Ginebra
Noong unang tikim ko ng alak, Hindi ko agad nagustuhan, kasi mapait at medyo maanghang, sumasabit sa lalamunan. Kung hindi mo susundan ng tubig, o’ haluan, paghindi ka sanay, tiyak maduduwal ka. Pinapainom ka na nga, nakasimangot ka pa, yan ang biruan noon. Hindi na ma-drawing ang mukha mo sa itsura mo. Sa isang tagay, namumula na agad. Parang noong bata pa ko, sapilitang kung painumin ng gamot, nag-aaway pa kami ng nanay ko, na dapat may isang basong tubig na panulak, hindi pa makalulon ng tableta, kaya tinutunaw pa sa kutsara, kayat nalalasahan ang pait. Nong lumaki, nakakagalitan, kung tumuma daig pa ang may trabaho, naging pasaway.
Sabi ko, ano kaya ang nagugustuhan nila sa alak? Wala naman sarap, kumpara sa inuming matatamis. Bago mo inumin, mag-concentrate ka muna. Mapait na maanghang, kaya pala tinawag naman na hard kasi mahirap inumin. Inuming de pataranta, ang sabi ng hindi umiinom. Nakakataranta nga kapag ipinadaloy mo ang simoy ng alak sa utak. Pero maraming nahuhumaling at naging alcoholic na nga. Meron nagkasakit sa alak at nalunod sa alak. Lumalakas nga ang loob, yung iba tumatapang at nawawala na sa sarili. Meron naman iba kapag nalalasing, nagiging masayang kausap, nagiging komedyante, nagiging englisero. Siguro nakainom ng imported na alak. Nagiging galante, ang sabi ng mga anak nila, mabuting laging lasing si daddy. Nakukupitan sa bulsa, pagkagising akala niya naubos ng katable niya. Sabi nga drink moderately, pero wala naman nakikinig sa matagal ng pabalang yan, tuloy-tuloy ang inuman, hindi na nga alam kung paano nakauwi ng bahay.
Ang tatay ko hindi umiinom, minsan ko lang nakitang uminom, natagayan nga lang, parang hinayang na hinayang. Hindi siya nagkahilig, mga kapatid niya naman umiinom, lalo’t na kaming mga anak niya, walang nagmana sa kanya. Hindi nga umiinom, pero may alta presyon naman. Talo pa nga siya ng nanay ko, nakakalahati ng bilog kapag nabibisita ng mga pinsan kong manginginom.
Siguro kasi sa dami namin na anak niya, kapag uminom pa siya, mababangkarute ang tindahan na maaga. Diyan mo makikita na puede naman pala ang walang-hilig sa inom, kanya kanyang buhay, kung papaano mo eenjoy ang buhay. Paninigarilyo lang at kaunting intre-quatro ang libangan niya. Ang inom wala sa bukabularyo ng tatay ko, ang sabi niya”kalwag lang yan!”
Naiiba ang inuman noon, talagang mag-eenjoy ka, patak-patak, piso-piso lang. Bago mag-umpisa nag-aambagan na. Ang sunod na bote niyan, lumalabas na lang ng kusa. Magkatinginan lang, hala, isang pares na naman ang pinagpinagkakaabalahan. Isang baso lang ng Blend 45 ang umiikot, Kasi ang basong yan ay may sukatan para pantay pantay ang tagay. Isang tinidor o’ kutsara para sa pulotan, hindi ka mandidiri na isa lang ang ginagamit. Isang baso din lang sa tubig na pantulak. Kaya’t ang mga magbabarkada, ang sabi “kahit kailan, walang iwanan.” Sari sari na ang napagkekwentuhan, minsan paulit-ulit, nagkakantahan, kahit apat na lang ang kuerdas ng gitara, tuloy ang kasiyahan. Pulotan mga tira-tira sa hapunan o’ ang pang hapunan ang napupulutan. Isang platitong mani, ayos na! Kung walang wala, dinurog na Snowbear puede na, mawala lang ang alak-lasa. Kapag talagang wala, tubig at sipol na nga lang. Yun isang bilog nadadagdagan pa ng ilang bilog, minsan kwatro kantos, inuman na hanggang magdamagan. Nauutang pa nga ki tyong Jose. Lumalabas ang pira kahit nakatago sa sekreta, kahit na yung nasa midyas nailalabas wag lang umuwing bitin. Mapapansin mo isa isang na lang mawawala, hanga’t maiwan ang pinag-iinuman. Samahang walang katulad. Kinabukasan ang tanong, nakailan ba tayo kagabi pade?
Ginebra ang uso noon na inumin, lalo’t na sa mga estudyante. Iilan lang naman noon ang sikat na alak, Tanduay na rum at White Castle naman sa whisky. Kapag mag Fundador na noon, medyo nakaka-angat ka na sa buhay. Ang beer naman talagang San Miguel na, sa mga club, beer ang kadalasan siniserve. Yun mga nakakatandang manginginom, paisa-dalawa, palipas at pampatulog. Shuktong mainam daw sa may sipon at masakit na tiyan. Pumasok ang Beer na Beer at ang Carlsberg, pero pinataob ni San Miguel, ang sabi “inumin ng tunay na Pilipino!”
Sa ilalim ng lamesa, ang tambak ng bote ng ginebra, parang collection na na nakasalansa. Kapagdumaan ang magbobote, tuwang-tuwa, makakabuo na naman ng isang bote. Kapag dumaan si padi, hala umpisa na naman. Mapapansin mo ang laman ng kariton ng magbobote ay puro botelya ng ginebra, iilan lang ang iba. Kaya naman ang patis, toyo at suka, boteng ginebra na din. Nere-recycle ng magsasawsawan na mga companya.
