BOG VOGUE With Part II

71 Q’s with mADONgIS (Uncut)

1. Q: Ano ang tunay na pangalan mo?

A: Jose Adones Cuerdo Beringuela. Adonis lang ang pangalan ko noon hanggang 1995. Ayon sa aking birth certificate, meron ako Jose at Adones ang pagkaka-spelling.

2. Q: Ano ang palayaw mo?

A: Tatlo talaga ang palayaw ko. Donis sa loob ng pamilya ko, Don sa mga nakakakilala sa akin at Ger sa mga close sa akin. Minsan napaghalo-halo na.

3. Q: Puede ba kitang tawagin ger at bakit ger?

A: Oo naman ger, no problem ger. Noong estudyante ako nasanay akong tumawag ng ger. Parang ito ay isang tawagan ng mga kabataan sa Naga, na parang pare o’ padi, hanggang sa nadala ko na sa Maynila. Ger ang tawagan namin ni Sweetie at naging ger na din ang tawagan namin sa mga ka close ko.

4. Q: Saan ka pinanganak?

A: Ipinanganak ako sa Naga, sa tindahan namin sa Barlin. Meron kami noon na kapitbahay na kumadrona, kaya sa bahay lang daw.

5. Q: Ano ang birthday mo?

A: May 1960. Senior Adones na ako ngayon. Hindi na ko pipila ng kahaba-haba, at may 20% discount pa. May libreng sine, kaya masasabi ko, “Life begins at 60.”

6. Q: Ano masasabi mo tungkol saiyo?

A: Ako’y isang Bikolano, doon ako lumaki, nakapagtapos ng pag-aaral at nakapag-asawa. Masasabi kong simpleng tao at nabubuhay na may marangal na trabaho. Naniniwala na may Diyos.

7. Q: Sino ang wasweet mo?

A: Si Daisy Aguilar, taga-Naga din at ka schoolmate ko noon. Ngayon, Sweetie na ang tawagan namin, kasi parang prutas, kapag hinog na hinog napaka-sweet na.

8. Q: Paano mo siya nakilala?

A: Nakilala ko siya sa tindahan namin. Pinakilala siya ng kaibigan ng tatay nya na noon bumibili sa tindahan. Pumupunta siya sa amin kasi meron siyang kaklase na nakatira sa pinsan ko.

9. Q: Ano ba ang unang umagaw ng pansin saiyo, bakit siya?

A: Noong una kong makita siya ay nakatalikod, kumakatok sa katabing bahay namin. Nakita ko ang legs nya, maganda, makinis at maputi. Pangalawa matambok ang puwet at nang humarap, hmmm, da rest is history.

10. Q: Ano naman daw ang nagustuhan niya saiyo?

A: Noong una niya akong makita, ang sabi niya “Ito na ang mapapangasawa ko” kaya ako naman hindi na nakawala, parang nanuot na sa utak ko ang mga katagang yan. Dinagdagan niya pa ng tamang-tama daw na tangkad ko, kayumaggi at guapo at tuluyan ng nahulog ang loob ko.

11. Q: Ilang taon kayo magjowa?

A: Nakilala ko siya noong 1978 at naging GF ko siya noong 1979. Nakalimutan ko na kung anong araw niya ako sinagot. LDR kami ng apat na taon, at nagkita kami ulit sa Maynila noong 1986. Walang kaplano-plano nagpasakal kami noong 1987 sa huwes sa Makati at tuluyan ng itinali ako at binasbasan kami noong Jan. 2, 1988 sa Basilica de Penafrancia, sa Naga. Mabuti mabait ang nanay at tatay ko, sinagot nila ang gastusin sa kasal ko.

Nag-asawa akong walang pera, pero hindi naman buntis si Sweetie noon. Basta pumasok lang sa isip ko na lumagay na sa masalimuot na buhay. Matagal na akong may trabaho, pero wala akong maipon. Ang nasa isip kong solusyon ang mag pamilya. May trabaho naman siya at ako… bahala na ang nasa isip namin. Kaysa mawala pa ako sa piling nya, kawawa naman ako, hahaha. Mas maganda ang trabaho niya, sa bangko. Ako kapag walang pasok, walang sahod.

12. Q: Ilang taon na kayo ngayon?

A: 33 yrs na kaming nagtyatyaga sa isa’t isa.

