OK Lang ang Epal na Mag-Epal

Sinulat noong kasagsagan ng relief operation para sa mga biktima ng bagyong Yolanda…

Sa panahon na ito na ang daming biktimang nangangailangan, hayaan na natin ang mga Epal na mag-epal. Basta sigurado makakarating ng maaga at sa tamang paruruonan. Hindi naman ako maka-Jejomar ang gusto ko lang ang kayumangging kulay ni Nancy Binay. Malay mo naman baka galing sa bulsa nyang pinaghirapan o’ kahit sa buwis ng mamayan. Mabuti na yan kaysa maibulsa ng iilan. Minsan tanong natin… nasan na ba ang mga inihalal ni Juan? Nihoy, nihay di matagpuan sa kalamidad na mayabang. Kung di eepal ang mga epal, paano natin malalaman na tumutulong ang mga inihalal? Kung hanapin mo sa kalamidad, para ka bang iniwanan ng mahal mo sa buhay.

Sino ba talaga ang Epal? Meron mga network dyan nag-aagawan sa donasyon ni Juan, Pagkatapos, nagpapataasan at pasikatan gusto lahat maging no. 1. Nakaabot sa paruruunan ang munting supot na yan…pero pawis ni juan pa din ang nagbalot at nagdistribute. Ayan na pagkainabot sa mga nasalantang nangangailangan, may nakasulat na galing sa kapamilya, kapatid o’ sa kapuso network. Di ba dapat nakasulat sa supot ay… ”Galing sa nagmamahal na taongbayan sa pamamagitan ng kabaitan ng kapuso network”

Pagnagrereport kanya-kanya, sila-sila lang ang banggit na di maramot. Samanatalang si Jejomar, batikos ang inaabot, Paano naman ang mga simbahan, Red Cross at iba dyan na mga masigasig din na mag-abot? Mababanggit kapag wala ng maiabot. Kaya di ako nagtataka, lahat sila nagsisiksikan sa Tacloban para sa kasikatan, pero sa maliit at malayo na isla…puro kalansay na!

Sino ba talaga ang EPAL? Minsan si Juan, kapag piso lang, ayaw pabanggit ang pangalan..pero kapagmilyones. Gusto nasa unahan ng listahan at bold ang pangalan. Sino ba talaga ang ayaw mabanggit sa supot na iyan? diba nakakataba ng puso kapag nalaman at maynagsabing…ger ang bait mo naman!

Nasan na ba ang mga inihalal sa panahon na kailangan na kailangan? Hindi natin matagpuan pano panay ang kantyaw sa mga nag-eepal, kaya’t mabuti pa si Jejomar, kinapalmuks nya na lang.

Kaya hayaan na natin ang mga EPAL na mag-epal, pansamantala lang naman sa oras ng kagipitan. Bahala na kayo sa supot ni Jejomar, pagkatapos matangap gawin basahan at basurahan. Ang laking pakinabang!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.