Sobrang Juicy!

Isang araw, noong fourth year hayskul ako, nalaman namin na wala yung teacher sa Pilipino. Nagkayayaan nong tanghalian ang magbabarkada na mag-inuman. Napilitan akong sumama, kung hindi kantiyaw ang aabutin ko sa mga nakainom. Sa isip ko, sila high ako normal? Sama na lang!

Kwatro kantos, sandali lang inubos, mga hindi pa naman sanay uminom. Walang kuwentuhan, basta pinaikot yung baso, yung iba nga nakatayo lang. Ang pulotan, chicharon na malapad na sinasawsaw sa toyong may kalamansi, pang pawala ng lasa ng gin. Sigarilyong Marlboro, halinhinan sa paghithit para tipid. Nagmamadaling ubosin para makapagtambay pa sa campus bago ang susunod na subject.

Nakailan tagay lang ako, feeling ko kumapal ang mukha ko at sabi nila namumula daw ako. Kayumanggi ako, pero halata na nakainom at nangangamoy. Sabi sa akin, ngumuya lang daw ako ng bubble gum, para hindi ako maamuyan. Dinalawa ko na nga para siguradong amoy Juicy Fruit lang ako.

Noong bumalik na kami sa eskuwelahan, wala nga si ma’am, kaya lang meron substitute, yun assistant principal pa naman. Hindi na ako makaatras, nakita agad akong paparating sa pintuan. Yung iba nakaiwas at di na tuluyang pumasok. Pagpasok ko, yumuko ako nagbigay galang, sabi ko…

“Sir, magandang umaga po”

Sinundan ako ng tingin ni sir at pagkalagpas ko sa kanya, biglang tinawag ako.

Ginoong Beringuela, halika, anong umaga?”

“Ay, magandang hapon ho pala”‘

“Amoy alak ka?!”

“Ahh, hindi po ser”, nilabas ko agad yun nginunguya ko at sabay sabi…

Sir, Juicy Fruit lang”

“eh, namumutla ka”

“Hindi po, sabi nila ser, namumula daw ako”

hehehe, “Yun nga, namumula ka! Nakainom ka! Anong Juicy Fruit? Bring your parents with you tomorrow!”

Napangewi at napakamot na lang ako sa ulo. Napa-englis pati si sir, sa Pilipino subject. Binaliktad niya ako, namumutla, yun pala namumula. Ang pakiramdam ko, tuluyan na akong namutla sa kaba, lagot ako sa tatay ko. Noon nga lang ako unang sumama sa grupo napahamak pa. Inamoy ko nga ang hininga ko, amoy ginebra na, nawala na ang tamis at ang pagka-Juicy ko.

Kinabukasan, dala ko na nga ang tatay, akala nya aakyat siya ng stage. Pinapasok kami agad sa kwarto ng Asst. principal. At nagsalita siyang pabulong…

Tyong Jose, hindi ko na paaabutin sa Principal ang kaso ni Adonis, dahil magkakapit bahay naman tayo sa Barlin, ang pakiusap ko lang ang bantayan mo ang anak mo. Nag-aaral ng inom, hindi ng lesson.”

Tumingin sa akin si sir at sabi niya pa…

Baka ubos lagi ang benta niyo. Amoy Juicy fruit lang daw siya, nakakalasing pala ang sobrang Juicy, hehehe” nakangiting parang nang-iinsulto si Sir.

Paglabas namin, sabi ng tatay ko..

Hamag ka Donis, akala ko aakyat na ako ng stage, damonyado ka!, kanino ka nagmana?”

Pagbubulay-bulay:

Noong ko lang napansin nang nagkapamilya ako na ang sagwa pala tingnan ang mga kabataan na nag-iinoman, lalo’t na nakasuot ng eskul uniform. Akala ko, oks lang noon, gusto natin madaliin na maging ganap na lalaki na tayo. Tinatapik-takip ko pa noon ang tiyan ko, na sana lumaki na, kasi simbulo daw ng pagkalalaki noon. Kaya pala mahigpit ang mga magulang, lalo’t na umaasa lang naman tayo sa kanila, pinapag-aral tapos tayo naman tumatagay, humihithit pa ng sigarilyo sa kanto. Nakakairita palang tingnan.

Sabagay, karamihan naman dumadaan diyan sa patikim-tikim, malaman kung bakit ang mga nakakatanda nahuhumaling sa alak, hanggang sa natuto na at nasanay na din.

Maraming dumaan sa ganun na maaga pa nagbisyo na, pero hindi naman ibig sabihin napabayaan na ang sarili nila. Nagbabago naman ang buhay at ang panahon ay gumagalaw. Meron nga lang nagpabaya at tuluyang nalulon, siguro yun naman ang kapalaran niya.

Dapat lang natin na maintindihan ang mga magulang sa pag-aalala, gusto lang nilang mailabas ang pangamba’t stress na namumuo sa dibdib nila. Siyempre ang layunin ang mapabuti ka. Pakinggan mo naman sila. Total, ikaw pa naman ang masusunod kung saan mo gustong hatakin ang buhay mo.

4 Comments Add yours

  1. Alma ay nagsasabing:

    Nakuha moko d2 kuya, galing. naman:-) good job!

    Liked by 1 person

  2. Alma ay nagsasabing:

    Nakuha moko d2 kuya, galing. naman:-) good job!

    Like

    1. GerDon ay nagsasabing:

      Thank you Alma, may bago akong tagabasa’t tagahanga!

      Like

  3. GerDon ay nagsasabing:

    Thank you so much sa mga comments at mabuhay kayong lahat!

    Pusngak ko saimo ‘ger, ulay ni Tio Jose may award ka, idto palan na-opisina ka,ha!ha!ha!
    – Vicente Ojeda

    Hindi ako lashing!!!….πŸ‘πŸ‘πŸ‘
    – Freda Asuncion

    oragon ka talaga brod.
    – Jovito Deveza

    Hahaha ayos sir pwede ng pang MMK. Hehehehe ang lupit.. 😁😁😁
    – Marc Pierre Olseco

    Magayon c story mo Jose Adonis Beringuela.
    – Evangeline Morano

    gayon kan estorya mo mate..πŸ˜„πŸ˜„πŸ˜„
    – Teresita Millena

    Haba ng kwento ng buhay mo ah. Di nga lang ako naka relate, hihihi.
    – Olivia Dumaya

    Nice!
    – Becky Benditta

    Brod Don, Ok ang pakasurat mo.
    – Raul Carreras

    One of your talents.
    – Naomi Clemente

    Ipadala mo sa MMK.
    – Marilou Magalit

    πŸ‘πŸ‘πŸ‘. – Lyn Alvarez

    πŸ‘πŸ‘πŸ‘. – Ella Orgaya

    Very interesting ger… nagngingisi akon solo kan binabasa q!
    – Aaron Pabines

    Maurag ka talaga ger mabuhay ka.
    – John Ignacio

    Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.