13. Q: Ano ang sekreto myo ng mahabang relasyon?

A: Maging masunurin ka lang sa kanya at mapagbigay. Ibigay mo ang ATM mo, ayun! malaya ka na.

14. Q: Ilan ang naging anak nyo?

A: Apat na cutie, isang lalaki at tatlong babae. Pero ngayon hindi na mga cute, matitigas na ang yupapaps, hehehe. Ang tingin nila sa akin bumabatang paurong. Lima sana sila, yun pinaka bunso, na miscarriaged. Parang menopausal baby na yun. Parang ayaw ko magpakita kay Dr. Buenviaje noon, kasi 45 na si Sweetie, nakabuo pa na di inaasahan.

15. Q: Tingin mo ba nagmana ang mga anak mo saiyo?

A: Yun pagka-cute lang, yun katalinuhan sa nanay siguro nakuha.

16. Q: Saan ba nag-aral ang mga anak mo?

A: Lahat na sila tapos. Si Jase, ECE sa Mapua, sa Miriam College si Isabel ng Culinary, si Joan, BSEEd sa UST at sa UP si Ninay na nagtapos ng Molecular Biology.

17. Q: Sino ang favorite mo?

A: Dati pantay pantay sila, dahil may mga work na, depende na sa binibigay, hahaha.

18. Q: Ano ba ang natapos mo naman?

A: BSCE ako sa University of Nueva Caceres sa Naga. Natapos ko naman ng limang taon pero kahit summer pinapasukan ko. Pumasa naman ako sa board exam, pero take two, kasi bumagsak ako dahil natapunan ng tinta yung mga test papers ko noon.

19. Q: Bakit naman?

A: Noong panahon na yun fountain pen pa ang pinagagamit sa exam. Sabi nila, pagmaganda daw ang sulat mo at maayos yung presentation ng sagut, papasa ka na. Nilapag ko yun mga papel ko sa sahig at pinatungan ko ng indian ink para hindi liparin. Maliit kasi yun upuan at sulatan. Ganun din ang mga ginawa ng karamihan. Kalalagay ko lang ng ink sa pen ko, siguro di ko masyadong nasara yun takip dahil nagmamadali at patapos na ang exam. Nakita ko nalang tumba na yun bote. Hindi ko alam kong nasagi ng paa ko o ng bantay, basta nakita ko nalang lumangoy sa tinta yun mga papel ko. At iilan na lang ang nabago ko ulit. Kaya’t noong next day parang mabaliw-baliw ako. Sumisigaw ako sa banyo. Inisip ko na lang na blessing in disguise, baka kung di natapon bagsak din ako, at least ngayon may magadang rason, hehehe. Noong pangalawa naman, self review at di na din ako nag-aral ng maigi. Sa tingin ko disturbo lang itong exam kasi nagwowork na ako noon. At dahil kay Lord, pumasang-awa.

20. Q: Saan ka nagwork?

A: After graduation lang sa NIA, pumasok akong draftsman muna, after nine years naging Sr. Engineer ako, pero hindi ako naging regular kaya’t lumipat ako sa private firm ang TCGI, for two years ako doon. Sa Philkoei International Inc. na ako tumagal ng 28 years.

21. Q: Ano ang position mo ngayon?

A: VP ako ng Domestic Consulting Group. Noong 2015 hinirang akong VP, paano ako na din ang pinaka-senior, wala ng choice. Kung hindi magkakagulo, hahaha.

22. Q: Sa tingin mo ba succesful ka?

A: Oo naman, kahit na nga hindi ako yumaman, masaya ako dahil sa naging takbo ng buhay ko. Matagumpay ayon sa aking kakayahan.

23. Q: Ano ang una mong ginagawa pagkagising sa umaga at sa gabi ano naman ang huling gingawa mo?

A: Di pa nag-aalarm, kinakapkap ko na ang cellphone ko.

At sa gabi, cellphone pa din. Nag-umpisa sa umaga at nagtatapos sa cellphone pa din.

24. Q: Ano ang favorite food mo?

A: Bikolanong putahe pa din na ginataan kagaya ng kinunot, natong, tapos yung kusidong isda at kandingga. Pag-ako namalingke, sigurado isa diyan di nawawala.

Sa dayuhang pagkain naman ay Italian style na spaghetti at Japanese foods.

