sus dali. Inggit na inggit kami, wish ko lang na katabi ko sana si Caloy, ang bait pa naman yan. Habang nagkikwento si Caloy, lalo ako nalalasing, umiikot ang mundo ko kapag nakapikit ako, tapos bigla na lang sumuka ako sa kubo. Nilabas ko lahat yung mani at ang butong pakwan at yun kaiinom ko lang na kape. Nagkalat sa tabi ng kubo. Sabi na lang ni Caloy, “buti na lang purong tinutong yun, hindi Cafe Puro, kundi sayang.” Pagkatapos nahimas-masan ako at patuloy ang pag-aalala ko sa NCEE.
Makalipas ang ilang buwan, malapit na ang graduation, nilabas na yung results ng NCEE. Lahat excited, ang iba naman kinakabahan. Balita sa room namin na nakapaskil daw ang pangalan namin ni Enteng. Dali-dali kaming pumunta sa Principal’s Office. Nakapaskil nga ang mga nag-top. Nandoon nga ang pangalan ko at ilan pang pangalan sumunod na si Enteng. Kami ang mga nanguna sa exam.
Sa totoo lang nakuha ko naman talaga yung exam, di naman ako nagtsamba, pinag-aralan ko naman talaga yun. Lalo na yun Math, sus ang dali-dali, yun english parang tagalog kadali. Yun abstrak reasoning, parang nagdu-drawing lang ako na hindi ko maintindihan. Hindi naman talaga ako kabado, medyo lang baka kasi wala ako sa top 10, hehehe. Pasensya na kayo wala na ako sa kalasingan, hambugon na!
Barceluneta
Pagkatapos ng graduation, nag-inbita si Judy (Grimpluma) sa bayan nila, magparty daw at maligo sa dagat, sa Cabusao, Barceluneta. Kasama naming si jean at ang boyfriend niya at iba pang mga babae, siguro mahigit sampu kami. Parang ibang grupo ito ng mga kababaihan ng klase.
Pagdating namin sa Barceluneta, agad pumunta ng dagat, iba ang kulay, di malinaw. Hindi buhangin ang baybayin kundi putik na pino, hangang tuhod minsan ang putik. Agad lumusong sina Jean at ang boyfriend nya. Ang gandang pagmasdan ang dalawa. Naka nganga kami lahat. Akala mo parang malulunod lagi ang bf niya, palaging nakayakap. Pupunta sa dalampasigan tapos maghahabulan, pagnadakip sabay magpapagulong-gulong, parang isang scene ni Guy at Pip sa “My blue Hawaii” kami mga tulo laway sa kaaabang.
Ang sabi nalang ni Enteng, sana nandito din sa katabi ko si Floriam (Alcasid), grabe naman ang ugop-ugop.
Noong gabi na, tuloy na ang party. Huling dumating ang magkasintahan, agis-ison ang dalawa, bakas ang mga kamot ni Jean sa bf, ang bf kay Jean (Magistrado). Medyo strikto ang tatay ni Judy, nakabantay. Lahat ng kanto ng sala nilagyan ng lampara, medyo maliwanag. Kapag umaalis yun tatay, biglang hihipan yun ilang lampara, kayat dumidilim. Ang sabi na lang ni Judy, hinangin po. Ang ginawa ng tatay ni Judy, kumuha ng petromax, ang liwa-liwanag na sayawang yun. Naisayaw ko naman sila lahat, puera lang kay Jean, nakabakod ang bf niya. Parang sila lang ang nag-eejoy sa dilim, buti nga nakahalata ang tatay ni Judy, lumiwanag, kainggit kaya. Si Judy lang ang nakadami sa akin sa sayaw, kaya kinabukasan, asikasong-asikaso ako. Iba ang almusal ko, sila puro daeng na abo, pagutpot, lapad at dilis, ako may special na itlog.
CAT
Napasama ako noon sa model platoon, siguro dahil na din sa tangkad at kamachohan ko. Pero wala akong kahilig hilig sa CAT noon. Makikita mo ang itsura ko napaka lousy, di man lang pakintabin ang buckle, kahit sapatos di man lang nasa shine, minsan sa johnson floor wax ang ginagamit kung pangpashine. Namumula nga lang ang gilid kapag di ko na brush na maiigi. Yun swelas, pudpod, kasi ginamit ng mga kapatid ko sa ROTC.
Ang aming platoon leader ay si Edgar (Consulta), Taconsul ang tawag namin. Singaw kong magkommand dahil wala pangngipin sa harapan. Minsan ang dinig ko, magpahinga na, yun pala tikas pahinga. Si Ruedas naman ang company commader namin. Nakakatawa, kasi pag nagroll call, ala Rico J kung sumagot, payuko -yuko pa si Ambo (Marbella). Si Nath (Capucao), parang si Pete Vilareal na kung lumakad, medyo sakang.
Sabay sabay naman kun magmarcha, kaya lang pagdating sa may chapel ang ang platoon iilan na lang, nagsipagtakas na.
Nakakaingayo din ang CAT, kasi na sa tambayan sa Barlin, nagsisipagmarcha sa kalye, parang mga baliw, pa-candence-cadence pa, mga disturbo sa tindahan, Si Edgar (Basister )ang namumuno, kapag dumating na si Nestor (Magat), ayan mag-iinuman na.
Epilog
Ang mga kwentong ito ay hango sa tunay na pangyayari, hinaluan lang ng kaunting vitsen para masarap basahin. Sana hindi ko nadamihan dahil nakakauyam pag-sobra. Ang sarap balik-balikan ang mga nakaraan lalo’t nagbigay ng saya at aral habang nasa hayskul pa tayo.
Kaya’t idinididikit ko ito sa mga naging kaklase ko, lalo’t na sa 4F, dahil sa inyo naging ganito ako. Puno pa din ng kakalugan. Marami akong hindi na din matandaan na pangyayari noon, pero malinaw pa sa isip ko ang masasayang tagpo. Pasensya na, yun di ko nabanggit, lalot na si Venus. Ang alam ko kasi, pagka may Adonis, may Venus.
Kung puede, magpakilala naman kayo kung naging kaklase ko kayo, unpisang first year hangan 4th year, baka sakaling maalala kong meron tayong maganda’t masasayang tagpu.
Mga 4F:
Francia Bolvar, Naomi Clemente, Jean Consorte, Lolita dela Rosa, Judy Grimpluma, Francia Joaquin, Marites Legaspi, Melda Ligon, Gloria Pangilinan, PenaFrancia (?), Jean Segismundo, Jocelyn Tan, Cecilia Tena, Maria Francia Villareal, Celestina (?)
Joey Azur, Manuel Banares, Nilo Bazuela, Joel Barde, Antonio Cecilio, Federico Chavez, Carlos Limjoco, Wilhelm Lopez, George Nepales, Matos (?), Vicente Ojeda, Raul Orbeso, Melchor Semana, Monico Vasquez, at si Jose Adonis Beringuela