Napansin niyo ba na kaunti na ang manginginom ngayon? Tingin mo lang dumami, kasi dumami ang pupolasyon. Sa porsiyento, lumiit ang manginginom kuntra sa dami ng tao. kung uminom man ay moderate na nga lang. Siguro dahil sa nagmamahalang prisyo, dulot ng patong-patong na buwes. Madami ka na nga kasalanan sa panginginom, dahil sa paglalasing, kaya daw may sin taxes. O’ kaya naman sadyang marami ng mapagkakaabalahan, magchat na lang ako kaysa magpakalasing, wala pang sakit sa ulo, napakilig mo pa ang love mo. Dati marami kang makakasalubong na lasing o nagpapasaway sa daan, ngayon napaka dalang na. Dati sa inuman lang nagkakasama sama ang mga magbabarkada, pero ngayon sa kapihan na. Maghapon isang tasa lang ng cape, noong sa magdamag, isang kahon na ng beer. O’ kaya health conscious na ang karamihan. Nasa mall nagtatambay, pakape-kape na lang imbis na mag-beer na beer sa isang sari-sari store.
Pansin mo din ba? Umunti nga ang manginginom ngayon, pero dumami naman ang mga nag-iinom na babae, baliktad na ata talaga ang mundo. Noon halos wala, sa beerhouse puro lalaki lang, kapag meron man, ka-table mo na yun. Si Zenaida lang ang nakakainuman namin noon. Baliktarin mo man ang mundo, dumami na nga ang lasingga . Dumami nga ang babaeng manginginom, ayaw naman makipag-inuman sa mga seniors. Ano kaya kung noon marami na ding babaeng manginginom? Ang saya singuro!
Minsan may site inspection kami sa Mindanao. Meron kaming kasamang babaeng engineer. Maganda’t desente tingnan, nagkikiskisan lang ang kanyang hita paglumalakad. Nagkayayaan after ng hapunan na magkaraoke. Tinanong namin yun babaeng kasama namin kung ano ang gustong inumin. “Sabi niya hard”, sa loob ko, ang yabang. Sa isip ko lang, tingnan natin. Sabi ng kasama ko, ano kaya ang itsura nito kapaglasing. Naubos agad namin yun isa Fundador, at Emperador naman ang available.. Yun babae naiinip sa tagal ng tagayan, siya na ang nagtagay. Bawat tagay niya, patutunugin nya sa baso mo ang baso nya. Nasundan pa ng isa, ang hapdi na ng tiyan ko, nang umihi ako, tuluyan na ko umiskapo. Kinabukasan, sabi sa akin ng kasama ko, “hayop ger, ang tindi, pinataub tayo lahat, gusto pang umorder, buti magsasara na. Ginawang ninong tuloy ako sa kasal niya.
Dahil sa umunti na ang mga manginginom at health concious na ang mga tao, para mapansin, nag-innovate sila, yung hard naging light, yung light naging double light. Yun bilog, nagkaroon ng maliit na quatro cantos. At nagkaroon ng pocket size, para lang maging affordable, meron na din atang naka sachet na lang. Yung cerbeza, dumami ang klase, una yung pale pilsen at negra, nagkaroon ng dry, light, zero at ngayon flavored beer, mahuli lang ang taste mo. Kahit lambanog nagkakulay na din. Yun dating de gallon na may isang pasas na lumalangoy, naka-long neck na din at may sari saring flavor, kulay at desinyo ang bote. Ang dami na din nag-evolve sa inumin pangpalasing. Meron nang Miguelito, yun talagang mabasa na lang ang dila mo. Pero ang nawala siguro, yun mga inuman na nagseserve ng gin lang, gaya ng Rossana at Aquarius noon sa Naga. Iwan ko lang kung meron pa sa Naga, kahit na yun tagay-tagay lang na para sa mga kargador, meron pa ba? Wala na din si Paquito.
“Magbeer muna tayo” ang sabi ni bert tawa. “Inuming pang lalaki,” ang sabi naman ni da king. “Inuming pang romansa” ika ni Eddie Garcia. Inumin ng tunay na lalaki.
Masasabi kong manginginom ako, pero hindi naman ako umiinom ng mag-isa. Kahit na meron inumin na tira sa ref, never akong tumikim. Umiinom lang naman ako pag naaalok o’ kaya may ukasyon, pero gusto ko naman kung uminom yun bang lasing talaga. Makikita mo “ganado sa buhay.” At never naman akong nag-alok after ng inuman na kung saan saan pa pupunta. Pero pagnaalok sige lang, pakisama lang ang sabi nga “Iba ang may pinagsamahan.”
Minsan, nanliligaw pa lang ako kay Sweetie noon. Pagkatapos ng tanghalian, mag-akyat ligaw ako. Bumaba ako mismo sa tricycle sa tapat ng bahay nila. kumatok agad ako sa gate, at may dumungaw sa bintana…si Daisy po? Pasok Noy!
Tamang-tama noy ang dating mo, oh, ito, inabutan agad ako ng isang baso ng Blend 45, akala ko kong ano, 3/4 sa baso ng ginebra. Hindi ko malulon- lulon, apat na lagok. Tawanan sila, namula ako agad. Buti na lang to the rescue si Sweetie, inilayo nya na ako sa nag-iinoman.
Kaya noong mga sumunod kong bisita, sa kanto pa lang bumababa na ako, dadaan muna dahan-dahan at sisilip baka nandoon na naman ang grupo. Kahit kailan, walang iwanan!
Sa isang tagay, nakuha ko ang kiliti ng tatay ni Sweetie.
Itaas mo
Iba ang may pinagsamahan
Magbeer muna tayo
Iba ang may pinagsamahan
Ganado ka ba sa buhay?