25. Q: Ano naman ang favorite mong mga inumin?

A: Coke, hindi nawawala yan kapag kumain ako sa labas. Naaawa nga ako sa mga batang hindi pinapainom ng coke dahil masama daw, samatalang noon grabe magsipag-inum ng soft drinks, basta wag lang subra, ok lang. Sa alak naman ay Ginebra, yan ang unang nakasanayan ko, maganda ang tama, walang hang-over. Pero ngayon, whisky over brandy.

26. Q: Ano ang favorite number mo at bakit?

A: 21, kasi sa tingin ko swerte. Ang 21 ay parang nagbibigay parangal, gaya ng 21 -gun salute at marami pang brand na may number 21, at mga players na naging matagumpay. Yun 21 stands for February 1 sa akin, kung kailan ako nag-umpisa sa PKII. Yun mga anak kong babae kapag binilang mo ang pangalan, 21 letters lahat. Yun kay Jase, kasama ang middle name, 21 din.

27. Q: Naniniwala ka ba sa Feng Shui?

A: Hindi, Yun tindahan kasi ng Feng Shui sa SM, na obserbahan ko, ilang buwan lang nagsara. Si Master Kwan, sabi nya magiging maganda ang ekonomiya ng Pilipinas sa 2020, pero anong nangyayari ngayon? Sabi nila gabay lang daw, sa diyos pa din daw magtiwala. So, bakit pa ko maniniwala, kung ang diyos din ang tingin nila nagpapasya.

28. Q: Naniniwala ka ba sa minimalism?

A: Hindi, kung kaya mong gastusan ang sarili mo, bakit mo naman titipirin. Katunayan maximalist ako, kung yan ang kabaliktaran ng minimalist. Hindi naman puede isang pinggan na lang at maghiraman kayo. Kung masaya ka sa pangungulekta o’ pagtitipid sa gamit, doon ka. Basta parehas lang may epekto yan, sa environment at yun isa naman sa economiya. Ano man sobra ay siempre hindi na maganda.

29. Q: Meron ka bang pinaglilibangan o’ hobby?

A: Marami, dati nagcross-stitch ako, tapos jigsaw puzzle, lego at nagsusulat ako ng nangyari sa buhay ko at kung ano-ano na lang, para libangin ko ang sarili ko sa haba ng biyahe sa EDSA.

30. Q: Diba ang cross-stitch pang babae, bakit ka nagkahilig?

A: Mahilig ako sa mabusising mapaglilibangan. Isang araw nakipaglamay ako, isang pinsan ko ang nakita kong nagcrocross-stitch, parang nawili akong tumingin, hangang sa nagpaturo ako sa kapatid ko. Kaya’t noong na-assigned ako sa Bohol, nagdala akong mapaglilibangan at ganun din noong nasa Iran ako. Hanggang sa pilkoy, nagsipag cross-stitch na din dahil sa akin.

31. Q: Bakit naman Jigsaw Puzzle?

A: Meron nabiling jigsaw puzzle yun kapatid ko na para sana sa pamangkin ko, pinagtulong tulongan namin yun 1000 pcs na buohin. Hanggang sa nagkahilig na din ako.

32. Q: Ano ang pinaka maraming pieces ang nabuo muna?

A: 8,000 pieces, yun “While she is sleeping”. 9,000 naman ang binubuo ko ngayon yun “The Battle of Algiers”. Dito masusubok yun tiyaga at pasensiya mo.

33. Q: Sabi mo nagsusulat ka ng blog?

A: Oo, “mADONgIS sa tingin mo lang” ito’y tungkol lang sa karanasan ko sa buhay at pananaw sa kasalukuyan. Pagpapatawa talaga ang unang layunin ko, pero nahahaluan ng makabayang pananaw, para mailabas ko ang pagkadisgusto ko sa kasalukuyang gobyerno.

34. Q: Bakit “mADONgIS sa tingin mo lang”?

A: Yun mADONgIS ay madungis talaga ang ibig sabihin. Madumi sa tingin mo, dahil hindi ka bilib sa nagsulat, pero kapupulutan mo din pala ng aral. Kaya naka-capital yun ADONIS sa mADONgIS kasi ini-emphasized na may ganda, kasi ang Adonis maganda at makisig ang ibig sabihin. Kahit may dungis, may aral naman na natututunan sa iyong pagbabasa. Paki silip mo naman ang… jacberinguela.wordpress.com

35. Q: Ano ba ang pinakagusto mong sinulat?

A: Yun “Sweetie”, kasi kwentong pag-ibig at inalala ko yun isang date namin ni Sweetie na hindi ko makalimutan. Pangalawa yun “Kawalang Pagpapahalaga ng Buhay” tungkol sa laban ng gobyerno sa drugs. at pangatlo yun “Telegrafista”, na ukol naman sa barrio bakasyunan namin noong maliliit pa kami na may temang saya, lungkot at pagka-inis.

36. Q: Meron ka bang mga collections?

A: Noong bata pa ako nangulekta din ako ng stamps. Nangungulekta din ako ng mga classic movies na DVD/VCD at music CD at mga plaka. Mahilig akong mangulekta, pero ang problema ang perang pang tustos sa mga hobbies ko.

37. Q: Ano bang favorite mo na boardgame?

A: Meron kaming kaunting collection ng boardgames. Ang favorite ko yun Dixit, mas marami kasi akong panalo doon. Pero ang madalas kong laruin talaga ay ang Upwords, kasi online na.

38. Q: Mahilig ka ba magbasa?

A: Hindi. Meron din akong iilan nabasang pocket books noon, yun kay Leon Uris at Frederick Forsytes, hirap akong intindihin. Kadalasan noon, komiks na Wakasan at Pinoy Klasiks, kasi madaling maintindihan.

39. Q: Ano ba ang favorite movie mo?

A: Yun “Operation Daybreak” ni Timothy Bottoms. Kasi tungkol sa history, action, pag-iibigan, suspense at yung soundtrack, bagay sa pelikula na nagdadala ng excitement. Kwento ng mga bayani na nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bayan noong WWII.

40. Q: Sino naman ang gusto mong actor at actress?

A: Si Gary Oldman sa pelikulang “Count Dracula” at “Leon, The Professional.” Si Liza Soberano, kasi gusto ko yun TV series nilang “Forevermore” na minsan lang ako naghanga sa gawang pinoy na teleserye. Pag-uwi kong galing opisina, nagmamadali dahil Forevermore na. Sana ako na lang si Enrique, hehehe.

41. Q: Sino ang favorite mong Director?

A: Si Stanley Kubrick kasi napaka-versatile niya, marami siyang pelikula na iba-ibang ang genre, gaya ng “Barry Lyndon”, “Full Metal Jacket” at “Shining”

42. Q: Ano naman favorite mong song?

A: Kahit na ano, basta maganda sa pandinig. Pero mas naaliw ako sa mga compositions ni Burt Bacharach at Hal David, gaya ng “This guy’s in love with you” at yung “Something here to remind me” Sa boses naman na babae ay si Eva Cassidy, kaya lang maagang namayapa.

43. Q: Madasalin ka ba?

A: Hindi, sa katunayan nakakalimut ako magdasal sa araw araw. Naniniwala ako na hindi tayo pababayaan ni Lord, kahit hindi ka madasalin, may dumarating na biyaya. At sa tingin ko kaunting papuri lang at siempre taos pusong pasasalamat sa biyayang natatanggap at suklian mo ng paggawa ng kabutihan sa kapwa mo. Si Lord hindi naman gaya ng mga leaders na dapat sumipsip ka, papurian mo lagi para biyayaan ka. Ang Diyos ay mapagpakumbaba, maawain at malawak ang pag-unawa.

44. Q: Ano ba ang reliheyon mo?

A: Catholic ako. Mahal ko ang pagiging katoliko, kasi sa tingin ko malaki ang utang na loob ko. Dahil ang mga magulang ko ay katoliko din, nakatira kami noon sa Barlin na kalye na daanan ng mga nagsisimba at mag-aaral sa mga catholic schools, dahil dyan nanatili ng matagal ang aming tindahan at naging matagumpay ang pamilya. Wala naman masamang institusyon na tumagal ng 2000 yrs. Iyan din ang simbahan na tinatag ni Jesus. Maraming nanghihikayat, magaganda magsalita, pero bago ko pag-aralan ang iba, ito muna na nakagisnan ko. Ayaw ko mawalay sa aking pamilya, dahil sa ibang paniniwala.

45. Q: Tingin mo ba mapupunta ka sa langit?

A: Siguro naman, kasi ang Diyos ay mapagpatawad, ayaw ka naman niyang makitang nililitson. Kailangan lang magstart kang magbago, dapat i-prepare mo yung sarili mo na dapat mapatawad ka. Kung puede hindi ka mamatay na biglaan, magsuffer hanggang kaya mo, doon mo lang mapapatunayan na mahal mo si Lord

46. Q: Proud ka bang Pinoy?

A: Oo naman, wala tayong magagawa, dito tayo ipinanganak, kaya’t dapat mong mahalin. Pero minsan naiisip ko bakit hindi ako ipinanganak sa maunlad at matahimik na bansa? Iniisip ko na lang na dito ako nararapat, yun pagkatao ko angkop dito sa bansang ito. Siguro kong nasa ibang bansa ako, iba ang naging buhay ko, baka malungkot kahit na may kasaganahan ang buhay. Dito sa Pinas, nandito ang saya, kahit anong sakuna ang dumating mga naka ngiti pa din dahil sa malakas na pananampalataya sa diyos. Mawawala lang ang pagka-proud mo, kapag ang leader ay salungat sa paniniwala mo, ang iniisip ang kanyang power, nagiging kilikili power tuloy.

47. Q: Ano ba ang gusto mong mangyari sa Pilipinas?

A: Siguro ang magpalit ng leader agad, yun bang makakapag-unite sa lahat ng mga Filipino. Yung may magandang aura na kapag nakikita mo sa TV, hindi mo nababato ng remote control, proud ka at hindi mo ikakahiya ang mga sinasabi niya. Nakakasuka ang itsura, kung magsalita basura!

48. Q: Bakit ayaw mo sa kanya?

A: Hindi ko talaga siya magustuhan dahil sa estilo ng pamumuno kahit noong Mayor pa. Ngunit nang manalo siya, tinanggap ko na, na sana sya na nga ang makakalutas ng problema ng Pinas. Pero hindi nangyari yun. Hindi nya ako nakumbinse. Ang payabang na mga pangako ay parang naging biro na lang. Hindi niya pala kaya gawin. Ang ipinakita nya yun dating estilo na ang sama sa akin. Kung ang tingin ko noon sa kanya, demonyeto lang, ngayon demonyo na talaga. Namumura niya nga ang santo papa at tinatawag niya ang Diyos na estupido. Ano ang tingin mo sa kanya? Lalo lang akong na frustrate sa nangyari sa Pinas.

49. Q: Sino naman ang tingin mo na maging next na Leader.?

A: Siguro ang pipiliin ko yun di galing sa datihang mga leaders, yun bago talaga. Wagna galing sa mga angkan ng mga Marcos-Aquino, Macapagal-Estrada at lalo na Duterte o’ sino man na sikat na pangalan na nakita natin ang kapalpakan. Kasi kung manggagaling na naman sa mga pamilyang yan, patuloy lang ang pagkakahati-hati ng mga Filipino, dahil sa gantihan. Magpili tayo ng bago talaga at wag yung nagkahiligan na lang ng pamilya, dapat meron magandang misyon at bisyon sa bansa. Maypagmamahal, marunong makinig, may damdamin at higit sa lahat maka Diyos.

50, Q: Ano ba ang ayaw mo sa tao?

A: Yun pagiging mayabang. Yun walang pakialam, madamot ay given na mga yan. Siguro yung englisero, hehehe, pasensya na, kasi dumudugo ang ilong ko, hahaha. Lalo’t na nandito naman tayo sa Pinas, kung maka-englis parang ang tangos ng ilong. Hirap ako makipag-usap, ang hina ko pa naman dyan.

51. Q: At ano naman ang gusto mo?

A: Ang mabait given na din yan. Pero ang mapagpatawad ay number one sa akin, kasi pangbihira yan sa tao. Hindi nakataga lagi sa bato, madaling makalimot, madaling mag-unawa at magbalanse kung alin ang nararapat at tama.

52. Q: Ano ba ang magandang nangyari sa buhay mo?

A: Siempre ang pagkakaroon ng pamilya at trabaho. Kasi ang pamilya yan yun pinagkukunan mo ng sigla at insperasyon. Yan insperasyon nayan ang gagamitin mo sa trabaho, para maging ganado ka sa bawat ginagawa mo. Kung meron man kapalpakan, eh parte yan ng trabaho na minsan di mo maiiwasan. Yung biyayang nakukuha mo sa pagtratrabaho ay siyang gagamitin sa pagtaguyod ng masayang pamilya. Kayat ang opisina ay pangalawang tahanan mo na dapat minamahal.

53. Q: After ng 33 years of married life, anong masasabi mo sa buhay may-asawa.

A: Ang buhay may asawa ay isang parte ng ating sufferings na dapat mong i-enjoy. Ang sufferings ay kakambal na yan ng pagiging kristiyano. Right after lang ng masarap na honeymoon, expect mo, umpisa na ng pagsasakripisyo. Hindi na ikaw ang priority sa buhay mo, kundi ang pamilya mo. Para maging matagumpay ang married life, bawat sakripisyo o’ pagsubok na dumarating ay dapat mai-convert mo into challenges at i-enjoy para kang nakikipaglaro lang. Halimbawa, kung kasama mo ang biyanan mo sa bahay, yun araw-araw na pinakikisamahan mo na di ka nayayamot ay araw-araw din na tagumpay. Nag-away kayong mag-asawa at kina bukasan ay bati na kayo, isang bagong matagumpay na araw. Nagkaroon ka ng anak, napatapos mo ng pag-aaral, hanggang sa nagkaroon kang apo, dahil sa pagbabanat ng buto at gabanyerang pawis ay isang tagumpay sa buhay. Kapag may bayaran, tanggapin lang ng maluwag at bayaran ng naka-smile. Kapag nagawa mo yan, magiging champion ka ng pamilya.

54. Q: Meron ka bang nagawa sa buhay mo na pinagsisihan mo?

A: Marami naman, pero part yan ng buhay, yan ang pinagdadaanan mo. Lahat naman tayo may dumaan na di kanais nais, pero nagiging batayan mo yan para mabago mo ang sarili mo na dapat di na maulit o’ kung maulit man madali kana makaalpas. Minsan pagnaalala ko napapa “OMG!” na lang o’ kaya mangingiti na parang baliw. Makasalanan din ako, pero may nagawa din akong kabutihan. Tingin ko balanse lang.

55. Q: Meron ka bang motto o’ quote na paborito?

A: Siguro yun pa din dati “Honesty is da best policy” Pero yun maging fair ka sa bawat na ginagawa mo at sa tao ay no. 1. Pero di ko magawa yan, meron talaga na minsan hindi ako naging fair, pero sinusubukan ko na maging honest at fair lagi sa bawat isa.

56. Q: Ano ang favorite mong Filipinong kasabihan at bakit?

A: Yun “Huli man daw at di magaling pero nakakaabot din” Minsan kasi meron tayong mga pagkukulang sa isa’t isa, pero puede mo pa din punuan sa huli at makakabawi ka. Ituloy mo lang ang paghahabol, siguradong maaabutan mo din.

57. Q: Ngayon na 60 ka na, meron ka bang natutunan na bago sa iyong mga karanasan?

A: Una, hindi pala importante yun mataas na IQ, average lang, ang kailangan pala ay EQ. Yun bang magaling makisama, mapagpasensya, mag-maintain ng katahimikan, mapag-unawa, honest, mapagpatawad at humble. Samahan mo pa ng SQ. Yun marunong magbuo ng paqkakaibigan na tumatagal dahil madaling pakisamahan at pakibagayan. Noon bilib tayo sa mataas ang IQ, pero ngayon, dapat mas bigyan pansin sa mga bata ang Emotional at Social Quotients.

Pangalawa: Natutunan ko na okay lang pala magkasakit ng malubha kaysa mawala kang bigla. Kasi nakakapag isip ka, nakakahingi ka ng tawad sa Diyos, nababalikan mo ang magagandang alaala at higit sa lahat nagsa-suffer ka tulad ni Jesus. Siempre, kailangan ang pagmamahal at kalinga ng pamilya mo habang nagsa-suffer ka. Sigurado na iiwan mo ang mundo na masaya, kaysa bigla, ni hindi ka man lang nakapagpaalam, ang dami mo palang naiwan na kayamanan na di nila alam. Siguradong makakalimutan ka nila kasi di mo napadama ang paghihirap mo at di rin napakita nila ang pagmamahal saiyo.

58. Q: Ano ba ang maipapayo mo sa amin?

A: Siguro maging relax ka lang, wag mag madali, wag tatalon, baka ka may maapakan. Wag mag-short cut baka ka mawala. Kaya ang hagdanan ay may baitang at barandilya para ang bawat hakbang ay ligtas. Talagang meron dumarating na mga pagsubok o’ problema pero hindi nawawala ang biyaya. Hindi ka naman daw bibigyan ng problema na di mo kayang maalpasan. Maraming dumaan na sakuna nandito pa naman tayo, at nakatayo. Sabi ko nga, bawat problema gawin mong isang challenge na para ka lang nakikipaglaro.

59. Q: Ano ba ang wish mo sa birthday mo?

A: Una ang gumaling ang asawa ko sa malubhang sakit na kailangan ang mahabang gamutan. Na sana matustusan ko siya, na yun naman ang pangako ko na hanggang sa gumaling siya. Pangalawa ang magkaroon ng kalutasan ang Covid na ito. Pangatlo, siguro ang magkaroon na ng manugang at kung papalarin apo na sana.

60. Q: Ano pa ba ang gusto mo pang mangyari sa buhay mo?

A: Siguro ang matapos ko ang trabaho ng matiwasay na di mabahiran ng pagdududa. Maging mapagmahal na lolo at makahingi ng tawad sa puong may kapal sa mga nagawa kong mali. At i-enjoy ang natitira pang taon sa buhay ko, hindi sa paglalakbay kundi makita ko ang mga anak ko na may masayang pamilya na katulad ko.

Part 2

61. Q: Ngayon SC ka na, ano ang bago saiyo?

A: Biyudo na ako. Sumakabilang buhay na si Sweetie, noong Feb. 7. 15 months kaming nakipag laban sa sakit na cancer, pero natalo kami. Talagang hangan doon na lang siguro ang buhay niya.

62. Q: Ano ba ang naramdaman mo nong mawala si Sweetie

A: Magkahalong lungkot at ginhawa. Malungkot siempre sa tagal nyo din nagsama at awang sobra-sobra dahil nakita ko ang paghihirap niya. Ginhawa kasi natapos na din ang paghihirap niya.

63. Q: Ano masasabi mo sa dinanas niya?

A: Tinitingnan ko yun positive sides ng pagkakasakit niya. Although, naghirap siya, nailapit niya lalo ang sarili niya sa Diyos. Sa 15 months na laban ay nakapagdasal ng mataimtim, nakahingi ng tawad. Hindi ko iniisip na parusa ito, kundi pagsalba sa mga kasalanan, hindi lang sa kanya kundi sa mga nagmamahal sa kanya. Ikinukumpara ko siya kay Jesus na nagsakripisyo para ma-save ang sangkatauhan sa kasalanan. Siguro inako niya na lahat para hindi kami maghirap na kagaya niya. Kaya kinu-consider namin siya na bayani ng pamilya.

64. Q: Meron ba siyang huling habilin saiyo? At kong meron, ano yun?

A: Noong malaman na stage 4 cancer ang sa sakit, ang unang namutawi sa bibig ay wag akong mag-aasawa. At inulit niya noong malapit na ang buhay niya sa harap ng mga anak ko. Puera niyan wala ng iba.

65. Q: Ano naman ang naging reaksiyon mo?

A: Humagulhol ako, pero hindi naman sa sinabi niya. Kundi yung naramdaman kung awa.

Normal lang siguro sa asawa na sabihan na wag mag-asawa. kasi labs ka niya, baket ka naman ipamimigay sa iba? Hindi naman siguro makasarili yan, mahal ka lang talaga. At baka iniisip niya, paano sa langit, dalawa kami? Hahaha, bahala na ang naiwan.

66. Q: Kumusta ka na ngayon?

A: Noong unang 40 days ng pagkamatay niya, ay parang okay lang kami. Parang nawalan ng tinik sa dibdib. Pero after niyan, unting unti ko ng nararamdaman yun lungkot. Talaga mamimiss mo pa din. Lalo’t na sa gabing mag-isa sa kama. Pagdating galing sa opisina, wala kang madadatnan na naghihintay, kundi ang tatlong masungit. Yun ang nakakalungkot din. Malaya nga pero may kulang. Ngunit, nawalan man kami ng ilaw ng tahanan, pero ang aming bahay ay patuloy nagniningning dahil sa iniwan niyang pagmamahal at magagandang alaala.

67. Q: May balak ka bang suwayin ang bilin ni Sweetie.

A: Hindi ko alam. Sa ngayon mahigpit ang mga bantay ko. Dapat daw alas siete nasa bahay na ako.

68. Q: Ano ba maipapayo mo sa pamilyang dumaranas ng may malubhang sakit.

A: Siguro ang maging mapagpasensiya, unawain ang may sakit. Wag maghinayang sa gastusin, lalo’t na meron ka naman. Bawat araw na extension ng buhay ay mahalaga sa pamilya. Minsan hindi mo na alam kung saan nanggagaling ang pangangailangang tulong. Meron graciang dumarating talaga. Huwag itago na may sakit, maraming nakakaalam, mas maraming nagdarasal.

69. Q: Ano ba ang sukatan ng success saiyo?

A: Simply lang ang batayan ko, kapag umangat ang buhay mo kaysa sa mga magulang mo ay sa akin succesful ka na. Meron tayong kanya-kanyang talino, kakayahan at kapalaran hindi lahat nadadala ng sipag.

Kapag mayaman ang mga magulang mo at namana mo, dapat palaguin mo. Pero kung ganun pa din lang, sa tingin ko di ka succesful. Kapag masaya ka sa buhay, ano man ang katayuan mo. Puede din ituring na successful ka.

70. Q: Ano bang katangian mo na sa tingin mo okay at bakit?

A: Sabi nila aproachable daw ako. Nagiging malapit sila saiyo. Nasasabihan ka ng gusto nila at ayaw. Madali kang pakisamahan at kampanti sila saiyo. Meron silang tiwala na umaasa na di sila mabibigo. Nag- eenjoy ako makinig ng hinaing at kahit na tsismis. At mas enjoy kapag nakakapagbigay ka ng payo na tanggap nila.

71. Q: Ano ba ang priority mo sa buhay mo?

A: Lahat priority, yun family, yung trabaho mo, mga kaibigan, yun tulog, yun mapaglilibangan, yun pahinga ay dapat pantay-pantay. Ang magkakaiba lang yun distrubution ng time. Mahaba ang time mo sa trabaho, pero pagod ka, maiksi ang time mo sa pamilya, pero quality time naman. Hindi puede iitsapuera ang isa, kasi hindi magiging completo ang buhy mo. Kayat gawin mo priority ang bawat kinikilos mo.

72. Q: Paano ka ba nagiging masaya?

A : Una, wag kang mapopoot. Pag hate mo siya, sira na rin ang araw mo. Isipin mo na lang lahat tayo may deperensiya. Pangalawa. Wag kang magkukumpara. Kung ano meron ka, pagyamanin mo, ikaw lang ang meron niyan. Bawat tao ay unique, iba’t ibang itsura, pag-uugali at pag -iisip. Pangatlo, wag ka mag- alala. Libangin mo ang sarili sa mga mabubuti, think possitive kahit na sa mabibigat na problema.

7 Comments Add yours

  1. Sen ay nagsasabing:

    Ang cool po nito 😊

    Like

    1. GerDon ay nagsasabing:

      Maraming salamat Sen sa time mo at lalo na sa comment mo na pang pagana. Mabuhay ka!

      Like

      1. Ellen Beringuela ay nagsasabing:

        Napakagandang pamamaraan ng pagbabahagi ng iyong sarili sa pamamagitan ng q and a. Mas lalo kitang nakilala at hinangaan sa iyong prinsipyo at mga pananaw sa buhay. Mabuhay ka!

        Liked by 1 person

      2. GerDon ay nagsasabing:

        Maraming salamat Ellen sa time mo sa pagbabasa. Ideya ito ni Jase at Joan noon birthday ko na mag Q&A style gaya sa Vogue, pinahaba na lang yun tanong at sagot, kasi madaming nakaligtaan sa video. Stay safe Ellen at mabuhay ka din!

        Like

  2. GerDon ay nagsasabing:

    Super haba! Lumabo paningin ko pero tinapos ko. Maganda. Ayaw mo din kay Digong. Kmi habo mi..sya… Lourna Villanueva

    Like

  3. Mél DeQuit ay nagsasabing:

    Ang galing mo ger, bilib talaga ako. Mahirap yata magsulat sa Tagalog but you really did it well 👍
    Mabuhay ka ger!
    Thank you.

    Liked by 1 person

    1. GerDon ay nagsasabing:

      Thank you so much ger sa pagbasa mo at papuri mo. Nakakataba nin puso at nakakapagana. Mabuhay ka din ger!

      Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.